SCENE 8 - Sandro

173 9 3
                                    

"Bakit naman kita susundan?"

Tumayo siya at naglakad palapit sakin.

sarkastikong ngisi ang kumurba sa kanyang mga labi

Gusto ko mag-wow sa kapal ng apog niya ngunit hanggang pagnganga lang ang nagawa ko dahil hindi ako makapaniwala sa pagngisi niyang iyon.

Nilagpasan niya na ako at wala man lang akong nasabi.

Bakit ko nga ba hinahanap hanap ang lalaking iyon?

Humandusay nalang ako sa sahig.

Bakit ba nangyayari sakin to? Lumayo na nga ako pero mas malala pa ang nangyari.

Mga sampung minuto na siguro ang nakalipas nang magtext sakin si Cams.

"Teh! nandito na si Glenn! san ka na ba? wala siyang kasama kaya pumunta ka na dito"

"wow, ang tindi rin ng lalaking iyon"

Sinadya ba niyang pumunta kay Cams dahil nakita niya ako rito?

Gusto ba niyang palabasin na ako ang naghahabol?

Ibang klase! Akala mo naman pupunta ako.

***

Sunod sunod ang naging tanong sakin ni Cams nang magkita kami sa klase.Wala akong maisagot na alibi dahil baka sinabi ni Sandro na nakita niya ako sa library.

"Pinapatanong pala ni Glenn kung bakit mo siya hinahanap"

"Joke lang naman kasi yun sineryoso mo, nakakahiya tuloy baka kung anong isipin nun"

Gusto ko masuka sa sinabi ko. Bakit ako mahihiya sa lalaking iyon? Dapat siya ang mahiya saakin dahil lagi niya akong pinagbibintangan o di kaya ay hinugusgahan.

Wala na akong pake kung naging ex-girlfriend man daw niya ako. Sigurado na akong weirdo at may sira sa ulo ang lalaking 'yon.

***

Kinabukasan ay maaga akong nagpunta ng Campus para sa first project ko, nag-apply kasi ako as photographer sa isang official page ng Campus.Sila din may hawak ng newspaper.Ibibigay nalang nila sakin ngayon yung mga gagawin dahil nakapasa na ako sa interview.

"Good morning po" sumilip ako sa pinto

"Hello, kaw po yung photographer? come in po" ngumiti sakin ang nakasalamin na babae, isa ata siya sa mga editor ng newspaper.

"Hintayin mo nalang si kuya Sandro, on the way na daw yun"

Kamuntik ng kumunot ang noo ko pagkasabi niya ng Sandro.

Hindi naman siguro ang weirdong iyon ang tinutukoy niya. Imposible

labingdalawang minuto na ang nakakalipas, wala parin yung Sandro.

'Hello kuya? san ka na po? nandito na yung isang photographer. ah ganun ba, sige sige sabihin ko nalang po'

"Ah ate, di po makakapunta si kuya Sandro. Tatawagan ka nalang daw po niya, busy daw po kasi, bigay ko nalang po number mo. Pinapasabi niya po na ikaw kukuha ng event this saturday. Tanungin mo nalang po siya tungkol dun"

Ang galang naman niya, magkaedad lang ata kami e.

Apat na araw na ang nakalipas, wala parin akong tawag na natatanggap.

Gaano ba siya kaabala at hindi niya ako matawagan?

Kailan ba niya ako balak tawagan?

Hindi ba tuloy yung event?

Sabado na bukas.

"Teh nakakaiyak yung geometry namin"

"Ano bang nahihirapan mo?"

The guy who cried at my funeral (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon