9- Favor

26 2 0
                                    



 ~Favor~

Rigel's POV

It's been a week simula nung incident dun sa bar at kahit papa'no lumuwag ng kaunti yung dibdib ko at kumonti ang isipin ko nung hindi ko SIYA makita nitong mga nakaraang araw.

Hindi siya pinapapunta sa bahay at hindi din ako pinapapunta sakanila and that makes me feel relieved. And kaya gano'n is because wala na naman si mom, SILA, sa bahay. Kaya solo ko ang bahay ng ilang lingo, ang kasama ko lang ay ang mga katulong namin sa bahay. Saya 'di ba?

Nandito ako ngayon sakanila Rina, remember?, Yung other friend ko. Nandito ako sakanila ngayon because it's her birthday.

Ilang linggo na simula nung mangyari yung engagement at simula nung malaman nila yung announcement at ilang linggo ko na din silang iniiwasan dahil alam kong magtatanong sakin yan ng kung ano-ano.

Pero dahil nga birthday ni Rina I decided to attend to her birthday party kahit na alam kong uusisain nila ako tungkol dun sa kung ano ang nangyari noon pero ayoko naman na iyon ang makahadlang kung bakit di ako pupunta sa birthday niya.

She's my friend anyway...

Ayoko lang naman magkwento kaya ko sila iniiwasan pero I think hindi ko naman maiiwasan na di sila makita at hindi sila magtanong sakin.

Ang totoo niyan nami-miss ko na nga sila dahil kapag may problema ako sila ang takbuhan ko. At nitong mga nakaraang lingo unti-unting naiipon sakin lahat, unti-unting naiipon sa dibdib ko. Dahil wala akong masabihan ng problema, dahil wala sila sa tabi ko pero ako naman kasi yung umiiwas 'di ba?

Pagkapark ko ng kotse ko ay agad akong pumunta sa loob ng bahay nila. Agad hinanap ng mga mata ko si Rina, madami ng tao na nagkalat sa kung saan-saang sulok ng bahay nila pero agad ko din naman siyang nakita.

"Hi." Nagbeso-beso muna kami bago muling humarap sa isa't-isa. "Happy birthday, Rina." I smiled and hugged her tight bago ko i-abot sakanya yung regalo ko.

Pinalo niya muna ako sa braso bago nagsalita. "I hate you. Buti naisipan mo pa'ng pumunta dito sa birthday ko. Hindi ka nagpaparamdam nitong mga nakaraang linggo sa amin tapos kapag tinatawagan kita hindi ka sumasagot. Anong klaseng kaibigan ka ha? Palibhasa alam mong may atraso ka pa sa amin.... Ha! Akala mo nakalimutan na namin noh? Pwes para sabihin ko sa'yo hindi namin makakalimutan yon, dahil naglihim ka sa amin. Kaya hindi pa tayo tapos sasabunin ka pa namin ng mga tanong pero wag lang ngayon busy ako." Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Hm! Nakakainis ka talaga! Tinatawanan mo pa ako ngayon? Nagtatampo na nga ako tapos binabalewala mo lang? I hate you na talaga. Pero kahit gano'n..." Humalukipkip siya at sa ibang direksyon tumingin, pilit pinatataray ang itsura. "Na-miss ka talaga namin. Nakaka-miss kang bruha ka. Sarap mong sabunutan." This time nakatingin na siya sakin, she open her arms. "Payakap nga ulit."

There we are. Isang mahigpit na yakap ulit ang pinakawalan naming dalawa para sa isa't-isa at habang magkayap bumulong ako sakanya. "I miss you too."

Umupo muna kami dun sa couch sa sala nila at saka nag-usap.

"Nakahinga ka na ba? Ang haba ng sinabi mo eh." Sabay kaming natawa sa sinabi ko. "And I want to say sorry, for these past few weeks." I sincerely said to her.

"Hm, ewan ko sayo."

"Wag ka ng magtampo kaya nga bumabawi ako eh. Buksan mo na yung box na ibinigay ko sa'yo. Sigurado akong magugustuhan mo yan. It's your favorite."

Pagkasabi ko ng salitang 'favorite' napangiti agad siya at agad na binuksan yung box na iniabot ko sakanya.

Yun ang naisipan ko na iregalo sakanya dahil halos lahat kaya naman niyang bilhin because she's also from a wealthy family, means mayaman din siya kaya ayoko ng magregalo sakanya o sa kahit na sino sa mga kaibigan ko ng materyal na bagay hangga't maaari dahil mas nagiging espesyal ang isang bagay o regalo kung talagang pinaghihirapan mo. At isa pa alam ko kasi na favorite niya 'to.

Conquer Ones LoveWhere stories live. Discover now