Chapter 10

512 18 1
                                    


[Tadeo]
I dont think im that childish. Im 24 at siguro ay ready na rin para magkapamilya.
Yun lang. Di ko pa talaga naisip magkaasawa kung hindi lang dumating si Lara.
She's that kind of a woman na makulit..nakakaasar.. Nakakainis.. But she's jolly..carefree and easy to be with.
Ang sarap lang maging ako kapag kasama ko sya.
"Hoy Tadeo" bigla nalang may sumulpot sa likuran ko.
"Tweety ni Lara!" langjo. Nagulat ako doon ah.
"Ano na naman yan at ang lalim naman yata ng iniisip mo?" tumabi sya sa akin at nagbukas ng tv.
"Nakakainis ka naman Lara. Lagi ka nalang nanggugulat. Kitang may iniisip yung tao eh."
"Aba malay ko ba kung ano iniisip mo eh nakatanga kang parang baliw dyan."
Sumubo ito ng fries na dala nya kanina.
"Ang takaw takaw mo naman. Dinala mo ba yan para sakin o para sa sarili mo?"
Sinamaan nya lang ako ng tingin and started to watch basketball.
Kinuha ko yung remote at inilipat ang channel.
"Hey. Kitang nanonood ng basketball ang tao eh." Inagaw nito ang remote.
"Wag ka nga Lara. Wag kang magulo dyan. Alas 8 na oh."
Itinaas ko ang remote para hindi nya maabot ito.
"Ilipat mo sabi eh. Golden State Warriors yung naglalaro oh. Tadeo naman eh."
"Tss. Umuwi ka na nga. Bakit ba gabing gabi na nandito ka pa?"
Binatukan ba naman ako tapos inagaw ulit yung remote ng tv.
"Aray ko naman Lara."
"Eh dito ko gustong matulog eh. May magagawa ka ba?"
Napailing iling na lamang ako. She always get what she wants.
"Ano ba Lara? Akin na nga yang remote. 8 pm na nga oh."
Napapakamot nalang ako sa ulo.
"Bakit ba? Anong meron sa 8 pm ha?" tanong nito.
"Palabas na yung paborito kong teleserye."
Tiningnan nya ako tapos ngumisi ng malapad.
"Oh bakit na naman?" Inilipat ko na nga ang channel. Saktong palabas na yung paborito kong teleserye.
"Langya Tadeo. Nanonood ka nyan? Eh paborito ng nanay ko yan eh. Naiinis nga ako at laging madrama yang teleserye na yan."
Daldal na naman ito ng daldal.
"Shhh. Mamaya ka na magdaldal pag natapos na to."
Tapos nagconcentrate na ako sa panonood. Nakakadala talaga ang estorya.
Hindi ko mapigilang mapaluha sa eksenang sinampal ng nanay yung anak nya dahil nabuntis. Nagmamakaawa ang bata na tanggapin sya ng nanay dahil hindi sya pinanindigan ng tatay ng ipinagbubuntis nya.
Halos tumulo na ang luha ko. Dalang dala ako sa estorya.
"Kawawang bata." nagpapahid ako ng luha ng biglang may sumundot sa tangiliran ko.
"Langya Tadeo. Iyakin ka pala. Hahahahaha"
Tawa naman ito ng tawa.
"Wag ka nga. Kitang hindi pa tapos yung drama eh. Wag ka ngang maingay dyan."
Pero bigla namang nagbrownout.
"Hala."
Napayakap ako kay Lara.
"Lara yung flashlight. Hanapin mo sa may drawer."
"Saan banda?" Paika ika naman itong tumayo.
"Ako na nga. Samahan mo lang ako." i heard her laugh.
"Takot ka pala sa dilim. Hahahaha"
Tumikhim ako.
"Hi-hindi noh. Syempre hindi. Lalaki yata to. Yan dyan yung drawer. Kunin mo dyan yung flashlight."
Narining kong bumukas ang drawer. Hay salamat. Sobrang dilim kasi.
"Waaahhhh!" halos mapasigaw ako sa gulat ng ini-on ni Lara ang flashlight at itinutok sa mukha nito.
"Lara naman eh." napapalatak ako sa sobrang gulat. Aatakihin ako sa puso sa pinaggagawa ng babaeng ito.
"Hindi pala takot ah? Eh bakit para kang bakla kung makasigaw dyan."
"Ikaw kasi. Nananakot ka pa dyan. Kitang ang dilim na nga oh."
"Tadeoooo. Awwwooooo" Langya! Naninindig na talaga ang balahibo ko. Paano ba naman kasi nakatutok sa mukha nito ang flashlight. Halos puti nalang ng mata nito ang nakikita at nakabungayngay ang buhok nitong parang si sadaku.
"Tumigil ka na nga Lara. Langya! Hindi na naman ako makakatulog nito mamaya."
Tawa lang ito ng tawa. Hay. Nakakainis talaga sya.

That Open Zipper ( Side Story of Seducing My Brokenhearted Bestfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon