Naglalakad na kami ni Sandro papasok ng Subdivision. Akala ko nung una ay papasakayin niya lang ako sa tricycle pero sinuggest niya na maglakad nalang kami dahil sa bahay namin niya mismo ako ihahatid.
Kaya napahikab nanaman ako.
Hindi ko maiwasang kiligin kahit alam ko namang mabait lang talaga siya."Sara"
"Hmn?" Tiningnan ko siya
"Wala" ngumiti siya pero halata namang pilit
"Ano nga yun?"
"Pasensya ka na sa ginawa ni Jerloc"
"Ok lang 'yon"
"Sorry rin..." Parang nag-aalangan siya kaya hindi niya tinapos sasabihin niya
Tiningnan ko siya nagbabakasakaling ipagpatuloy niya kung ano man gusto niyang sabihin pero ngumiti lang siya saakin
"Okay lang kung magtanong ako tungkol sainyo ni Rina?" Tanong ko
Tumango lang siya
"Paano kayo nagkakilala?"
Ayoko sanang magtanong patungkol dito dahil bumibigat lang loob ko dahil wala akong maalala. Ang bigat sa loob dahil gusto ko na pareho kami ng naaalala.
"Naging magkaklase kami"
"Paano naging kayo?"
"Baka hindi ka naman maniwala kapag sinabi ko sayo"
"Sabihin mo na"
"Tinanong ko siya kung pwede ko siyang maging girlfriend tapos umu-oo lang siya"
"Ganyan naman talaga nangyayari, ang ibig kong sabihin ay kung paano mo siya niligawan"
"Hindi ako nanligaw"
Napatigil ako sa paglalakad, ganun narin siya
"Sabi sayo e"
"Ibig sabihin tinanong mo lang siya tapos naging kayo na?"
Klinaro ko pa dahil hindi ako makapaniwala.
Hindi ko man maalala sinasabi niya, alam ko sa sarili ko na hindi ako ganoon ka-easy.
Kilala ko sarili ko. Manhater nga tawag nila saakin tapos napasagot niya ako ng hindi nililigawan?
Inaamin ko na pogi siya pero imposible talagang napa-oo niya ako nang walang ligaw.
"Oo nga, kahit nga ako hindi makapaniwala. Akala ko hindi na niya ako papansinin noong tinanong ko siya pero nag-ok lang siya"
"Baka jinojoke time ka lang niya, pumatol ka naman agad"
Bahagya siyang tumawa
"Seryoso ka naman ba nung time na tinanong mo siya?"
"Syempre"
Napa-o nalang ako. Ang swerte ko naman pala.
"Anong nagustuhan mo sakanya?"
Di ko maiwasan ma-proud kahit wala naman akong maalalang ganun
"Masaya ako kapag nakikita ko siya. Korni pero gusto ko siya laging nakikita at nakakalimutan ko lahat ng problema kapag niyayakap ko siya"
"Gusto ko ang pagiging magugulatin niya"
"Ang pagiging maaalahanin niya"
"Ang cute niya parin kahit galit siya"
"Kapag naniningkit ang mga mata niya kapag tumatawa"
Napangiti ako sa mga sinabi niya
Halatang mahal niya talaga ako.
Jusko. Ba't kinikilig ako ng ganito?
"Grabe ka tinatawanan mo 'ko"
"Hindi ah, kinikilig nga ako sainyo" sabi ko sabay tawa
"Grabe talaga siya oh"
"Tapos ano pa? Kwento mo yung dates nyo, away at monthsary"
"Wag na, baka tumawa ka nanaman"
"Hindi, promise" tinaas ko pa kanang kamay ko
"Hindi ba talaga ako naikwento sayo ni Rina?" Lumungkot yung mukha niya
"Hindi e"
"Baka naman nagka-amnesia ka. Ilang beses na tayong nagkita e" pabiro niyang sabi
"Siguro nga, sorry"
"Ano ka ba okay lang, ako nga ang dapat magsorry. Hinusgahan agad kita. Akala ko kasi pinaglalaruan mo lang damdamin ng kaibigan ko kaya hindi ko maiwasang madismaya lalo pa't magkaibigan kayo ni Rina"
"Ang lalim ah. Inaamin ko nainis ako sayo pero nakalimutan ko rin naman agad yun. At tsaka okay na kami ni Sean, magkaibigan lang talaga kami"
"Bakit ayaw mo kay Sean? Hindi dahil sa kaibigan ko siya pero sigurado akong aalagaan ka niya"
Kung ibang tao siguro 'to ay baka natawa na ako kay Sandro. Para kasi siyang matanda magsalita.
"May iba na akong gusto"
"May boyfriend ka na pala"
"Gusto lang, ano ka ba. Imposible nga ata maging kami kasi kumplikado ng sitwasyon namin"
"May girlfriend?"
"Parang"
"Paanong parang?"
Parang dahil sabi mo girlfriend mo ako
"Para kang bata, hindi nawawalan ng tanong" bahagya akong tumawa
"Ikaw nga rin"
"Hindi ah, silent type nga ako e"
Tiningnan niya ako tsaka ngumiti
"Pumasok ka na" tumigil siya sa paglalakad kaya ganun din ako.
Ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
"Goodnight, see you tomorrow" sabi ko
Ngumiti lang siya
"Ah teka Sandro!" Lumapit ako sakanya tsaka tumingkayad
"Teka" halatang nagulat siya sa ginagawa ko
Kumapit ako sa balikat niya bilang suporta
"Medyo weird at masakit pero" bumunot ako ng isang hibla ng buhok
Hindi ko na rin natuloy sasabihin ko dahil bigla akong nailang nang magkatinginan kami. Sobrang lapit kasi ng mukha ko sakanya kaya umatras agad ako
"Oh dali, wish ka na" sinubukan kong siglahan boses ko kahit naiilang parin ako
Siguro tawang tawa na 'to sa kaweirduhan ko
Tiningnan niya ako tapos bigla siyang lumapit saakin tsaka ako niyakap.
Napanganga nalang ako sa pagkabigla
*dug dug*
"Salamat...Rina" mahina ngunit rinig ko paring sabi niya
Dapat kinikilig ako ngayon dahil nakayakap siya saakin pero kabaliktaran ang nararamdam ko. Para akong maiiyak sa lungkot.