Chapter 1

1.2K 29 0
                                    


[Lara]

Isa akong dakilang sawi. Martir na matatawag.

Ibinigay ang lahat sa lalaking mahal na mahal ko. Puso, isip at kaluluwa.

Pilit kong inilayo ang aking sarili sa kumunoy ng kasalanan.

Ibinangon ko ang aking pagkatao mula sa reputasyon ng aking ama at lolo. I tried to get away from their illegal doings. My dad and lolo were both druglords.

Pero ng dahil sa pagmamahal ko sa isang Alexander De Guzman ay napilitan akong harapin ang taong kinasusuklaman ko. Ang taong naging dahilan din ng kamatayan ng tatay ko. At 'yon ay ang lolo ko.

Dahil sa pagmamahal ko, I had been used. Ginamit ako ng lalaking 'yon para masave ang babaeng mahal na mahal n'ya.

Yes. I had been used. Pero hindi ako galit. Kasi naiintindihan ko s'ya. Nagmamahal lang din kasi s'ya.

Hinarap namin ang lolo ko. Pareho kaming nabaril ng taong mahal ko. But we both survived.

But after that we parted ways. S'ya doon sa taong mahal n'ya at ako mag isa. Matatawag na isang dakilang lumpo. Because of that incident, nabaril ako at na injured ang tuhod ko. Kinakailangang maoperahan or else habang buhay na akong baldado.

Someone had to guard me and give my needs 24/7. May ipinadala naman si Alexander. Siguro dala na rin ng guilt n'ya sa nangyari sa akin.

Pinababantayan n'ya ako sa bestfriend n'ya.

I felt something for this guy. Maybe love at first sight or infatuation? That i'm not sure.

Gwapo naman kasi s'ya.
He can be my superhero.
'Yong pinapangarap kong perfect guy for myself.

Napangiti ako sa isiping 'yon.

"I thought paa mo lang ang may bali. 'Di yata't kailangan mo rin ng screwdriver. Mukhang maluwag din kasi ang turnilyo mo sa utak, Lara."

Nakahalukipkip na napasandal sa pader sa harapan ko si Thadz.

Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kanya. Hindi dahil sa nakita ko ang gwapo n'yang mukha pero dahil sa napansin kong bukas ang zipper ng pantalon n'ya.

"Pppffttttt. Minions"

Grabeng pagpipigil ng tawa ang ginawa ko.

"You're hopeless, Jenny Lara Labrador." Napailing iling itong napatitig sa akin.

"Ppffttt. Ahmmm. Hahahahaha!"

Napabunghalit ako ng tawa. Hindi ko talaga kinayang magpigil pa.

Paano ba naman kasi. Nakita kong bukas ang zipper n'ya and worst may nakaburda pang minions sa harap ng briefs n'ya.

Naningkit ang mga mata n'yang nakatingin sa akin.

"What? Are you crazy? Ano naman ang nakakatawa ha?"

Tumikhim ako bago nagsalita.
"Don't mind me, Thadz, may naalala lang ako."

Mapailing na lamang ito at tumayo ng tuwid sa harapan ko.

"Sabihin mo lang kung may kailangan ka, Ma'am. I'm here to make sure that your every needs will be fulfilled. Trabaho ko pong ibigay ang lahat ng pangangailangan n'yo whatever it is, hanggang sa maoperahan ka at gumaling."

I looked at him. Seryoso talaga s'ya. Laging handang gampanan ang sinumpaan nilang tungkulin.

Sabagay gano'n naman talaga silang mga sundalo. Laging handa.

Pero ang isang 'to? Hindi ko malaman kung handa ba sa laban o handa sa romansa.
Mukhang handang handa kasi s'ya sa kama. Nakabukas ang zipper eh.

"Pffttt. Minions." Hindi ko talaga mapigilang matawa kapag naaalala ko ang nakita ko kanina.

"What?" Tanong nito.

Nakangisi akong napatingin sa kanya. Hindi ko naman kasi sinasadyang makita. Nakaupo ako sa wheelchair kaya kalevel ko lang ang hinaharap n'ya.

"Para ka palang superhero, Thadz."

Napangisi naman ito.

"Bakit naman? Dahil ba gwapo ako? Macho?" Nagpacute pa ito.

"Lelz. Ang kapal ha? Basta para kang superhero. Kagaya ka rin ni superman at ni batman."

Lalong lumapad ang ngiti n'ya.

"Sabihin mo na kasi kung bakit. Crush mo na ako no?"

Crush ko naman talaga s'ya. Pero hindi 'yon ang tinutukoy ko.

Magkatulad kasi sila ni superman at batman. Nakalabas ang brief sa pantalon nila. 'Yong kanya, dahil nakabukas ang zipper n'ya.

"Hindi ah. Ang presko mo naman. Basta para kang superhero. 'Wag mo ng alamin kung bakit. Magpapahinga muna ako sa loob."

Tinalikuran ko na s'ya. Natatawa na naman kasi ako.

Ang hirap pala nang gano'n no? Na hindi mo masabi sabi sa kanya. Kasi naman nakakahiya. Kababaeng tao ko pa. Baka sabihin pa n'ya minamaniac ko s'ya.

Hay! Akala ko naman ang pagtatapat lang ng pag ibig ang mahirap. Mas mahirap pala para sa isang babaeng sabihin sa lalaki na bukas ang zipper ng pantalon n'ya.

That Open Zipper ( Side Story of Seducing My Brokenhearted Bestfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon