Chapter 2

660 20 0
                                    


[Tadeo]

Bakit kaya tawa ng tawa ang isang 'yon?

I watch her as she move her whellchair away from me.

Sa totoo lang nagpresenta talaga akong bantayan s'ya. Sabihin na nating nagagandahan ako sa kanya.

Hindi s'ya maputing maputi kagaya ni Steffi. Medyo morena type s'ya. Exotic beauty ika nga. Mas maputi pa nga yata ako sa kanya. Pero talagang gusto ko na s'ya.

"Maganda sana, baliw lang."

Natatawa akong pumasok sa banyo.

Kung makatawa naman ang Lara na 'yon parang ewan.

Natigilan ako ng pagpasok ko sa banyo at akmang bubuksan ang zipper ng pantalon ko.

"Hala! Bukas pala ang zipper ko?"

Bigla akong namula ng sinilip ko.

Paano ba naman kasi. Nagmadali ako sa pagpunta dito. Tinanghali ako ng gising kakapanood ng paborito kong teleserye.

"What the fvck!"

Maling brief pa ang naisuot ko. Brief ko pa noong high school ako.

"Kung minamalas ka nga naman oo. Maling drawer pala ang nabuksan ko."

"Hala! Kaya ba s'ya natatawa dahil nakita n'ya ang brief ko? Tang*na naman oh! Kaya pala minions s'ya ng minions. Kasi minions pala ang brief ko."

Napakamot nalang ako sa ulo. Nakakahiya.

"Ano na ang mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon? Haist! Ang tanga mo kasi Thadz." Binatukan ko sarili ko.

May balak pa naman sana akong pomorma sa kanya. Parang maoonsyami pa yata ng dahil sa minions ko. I mean sa minions na nasa briefs ko.

Grabe 'yong tawa n'ya. Pero infairness lalo pala s'yang gumaganda kapag nakatawa s'ya.

***
"Lara. May itatanong sana ako sa'yo."

Pinasok ko s'ya sa kwarto n'ya. Kailangan ko namang mag explain talaga 'di ba?

"Yes, Thadz? Ano 'yon?"

Dyahe talaga. Pero bahala na.

"Hmmm. Lara may nakita ka ba?"

Kunot-noong napatitig s'ya sa akin.

"Nakitang ano, Thadz?"

"Nakita mo bang bukas ang zipper ko?"

Nanlaki ang mata n'ya tapos bigla na naman n'yang pinigilang matawa.

"Wala. Ano ka ba? Hindi no. Wala akong nakita."

Pero namumula na s'ya kakapigil sa tawa n'ya.

"Tss! 'Wag ka nga, Lara. Alam kong nakita mo ang mga minions. Este alam kong may nakita ka. Aminin mo na kasi."

"Pffttt. Hahahaha! Sorry, Thadz. Sorry. Ang awkward kasi. 'Di ko kasi kayang sabihing bukas ang zipper mo. Baka sabihin mo pang minamaniac kita."

Nag explain nga ito pero tawang tawa naman. Nahiya tuloy ako lalo.

"Promise me, Lara. Wala kang pagsasabihan niyon ha? Nakakahiya eh. Sundalo pa man din ako."

Natigil naman s'ya kakatawa tapos tinitigan ako.

"Bakit ba kasi 'yon ang briefs mo?" Tanong nito tapos ngumisi na naman.

Wala na bang katapusan ang tawa n'ya? Langya naman kasi!

"Namali lang ako ng naisuot no. Maling drawer 'yong nabuksan ko sa pagmamadali."

Nakasimangot kong sabi.

"Eh paano ba 'yan? Hawak ko na ang sekreto mo. Ano naman ang kapalit para izipper ko ang bibig ko?"

Tss! Iba din pala ang babaeng ito.

"Kahit ano, Lara. Okay lang kahit ano. Basta ipromise mo na hinding hindi mo sasabihin sa iba ang nakita mo."

"Talaga?"

Napangisi naman s'ya. Ano kaya ang tumatakbo sa utak ng isang ito?

Tumango tango naman ako.

"Hmmm. Patikim ng minions mo." Nanlaki ang mga mata ko.
Seryoso ba s'ya?

That Open Zipper ( Side Story of Seducing My Brokenhearted Bestfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon