Pagkauwi ng bahay ay isinalang ko ang simcard na binili ko kanina at agad na tinext si Sandro.
Kanina kasi ay hiningi niya yung bago kong number para daw hindi na siya susulpot bigla sa bahay kapag may bago akong project.
Kamuntik na nga akong mahuli buti nalang at nalowbat ang cellphone ko.Sabi ko nalang na itetext ko siya pag-uwi ko ng bahay.
"Hi Sandro, Zarah to"
Nag-expect ako na magrereply man lang siya kahit smiley face, pero wala.
wala nanaman ba siyang load?
pero hindi naman siya mukhang naghihirap.
wala lang ba talaga siyang pake?
Sa mga sumunod na araw pumunta ako ng clubroom para ibigay lahat ng nakuha kong pictures. Kung dati yung babaeng may salamin lang ang naabutan ngayon naman ay halos crowded na ang clubroom.
Binati ako ng ibang members ngunit kahit isang sulyap kay Sandro ay wala akong natanggap.Masyado siyang abala sa ginagawa niya sa computer.
Pagpasok ko ng clubroom napansin ata ni Cams na wala ako sa mood. Hindi ako sigurado kung bakit ako bad mood, siguro dahil hindi na ako sanay ng dinedeadma.
"Anyare teh?"
"seen, walang reply"
"baka nahimatay, ganda mo e"
naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Cams. Minsan di ko alam kung nagbibiro o sarkastiko 'tong si Cams
"Char lang! ano ka ba!" mahinang palo sa balikat ang natanggap ko kay Cams kasabay ng awkward niyang tawa
"Sinong lalaki ang may lakas ng loob na iseen ka?"
"Wala"
"Pogi ba?"
"Teka, may sinabi ba akong lalaki?"
"Ayy, wag mo na ikwento, di na ako interesado. Sarilinin mo nalang girl"
Sa sumunod na araw ay tinext ko si Sandro ng 'Good morning' pero syempre di ko pinahalata na siya lang tinext ko. Kunwari group message.
Hinintay ko siya magreact sa text ko dahil sinadya kong mag-good morning kahit hapon na ngunit kahit 'haha' ay wala akong natanggap sakanya.
Inaamin ko na dahil sa ginawa niya noong isang araw ay naging interesado ako kay Sandro.
Dati interesado akong malaman koneksyon niya 'daw' saakin bilang Rina pero ngayon interesado na ako sa pagkatao niya.
"Hello po ate Zarah, si Ruh of Sinag at Dyaryo po to.Busy po ba kayo?"
"Hello, hindi naman bakit?"
ang totoo niyan ay busy ako dahil mayroon kaming project, pero mas pinangunahan ako ng kalandian.
Mas nauna ko kasing naisip na baka magkita kami ni Sandro sa clubroom at ito na ang chance ko, wala kasi akong dahilan para pumunta ng clubroom kaya kahit gusto ko man ay pinipigilan ko sarili ko.
"Magpapatulong po sana ako sa paggawa ng flyers, gusto ko lang po malaman opinion and suggestion mo bago ko iprint. Busy po kasi kuya Sandro, sabi niya ikaw daw tanungin ko"
awtomatiko akong napangiti sa text niya.
Busy naman pala.
"Ah sige, mamayang 5pm ang tapos ng subject ko, okay lang?"
"Okay lang po, may klase pa naman ako hanggang 4:30, hintayin nalang po kita"
***
Habang naglalakad patungong clubroom, medyo napaisip ako kung nandoon ba si Sandro.
Malakas ang kutob ko na wala siya roon dahil busy daw, pero kumakapit parin ako sa kakarampot na pag-asa na nandoon siya.
Pagkabukas ng pinto, si Sandro agad ang napansin ko. Bale dalawa lang sila ni Ruh.
"Kuya nandito na si Ate Zarah!" Tawag ni Ruh kay Sandro na halatang abala sa harap ng computer
Tumango lang ito at hindi man lang sumaglit ng tingin saakin.
Sinimulan na ni Ruh ang pagpapakita ng mga flyers na ginawa niya.
"Ate"
Muntik na akong mapasigaw ng bumulong saakin si Ruh
"Nakakagulat ka naman"
Ngumiti lang siya
"Pwede magtanong?" Mahina niyang sabi
Kumonot noo ko dahil para bang ayaw niyang iparinig ang nais niyang sabihin dahil sumenyas ulit siya na ibubulong nalang daw niya yung tanong
"Crush mo ba si Kuya Sandro? Kasi kung oo, feeling ko crush ka rin niya"
Kinabahan ako sa tanong niya kaya di agad ako nakasagot.
"Yiee si ate" ngumiti pa siya na parang nang-aasar
"Kuya Sandro" tawag niya kay Sandro kaya tila baga sasabog na sa kaba tong puso ko
"Oy hindi ah!" Saway ko sakanya bago pa siya may masabi na kung ano
"Alin ang hindi?" Nagkatitigan kami ni Sandro kaya nagkunwari akong may tinitingnan sa Laptop ni Ruh
"Tinanong ko kasi si ate Zarah kung pogi ka, sabi niya hindi raw. Haha"
"Kala ko naman kung ano na, okay lang. Pogi naman ako sa paningin ng nanay ko
"Wag ka nga magbiro ng ganyan" mahina kong sabi kay Ruh
"Sorry po ate, ang seryoso mo kasi. At tsaka di naman yun purong biro, napansin ko kasi na kanina ka pa sumusulyap kay kuya"
"Curious lang ako sa ginagawa nya"
"Okay po, sabi mo e"
***
Sabay kami ni Sandro lumabas ng university, bale naiwan si Ruh dahil may hihintayin pa raw siya
Pinapakiramdaman ko lang siya habang tinatahak namin ang daan na medyo may kadiliman
May mga poste naman pero hindi ito sapat para lumiwanag ang paligid
"Ano yung ginagawa mo kanina? Para sa event din ba yun?" Ako na bumagsak ng katahimikan
"Ah hindi, sa presentation namin yun bukas"
"Ahh"
"Talaga bang magkaibigan kayo ni Rina?"
Napatingin ako sakanya
Bago pa ako makapagtanong ay nagsalita ulit siya
"Nagtataka lang ako kung bakit di mo ako kilala, ang sabi ni tita Divine wala ka naman daw amnesia"
Napatigil ako sa sinabi niya
Bakit kailangan niyang magtanong ulit ng ganyan kung kailan nagugustuhan ko na siya bilang siya?
Bakit kailangan guluhin niya ulit isip ko?
"Ikaw? Ex-boyfriend ka ba talaga ni Rina?"
"Oo ex-boyfriend niya ako, nagkakilala narin tayo dati dahil si Rina mismo nagpakilala sakin sayo"