7- Fling

24 3 10
                                    


~Fling~

"To an angel."

"Huh? Ano ba'ng pinagsasasabi mo?"

"Ang ganda niya."

"Nababaliw kana ba ha? Sino ba yung sinasabi mo?" -Chad

"Oo nga. Kanino ka ba nakatingin? Ang daming tao dito oh!" –Geoff

"Jin, umayos ka nga hano? Baka mamaya nababaliw ka na diyan. Sabihin mo lang." –Zach

"Hayaan niyo na nga siyang magpantasya dun sa sinasabi niya. Pabayaan niyo nalang."

"So pwede na ba nating pabalikin yung girls? Para naman mas lalong sumaya itong table natin." –Chad

Sa totoo lang parang hindi naman tanong yon, parang pinaalam lang nila sakin na papupuntahin na nila sa table naming yung mga babae dahil di pa man ako nakakasagot ay nakita ko nalang na may sinesenyasan sila at maya-maya namalayan ko nalang na nandito na yung mga babae at katabi na namin.

"Ahm te'ka lang girls ha? Guys, I'll excuse myself for a while."

Nagulat kami dahil sa biglaang pagtayo at pagpapaalam ni Jin. Biruin mo nasa tabi na niya yung dalawang babae at pilit siyang hinahalikan pero iniwan lang niya. Naiintriga tuloy ako tungkol dun sa babae na tinitingnan niya. Siguro there's something on that girl na nakita ni Jin.

3rd Person's POV

Tumayo si Jin at nilapitan ang babae na kanina niya pa tinitingnan....ay mali pala. Okay, erase that. Let me rephrase it, ang babae na kanina niya pa tinititigan habang mag-isa itong umiinom sa isang sulok.

"Hi miss."

Hindi sumagot ang dalaga sa binata, sa halip nanatili lamang ito na nakadukdok habang nakahawak sa basong inuman niya ng alak.

"Wala ka bang kasama?" Naghihintay ng sagot ang binata pero nanatili lamang na walang imik ang dalaga. "Would you mind if I sit here? Wala naman sigurong magagalit."

Hindi pa din sumagot ang dalaga kaya hindi na niya inintay pa ang sagot nito at umupo na sa high stool na katabi ng dalaga.

Hinawi ng binata ang buhok ng dalaga at tinitigan na muna niya ito ng ilang saglit at sinusubukang tingnan kung gising ba ito dahil parang wala siyang kausap pero dahil talaga namang nakakabighani ang ganda nito hindi niya maiwasang mapatulala hanggang sa bigla itong nagsalita na nakapagpabalik sakanya sa katinuan.

"Don't touch me *huk* nor look at me. It's rude to stare don't you *huk* know that?" Bumangon ang dalaga kasabay ng pagwasiwas niya ng kaniyang kamay sa harap ng binata at tumingin sakanya."If you want a *huk* fling look for another girl. I'm not in *huk* the mood to be one."

Sa pagsasalita pa lang ng dalaga mababatid mo na agad ang matinding kalasingan nito. Pero hindi pinansin iyon at ipinag sa walang bahala na lamang niya.

"Woah! Easy. Gusto ko lang makipagkilala. Anyway, I'm Jin and you are?"

"....."

Hey, come on, I'm just asking your beautiful name. Come on, so please tell me."

Saglit na tinitigan ng dalaga ang binata bago sumagot. "Ellys."

"Nice name. It's beautiful as you are." Ngumiti ang binata at tinitigan siya tila ba nahihipnotismo ito ng angking kagandahanng babaeng nasa harapan niya. Hindi pa naman siya gaanong nakakarami ng naiinom pero bakit tila nalalasing siya sa babaeng kaharap? "May nakapagsabi na ba sa'yo na para kang anghel?"

Her eyes, her nose, her lips, her face, and that beautiful voice of hers, they are so beautiful. Those eyes na para kang inaakit sa tuwing titingnan ka, that nose na parang ang sarap makipag nose-to nose, that kissable lips na parang ang sarap halikan, that face na napakaamo na parang mukha ng anghel and that beautiful voice of hers na parang ang sarap pakinggan araw-araw at oras-oras parang gusto mong madinig. She got the looks and she got that perfect body. Lahat ng yan nakita niya sakanya. She is not just an ordinary girl but an extra ordinary, the perfect one kumbaga.

Minsan lang siyang makatagpo ng ganitong klaseng babae kaya naman sobra-sobra siyang napapahanga nito. Sobra siyang naakit dito. Siya na ata yung bagay na ilarawan kapag sinabing 'so simple yet so attractive'. Nagugustuhan niya din ang ugali nitong pa-hard to get hindi kasi ito tulad ng iba na sobrang dali makuha kaya sobrang dali mo lang pagsawaan at itapon na lang ng basta-basta. Iba siya. Iba sa lahat ng babae ko na nakilala ko.

Hala! Baka naiinlove na ang lolo niyo! Hindi pwede!!!!

Huwag kayong umasa na maiinlove agad siya. Dahil sa mga baberong tulad niya, nila Jin, hindi uso ang mga salitang may kinalaman sa L. O. V. E. Ano 'to love at first sight?

Anyway, balik na tayo sa usapan nila....

"Are you trying to pick me up?" Sa ngayon makikita ng nakakunot ang noo nito habang nakatingin sakanya.

"Maybe, but that's true. I'm sincere when I said that you look like an angel and you're beautiful. In fact, you're the reason why I sit here beside you. Because I saw you and you suddenly caught my attention."

"Magaling kang mambola ha? Pero seriously, what do you want?"



Sandaling katahimikan ang namayani bago siya sumagot....

"You. I want you."

"Wala naman sigurong masama kung papatulan ko 'to 'diba? Besides, mukhang magka-edad naman kami, ibig-sabihin hindi under age, at saka gwapo naman siya, may itsura, malaki ang katawan. In short, yummy. So pwede na. Tutal lasing na din naman ako eh, pero nasa huwisyo pa naman ako at alam ko pa din ang ginagawa ko." Sabi sa isip ng dalaga.

Dala ng matinding kalasingan nilapit ng dalaga ang kanyang bibig sa tenga ng binata at bumulong. "Then let me try you first."

Tiningnan niya ito ng malalim sa mga mata. Titig kung titig sabay kagat sa labi bago niya sinabing,

"Kiss me."

Napangiti ang lalaki sa inaasal ng babae. Mas lalo tuloy siyang nag-iinit. And that's his cue. He grabbed her nape and kiss her....hard. They just stop and parted when both of them lack of air.

"I knew it. You can't resist me."

Sa ngayon magkalapit ang mukha nilang dalawa. Habang humihinga ng malalim. "So, wanna join us on our table or I should say, wanna come with me?"

"If that's what you want, then my answer will be yes."

Pumunta na sila sa table ng mga kaibigan niya habang hawak siya nito sa bewang.

"Guys, please meet Ellys."



To be Continued....


DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND BE A FAN!


THANK YOU GUYS! 

q^_^p

Conquer Ones LoveWhere stories live. Discover now