11- Date 101.2

35 2 0
                                    

~Date 101.2~

Mcdo...

Mas prefer ko na dito kumain kaysa sa restaurant. Kung bakit? Wala lang. Mas nage-enjoy kasi ako dito.

"Ahh."

Napatingin ako kay Mark nung bigla siyang magsalita.

"Huh?"

"Ang sabi ko, say ahh."

"Bakit?"

Tumingin siya sakin ng masama kaya tumahimik na ako.

'Sabi ko nga eh'

Kaya ginawa ko nalang ang sinasabi niya. Alam ko naman ang plano niya eh inaasar ko lang talga siya

*3*

Natapos kaming kumain at papaalis na sana kami ng hinawakan niya ang braso ko kaya ako napaharap sakanya.

Tiningnan ko siya ng may halong pagtataka.

"I know na naiilang ka, pero nakikiusap ako na sana pilitin mong wag mailang. Itrato mo ako tulad nung dati."

"I'm sorry." Napayuko nalang ako.

"No, wag kang magsorry. Wala ka namang kasalanan. It's all my fault kung bakit tayo ganito ngayon. Pero sana pagbigyan mo ako sa hiniling ko sa'yo."

He pat my head and I think that's my cue. I need to do something to change the atmosphere between us.

I smiled at him. "Shall we watch a movie then?" I said with a cheerful voice.

Bahagya naman siyang napangiti sa sinabi ko.

"If you say so. Anong movie ba?"

"Ikaw, ano ba'ng gusto mo?"

"Kung anong gusto mo."

So we end up watching a romance movie.

Ang sabi kasi nila on your date daw specially kapag first date its better kung romance ang panonoorin niyo ng partner niyo kaysa sa ibang mga genre like horror. Its so very unlikely kung yun ang panonorin niyo. And since I'm doing this for mark and because of his favor to me I decided na sundin nalang yung advice na yun kahit na hndi ako mahilig makinig sa mga sinasabi ng iba.

Para kay mark I want to make this date of us memorable.

Habang nanunuod ng sine ginagawa ko sakanya yung normal na ginagawa ng mga babae sa boyfriend nila. Nandung sinusubuan ko siya ng popcorn habang siya naman paminsan minsang ipinapatong ang ulo niya sa kanang balikat ko. May mga times din na patingin tingin siya sa akin habang nanunuod kami.

Nasa kagitnaan na kami ng panonood ng bigla siyang bumulong sa akin.

"Nilalamig ka." Sabay abot sakin ng coat niya at inyos pa niya ang pagkakapatong sakin ng coat niya para hindi ako gaanong lamigin.

"Thank you." Sabi ko ng nakangiti.

Masasabi kong na-sweetan ako sa ginawa niya. That's a sweet gesture for us- girls. After ng ginawa niya, sandali akong napatitig sakanya..

'Napakaswerte ng taong mamahalin mo mark at masaya ako dahil kahit papano nagkaroon ako ng pagkakataong maranasan ang pagmamahal mo.'

Napangiti nalang ako sa naisip ko at humarap ng muli sa big screen saka pinatong ang aking ulo sa balikat ni mark at pumikit panandalian.

'Sana nga wag ng matapos 'to, sana nga noon palang nangyari na'to. Pero lahat ng ito ay mananatili nalang na SANA.. Thank you for loving me Mark but you deserve better.'

Conquer Ones LoveWhere stories live. Discover now