[Tadeo]"Thadz!" Sigaw ni Lara.
"Tang*na!"
Patulog na sana ako eh. Kamuntik na akong mahulog sa upuan ng sumigaw ito mula sa kwarto n'ya.
Iidlip muna sana ako pero heto't parang nasunugan kung makasigaw.
Pumasok ako sa kwarto n'ya at nakita ko s'yang nakaupo sa kama.
"Bakit? Walangjo naman Lara. Kung makasigaw ka naman. Akala ko kung napaano ka na dito."
Nilapitan ko s'ya at umupo sa silyang katabi ng kama n'ya.
"Gustong kong kumain sa labas."
Ungot nito habang niyuyugyog ang balikat ko. Nagpapababy pa yata 'to.
"Hey! Nabagok din ba 'yang ulo mo? Mukhang may sira na talaga 'yang tuktok mo, Lara. Akala ko paa mo lang ang may bali eh. Nasa ospital ka po. Hindi pwedeng sa labas ka kumain."
Nag iisip ba s'ya?
"Nabobore na ako dito. Itakas mo ako. Sige na." Nakalabi nitong utos.
"Itakas? Aba loko ka ah. Gusto mo pa yatang mapektusan ako ni Alexander."
Binatukan pa ako nito.
"Aray naman, Lara."
"Hoy! Tadeo. Baka nakakalimutan mo ang mga minions."
Nakangisi nitong may pataas taas pa ng kilay na nakatitig sa akin.
"Blackmail na 'yan, Lara."
"Itatakas mo ako dito o mabubunyag ang sekreto ng mga minions?"
Anak ng tokwa. Napalatak ako.
"Ang hirap naman nito. Whooh! Kung bakit ba naman kasi... Hay! Bahala na nga. Tara. Doon tayo dumaan sa may fire exit."
Napangisi naman itong napathumbs up.
***
"Jollibee??? Tengene naman, Lara! Sinisira ko ang sinumpaan kong tungkulin para lamang kumain sa Jollibee?"Napakamot na lamang ako ng ulo.
Tengeneng babae naman kasi "to. Sa lahat, ito na yata ang pinakaweird. Blinackmail pa ako. 'Yon pala pwede namang ako nalang ang bumili ng pagkain niya dito.
"Bakit ba? Teka. Nagrereklamo ka ba?"
Tinaasan ako ng kilay nito.
"Naku hindi. Ako magrereklamo? Never. Ang saya saya ko nga eh. Ang sarap ng burger ko."
Anak ng... Kung pwede lang talagang magalit sa babaeng 'to.
Ibinaling ko nalang ang inis sa pagkain ng hamburger."Isuot mo 'to.Nabili ko d'yan sa labas ng umorder ka."
Maya maya ay may ipinatong ito sa ulo ko. Yellow na cap. Pero hindi talaga s'ya cap. Kinuha ko at tinitigan. Sobrang inis ko na talaga. Haist!
"Minions na naman? Ginagawa mo akong bata nito eh."
"Nagrereklamo ka? Cap lang naman 'yan ah. Nagsusuot ka ng ng minion na br..."
Tengene naman eh. I cover her mouth with my hand.
"Tss. Oo na. Isusuot ko na, matigil ka lang."
Nakangisi ito habang kumakain ng french fries.
"Ang cute mo naman, Thadz."
"Ba ba ba babanana (3x)."
Ginaya ko na nga lang 'yong minions na nasa tv. Tawa naman s'ya ng tawa.
Tss! Ginawa pa akong clown nito.
Kaysa magalit hayaan ko na nga lang. Total ang ganda naman n'ya kapag ngumingiti. Nakakaaliw."Kung naiba lang ang pagkakataon, Thadz, siguro minahal na kita."
Nabulunan ako. Napainom ako ng tubig ng wala sa oras.
"Saan naman galing 'yan, Lara?" Tanong ko ng makabawi. Ang sakit ng lalamunan ko.
"Wala lang. Napapatawa mo kasi ako, Thadz. 'Yong wala ka pa ngang ginagawa pero napapangiti mo na ako. 'Yong masaya lang. Walang restrain. Walang kung ano."
Sumeryoso yata bigla ang usapan. Nakakatakot.
"I'm not an ideal man, Lara. Nakakahiya ako a lot of times. Talo pa yata kita sa pagbababad sa mga teleserye. Naniniwala din ako sa hula. Pati sa multo, kapre at duwende kaya matatakutin ako."
She chuckled.
"OA mo naman, Thadz."
"Naku, Lara. Don't dare fall in love with me. Hindi tayo talo. Bading ako." Nagbabakla baklaan ang boses ko.
"Please be my superhero, Thadz."
Nanlaki ang mga mata ko sa request n'yang 'yon.Aminado naman akong type ko sya. Pero isn't it too early for this?
![](https://img.wattpad.com/cover/69712933-288-k848398.jpg)
BINABASA MO ANG
That Open Zipper ( Side Story of Seducing My Brokenhearted Bestfriend)
Humor[COMPLETED] Teaser: [Lara] Isa akong dakilang sawi. Martir. I let go of my one and only love para lamang hayaan s'yang lumigaya sa piling ng babaeng mahal n'ya. What if one day makilala ko si Superman? Superman will change everything in me. Aaminin...