[Tadeo]"Pwede bang friends lang muna tayo, Lara? Ayoko kasing sumuong sa isang bagay na 'di pa ako sigurado."
Nakayuko lang ito habang kumakain ng french fries.
"Waaaahhhh! Walang hiya kang lalaki ka. Matapos mo akong buntisin iiwanan mo lang ako? Paano nalang ako? Paano nalang ang future ng anak ko? Waaahhh. Huhuhu!"
Nagulat ako ng bigla na lamang itong umeksina.
Naningkit ang mata ko. Magsasalita na sana ako ng mapatingin ako sa paligid.
Fuuteeengine! Lahat yata ng nasa fastfood sa amin ang attention.'Yong lalaking nakanganga pa na sana'y susubuan ng spaghetti ng girlfriend n'ya, 'yong batang nag iiyak sa paghihintay ng ice cream na isusubo ng nanay n'ya, 'yong cashier na naghihintay ng bayad ng customer na iaabot na sana ang pera binawi pa. Lahat sila nakatingin sa amin.
"Hoy, Lara! Ano'ng drama 'yan? Tumigil ka nga. Pinagtitinginan na tayo oh."
Bulong ko sa kanya. Tiningnan n'ya lang ako ng masama.
"Pagkatapos mong magpasarap sa katawan ko. Pagkatapos mong makuha ang virginity ko. Pagkatapos kong ibigay sa'yo lahat pati allowance ko. Gaganituhin mo pa ako?"
Naglabas pa ito ng panyo at isunubsob ang mukha dito. At kunyari ay nag iiiyak.
Anak ng tinapa napapahiya na talaga ako.
"Lara, naman eh. Bakit dito ka pa umeeksina ha?"
Ginagap ko ang kamay n'ya pero pumiksi ito.
"Hoy lalaki! 'Wag mo akong idaan sa ganyan. Pagkatapos mong makuha ang lahat. Pati briefs ng kuya ko sinusuot mo na. Pati duster ng nanay ko ginagamit mo kapag naglalaba ka. Gaganituhin mo pa kami?"
Namumula na ako sa pagkapahiya dito.
"Oo na. Papakasalan na kita. Kahit saang simbahan pa 'yan papakasalan na kita, magtigil ka lang." Langya naman.
Parang nanonood ng teleserye ang mga tao sa pinaggagawa namin dito.
"Talaga ba, babe? Papakasalan mo na ako? Promise 'yan?"
Ang galing talagang umarte ng babaeng 'to. Nakangisi syang napatingin sa akin.
"Oo naman, baby. Hindi mo kasi ako hinahayaang makapag explain eh. Papakasalan naman kita. Mahal na mahal kita eh."
I pinch her cheek hard hanggang sa mamula ito.
Tapos I kissed her lips torridly.
Akala mo maiisahan mo ako ha? Lintik lang ang walang ganti, Lara.Nakatulala pa s'yang nakatitig sa akin ng inakay ko ang wheelchair n'ya palabas ng mall.
***
"Langya naman, Lara, oh. Bakit pinahiya mo naman ako doon sa Jollibee ha?"I confronted her ng nasa parking lot na kami.
"Hahahahahahahahahahhahahaha!" Ayon lang. Tumawa lang. Tengeneng babae naman 'to eh.
"Grabe ang tawa mo, Lara, kita pati ngala-ngala."
Inirapan lang ako nito at tumawa na naman ng tumawa na parang baliw.
"Hay! Ayoko na. Sasabihin ko kay Alexander na ihanap ka ng ibang bodyguard."
Sinamaan ako ng tingin.
"Don't you dare, Tadeo. 'Di ba you promise me there? 'Di ba papakasalan mo ako?"
Napanganga na lamang ako.
"Are you kidding me Lara? Papakasalan kita? Eh nagbibiro lang ako doon eh."
Napasabunot nalang ako sa ulo.
"Pwes, ako, hindi nagbibiro. Sasabihin ko sa nanay ko na papakasal na tayo."
Langyang buhay 'to oh! Ano ba 'tong napasok ko?
I cupped her face. Tapos sinampal sampal ko s'ya ng mahina.
"Nananaginip ka ba, Lara, o sadyang naalog lang yang utak mo?"
"Tseee!!! Ah basta. Sasabihin ko kay Mommy na papakasalan mo na ako."
"Hooh! Laraaaa!!! Hay peste! Pesteng mga minions kayo!"
BINABASA MO ANG
That Open Zipper ( Side Story of Seducing My Brokenhearted Bestfriend)
Humor[COMPLETED] Teaser: [Lara] Isa akong dakilang sawi. Martir. I let go of my one and only love para lamang hayaan s'yang lumigaya sa piling ng babaeng mahal n'ya. What if one day makilala ko si Superman? Superman will change everything in me. Aaminin...