"Di ko alam"
Iyon lamang ang naging sagot ko sa mga katanungan niya at blankong tingin naman ang iginanti niya saakin
Hindi ko alam na magkakilala sila ni Zarah at wala rin ako maalala na ipinakilala ko siya kay Zarah dahil noong burol ko lamang siya nakita.
"Wag mo na intindihin, hindi naman importante 'yon" ngumiti siya ng pilit
Bakit kailangan mong itanong kung hindi naman pala importante?
tumango nalang ako dahil randam ko ang pagkailang niya.
***
Hindi ako makatulog, hindi kasi mawala sa isip ko ang ideyang nagka-amnesia nga ako.
Mukhang hindi naman nagsisinungaling si Sandro dahil may mga ibidensyang magkakilala nga kami at wala naman silang dahilan para magsinungaling.
Hindi ko lang talaga matanggap na papatulan ako ni Sandro.
Oo, sinabi ko na hindi ako papatol sa lalaking 'yon kahit pangit pa ako pero mas malaki ang tiyansya na hindi rin siya papatol saakin bilang Rina.
***
Kinabukasan
"Girl! kamusta date?!" abot tengang ngiti ni Cams ang tumambad saakin
"Anong date?"
"Ay grabe, pa-showbiz si girl. Date nyo ni Sandro! Wag mong ideny! may picture nyo ako together!"
siguro nakita niya kami kagabi
"Hindi 'yon date, sabay lang kami lumabas"
"Okay sabi mo e" ngumiti siya ng nakakaloko kaya alam 'kong hindi siya naniniwala
"Cams may kakilala ka bang nagka-amnesia?"
"Oo" mabilis niyang sagot
"Talaga sino?"
"Ikaw, kani-kanila lang di ba?"
Napabusangot nalang ako sa sagot niya
"Seryoso kasi"
"Wala, pero sa Kdrama marami. Gusto mo ba isa-isahin ko?"
"Wag nalang"
"Bakit ano ba 'yon?"
"Wala nga"
"Dali na"
"Ano, may kakilala ako na hindi sigurado kung may amnesia siya o wala"
"Pwede ba 'yon?"
"Oo, kakasabi ko lang di ba? yung kakilala ko" tinuro ko pa sarili ko para iemphasize na may ganun nga
"Sus, pwede naman magpatingin sa neurologist para makumpirma, sino ba yan?"
Gustuhin ko man ay hindi maaari, hindi rin naman makakatulong lalo pa't hindi naman mga alaala ko ang mga itatanong saakin
"Wala, tsismosa to"
"Grabe to! tatanong tanong ka e!"
***
Naglalakad na ako palabas ng Campus nang makita ko si Sean na nakatayo sa may gate, liliko sana ako kaso nakita na niya ako kaya tumuloy na ako, dun din naman talaga ako dadaan
"Zarah" kasabay ng pagngiti niya ay ang pagsingkit ng kanyang mga mata
Pareho sila ni Sandro na sumisingkit ang mata kapag ngumingiti
"Uy" Naiilang kong bati sakanya
Ang totoo niyan ay ayaw ko talaga siyang makita sa personal dahil naiilang parin