SCENE 2 - Sean

312 18 1
                                    

Awtomatiko akong napatayo nang marinig ang pangalan ko.Lumapit ako kay Sean, mukha ngang nagulat siya sa biglaan kong paglapit.

"Uwi na ako" sabi ko na halata namang hindi niya narinig pero siguro naintindihan niya dahil nakatitig siya sa mukha ko kaya nabasa niya ang buka ng aking bibig

Tumayo siya tsaka bumulong dahilan para magkantiyawan ang mga kaibigan niya. Natigil din sa pag-uusap si Kendal at Sandro dahil sa ikinilos ni Sean.

"Oh come on guys, may binubulong lang ako!" sigaw ni Sean na ginantihan lang ng pagtawa ng mga kaibigan niya.

"Lika, sa labas tayo" hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng bar

"Sorry about that" - Sean

"Okay lang, pero kailangan ko ng umuwi, baka hinahanap na ako ni yaya, magjijeep nalang ako kaya di mo na ako kailangan ihatid"

"Ihahatid parin kita"

"Okay lang talaga, magtataxi nalang ako"

"magtataxi rin ako, don't worry di ako papalibre sayo. haha" kinakamot niya ang batok niya at hindi makatingin saakin

Hindi na ako nakipagtalo pa sakanya dahil mukhang wala naman siyang balak magpatalo.

"So I'll call you?" sabi niya nang nasa harap na kami ng gate ng bahay namin

"Okay" ngumiti ako ng pilit tsaka na pumasok ng gate

"Hey wait, wala pa 'kong number mo"

Noong una ay nagaalangan pa ako dahil matapos 'kong mameet si Sandro ay medyo naging uneasy na ako, at para bang ayokong magkaroon ng koneksyon sa lalaking yun at kung sino man na konektado sakanya. May masama akong pakiramdam toward that guy

"Uhm okay"

***

Sa sumunod na araw ininvite ulit ako ni Lean na sumama sa kanila this coming Friday na syempre mabilis 'kong tinanggihan. Nagsinungaling nalang ako na may lakad ako para di na siya magpumilit

Halos oras oras din akong pinapadaanan ng group message ni Sean.

"Ugh. Kairita" ibinagsak ni Lean ang cellphone niya sa desk.Halatang naiinis siya sa taong paulit ulit na nagtetext sakanya.

"Sino ba yan?"

Hindi niya yata ako narinig dahil kinuha niya ulit ang cellphone at parang may hinahanap siya tapos bigla siyang tumitig sakin

"Zarah, I think Genesis likes you" naniningkit ang mga mata niya habang sinasabi 'yon kaya hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya o ano.

"Sinong Genesis?"

"My brother"

"May iba ka pang kapatid?"

"Oh my God, ang shunga mo teh. I'm talking about Sean Genesis. So what do you think about him?"

Medyo kinabahan ako sa tanong niya.

Hindi ko naman gusto 'yong si Sean in a romantic way, ni hindi ko nga siya gusto maging kaibigan dahil hindi ako komportable sa mga lalaki pero pano ko naman sasabihin 'yon e magkapatid sila?

Kung ibang lalaki yan ay mabilis kong masasabi na 'hindi ko siya type'

"Hindi ko alam, isang beses ko palang naman kami nagkakilala"

Pagkasabi ko nun ay inilagay niya sa tenga niya ang cellphone

"Heard that? Sabi ko naman sayo hindi ka niya type, ang chaka mo kasi, Oy excuse me, kambal man tayo pero hindi tayo magkamukha!Alam mo yung fraternal? Tayo yun? Aral aral din kasi brother!"

"Sorry about that Zarah, ireto ko raw siya sayo. But don't worry you can just ignore him" 

tumango lang ako

Simula nang mamuhay ako bilang Zarah ay naranasan ko magkaroon ng manliligaw. Madalas din ako makatanggap ng regalo o snacks sa mga lalaki na mabilis kong tinatanggihan.

Noon kasi, ako yung taong masasabi mong outcast. Kinakaibigan lang nila ako kapag gusto nilang maging kaibigan si Zarah.Madalas din makipagkaibigan saakin ang mga lalaking gustong manligaw kay Zarah dahil alam nilang magbestfriend kami.

Namumuhay man ako sa pangarap ko dati, pinapatay naman ako ng konsiyenya ko.Kahit hindi ko naman ginusto na magising sa katawan na ito, pakiramdam ko ay kasalanan ko parin.

***

Nandito kami ngayon sa soccer field habang naghihintay sa next subject namin.

"Lean, di ba kapatid mo yon?! Omg, ang pogi niya teh"

"F4 lang ang peg. haha"

May kasama siyang tatlong lalaki at isa na dun si Sandro. Halatang sikat si Sean at Sandro dahil kanina pa tumitili 'tong mga bakla kong kaklase

<Text message>

From: Sean --- 'Can we talk?' 😊

To: Sean --- 'Ok'

Mas mabuti na yung sa text lang kami mag-uusap.

Di parin talaga ako sanay sa ganito kahit marami na ang umamin sakin. Akala ko maganda ang feeling kapag may aamin sayo ba't it turns out na nakakastress pala.

From: Sean --- 'San mo gusto?'

To: Sean --- 'Hah?'

From: Sean --- 'San mo gusto mag-usap, nandito ako ngayon sa canteen near CB2'

To: Sean --- 'Text nalang tayo usap'

From: Sean --- 'Ok'

Di na ako nagreply dahil hindi ko naman alam irereply sa 'Ok' nya.

Quarter seven na kami pinalabas ni Prof.

Papunta na ako sa cr nang makita ko si Sean at yung mga kasama niya kanina kaya dali dali akong nagtago.

Nang pakiramdam ko nakaalis na sila ay tsaka na ako lumabas

Sh*t

yun nalang ang nasabi ko nang pagkaliko ko ng hallway ay nakatayo si Sandro.

*dug dug*

Why do I feel uneasy kada makikita ko siya?

"Ikaw si Zarah Lynn di ba? Nagkita na tayo sa bar"

tumango lang ako tsaka tipid na ngumiti

*dug dug*

Bakit ang bilis ng heartbeat ko? natatakot ba ako sakanya o sadyang kaba lang to? Pero ba't ko to nararamdaman?

"Sabi ni Kendal bestfriend mo si Rina"

Tumango lang ako

"Tss, Di ako makapaniwalang magkaibigan kayo" pagkasabi niya nun ay umalis na siya habang nakatunganga lang ako.

Hindi ako sigurado kung sino samin ni Zarah ang iniinsulto niya dahil madalas kong marinig dati ang una niyang linya pero ba't ayaw niya akong makita? Anong ginawa ko?

I don't even know that guy!

The guy who cried at my funeral (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon