[Last Chapter]
[Tadeo]
"Hoy Tadeo gising!"
Tinapik tapik ako sa mukha ni daddy. Antok na antok pa ako.
Pero napangisi ako ng maalala ko ang panaginip ko. Ang saya daw namin ni Lara habang sakay ng puting bridal car. Ikinasal daw kami.
"Hoy. Bangon na at ngayon ang araw ng kasal nyo!"
Napapungas pungas ako ng buhusan ako ni daddy ng isang tabo ng tubig.
"Dad naman eh. Langya! Ninanamnam ko pa nga ang maganda kong panaginip."
Binatukan ba naman ako.
"Daddy naman eh!"
"Lokong bata ka! Ako pang minura mo. Hala maligo ka na doon. Tangna basa na naman yang briefs mo? Hindi ka na nagbago Tadeo!"
Napakamot nalang ako ng ulo.
Eh ano naman eh sa ganito ako eh. Nawiwiwi pa din ako kapag natutulog.
Di na nawala yung ganito kong sakit simula pa bata ako.
"Kasal mo pa mandin ngayon ikaw pa itong mahuhuli. Naku Tadeo! Magbago ka na nga. Hindi ka na bata!" nagtakip ako ng tenga.
Ang ingay ni daddy. Para din syang si Mom.
"Hay! Oo na po. Lumabas na po kayo at ng makapagbihis na ako."
"Magtino ka na nga Tadeo. Ikakasal ka na oh. Hindi na pwede ang ganyan mong ugali."
Naiiling na lumabas na ito.
Nangunot ang noo ko pero maya maya pa ay nagliwanag ang mukha ko.
"Yes. This is it. Ikakasal na ako. Im so excited." May pasayaw sayaw pa ako habang naliligo.
"Langya ang gwapo mo talaga Tadeo. Nakabingwit ka ng maganda" nakangisi kong sabi sa salamin habang nakatitig ako dito na nagpapacute pa.
"Dapat yung minion briefs ko ang suot ko mamaya sa honeymoon namin ni Lara." Nakangisi kong naisaisip.
Doon nabuo kung ano mang meron kami.
Whirlwind romance na matatawag yung amin.
Sa totoo lang wala akong alam sa kanya bukod sa tunay nyang pangalan, Trabaho nya, tirahan nila pero ni hindi ko alam kung ano ba ang mas gusto nya. Kung gatas ba o kape. Kahit simpleng bagay wala akong alam sa kanya.
"Di bale. We will have our whole life getting to know each other." nasabi ko na lamang habang nagsishave.
-------------------------------
Excited na ako sa kasal pero mas excited ako sa isusuot ko sa kasal. Ang weird kasi parang hindi kami ikakasal ni Lara. Parang aattend lang ako ng costume party sa soot ko na ito.
"Needing some help? Sit back and relax. Im always here to rescue you because Im superman!" sigaw ko pa habang nakatitig sa salamin.
Lah. Ang weird talaga. Naka superman costume ako sa kasal ko mismo. Langya! Sino pa ba kasi ang nakaisip ng kalokohan na ganito ang motif ng kasal namin kundi si Lara.
Pinaglalaruan yata talaga ako ng babae na ito.
Pero mahal ko na sya kaya anuman ang kahilingan at kagustuhan nya ibibigay ko.
---------------------------------
Kabadong kabado ako ng dumating sa simbahan. Yung mga ninong at ninang ko everytime titigan ko parang pinipigilan ang pagtawa at tumatalikod nalang sa akin.
"Tol!" tawag ni Alex habang papalapit sa akin.
"Congrats Pare! Hanep ang porma natin ah. Parang costume party to at mukhang hindi kasal. Kung di lang ako sure na ikaw ang nasa harapan ko kanina pa ako umatras." tatawa tawa pa ito.
"Wag ka ngang mang asar pare. Si Lara may gawa nito. Ang lakas lagi ng trip nito sa buhay. Mukhang minalas talaga ako simula makapartner kita."
"Ano ka. Wag mo akong sisihin noh? Under ka lang eh."
"Heh! Batukan kita dyan eh"
Tawa lang ang sinagot nito sa akin at tumayo na ito sa tabi ko. Sya kasi ang bestman ko.
After 30 minutes.......
"Wala pa ba ang bride?" Tanong nung pari habang pinipigil ang tawa na nakatitig sa akin.
Kanina pa akong pawis na pawis at init na init sa suot ko pero hanggang ngayon wala pang Lara na sumisipot sa simbahan.
Maya maya ay humahangos na papalapit si Jem sa akin.
Sya yung wedding planner namin.
"Jem si Lara?" Tanong ko ng makalapit na ito.
"Wala sir Thadz. Hinanap ko na po kung saan saan kaya ako nahuli ng dating dito. Pero wala talaga."
Nanlulumo akong napaupo sa sahig.
"Hoy pare. Doon ka kaya umupo sa may silya. Nakakahiya para kang bata." saway ni Alex sa akin.
Paano ba naman kasi ay para akong biglang nawalan ng lakas.
"Lara ko. Huhuhu. Lara ko." langya. Ang sarap magwala. Iyak ako ng iyak habang pinapahid ng kamay ang aking mga luha.
"Bakit ka ba nang iwan ha? Dahil ba nakakahiya ang suot ko sa kasal natin? Porke ba nakalabas ang brief ko sa pantalon kinahihiya mo na ako? Lara ko. Huhuhu" patuloy lang ako sa pag iyak habang nakalupasay sa sahig.
"Anong nangyari Jem?"
Lumapit na rin sina mom and dad sa kinaroroonan namin.
"Sir si maam Lara po hindi ko po makita. Nag iwan lang po ng note."
Iniabot nito ang isang pirasong papel kay Mommy.
"Grow up my minion. Babalik ako sa tamang panahon." basa ni mommy sa nakasulat sa papel.
Naglulupasay naman ako ng iyak sa sahig.
"Woi Tadeo. Nakakahiya. Parang hindi ka agent ah." saway ni Alexander sa akin.
"Tito Thadz you look like ewan. Ang pangit po. Para kang batang uhugin. Nakalawit po sipon nyo. Ewww" Langyang batang Jacob na to.
"Lara ko. Huhuhuhu. Mommy! Mommy si Lara!" Naglulupasay ako sa sahig habang umiiyak.
I dont get it. Bakit ako iniwan ng Lara ko?
Masaya naman kaming ah. Ang kulit nga naming dalawa. Sinunod ko din naman ang lahat ng gusto nya.
"Larraaaaa!"
Sinong mag aakala na ang masasaya naming pinagsamahan at ala ala ay mauuwi sa wala. Mauuwi sa sad ending.
"Wala talagang forever!" Naisigaw ko na lamang.
---------------------------------
That was 20 years ago. Pero hindi ako kailanman sumuko. I try to find her everywhere.
Pero when i get a chance to have an info about her agad syang nagdidisappear.
Sinundan ko sya hanggang Indonesia pero lagi akong nahuhuli. Hindi ko sya maabutan.
I never love anyone from then.
Kapag nakakakita ako ng Tweety birds at minion kahit saan napapaiyak nalang ako.
That Open Zipper na naging dahilan ng aming love story ni Lara ay nauwi sa broken promises at sa broken heart.
Pero im still wearing my minion briefs until now sa pag asang magkikita pa kami ni Lara balang araw.
"Til we meet again Lara"
A/N: Hay. Wala talagang forever.
BINABASA MO ANG
That Open Zipper ( Side Story of Seducing My Brokenhearted Bestfriend)
Humor[COMPLETED] Teaser: [Lara] Isa akong dakilang sawi. Martir. I let go of my one and only love para lamang hayaan s'yang lumigaya sa piling ng babaeng mahal n'ya. What if one day makilala ko si Superman? Superman will change everything in me. Aaminin...