"Ano mo si Rina?" diretsahan kong tanong
May ilang sandali siyang tumitig sakin
"bakit?" kumunot pa ang noo niya na tila ba nagdulot sakanya ng pagkairita ang tanong ko
"gusto ko lang malaman"
"ex-girlfriend"
Gusto ko sana siyang tanungin kung seryoso siya kaso halata namang hindi siya nagbibiro.
"Kelan pa?"
"Akala ko ba magkaibigan kayo ni Rina? Bakit wala kang alam sa kaibigan mo?"
Gusto kong sabihin sakanya na ako si Rina kaya imposibleng wala akong alam pero ayoko magmukhang baliw
"Oo nga, kaya nagtataka ako kung bakit wala siyang nasasabi sakin tungkol sayo"
"Hindi ko na problema yon" aalis na sana siya nang magtanong ulit ako dahilan para tumigil siya
"Kelan naging kayo?"
Tila nag-alangan pa siya bago sumagot
"October 6, 20--"
Ibig sabihin 2 years na kami at nung kaarawan ko pa siya sinagot?
***
Akala ko titigil na'tong isip ko kapag nalaman ko kung anong relasyon mayroon kami ni Sandro.
Pero hindi ganun ang nangyari. Mas lalo akong nacurious sakanya.
Pinilit kong deadmahin ang ideyang naging boyfriend ko siya na nakalimutan ko lang dahil sa aksidente.Pero kahit anong pilit ko na deadmahin ay hindi ko magawa dahil una sa lahat, hindi ko magawang paniwalaan na naging KAMI.
Sinong papatol sa dating ako?
Sa isang libo sigurong lalaki na pangit, kahit isa ay walang magkakagusto sakin, si Sandro pa kaya?
Mukhang di nga yun kumakausap ng pangit. Tapos ganun pa ugali. Kahit naman pangit ako di ko susunggaban ang isang lalaking may itsura na ganun ang ugali.
Ako kasi yung pangit na suplada. Kaya siguro walang nagkakagusto sakin dati.
"Lean, matagal na ba kayo magkakilala ni Sandro?"
"Hindi, bakit? Don't tell me nililigawan ka ni Sandro?" sumeryoso mukha ni Lean
"Grabe, hindi no"
"Type mo?" tanong ulit niya, bahagya pa siyang ngumiti na para bang may kinukumpirma
"Hindi rin"
"Sus. Type mo siguro si Sandro, ngayon ka lang nagtanong na may kinalaman sa lalaki" di ko na napansin ang paglapit ni Cams basta paglingon ko ay nakaupo na siya sa tabi ko.
"Hindi nga, curious lang ako, kasi sabi niya ex niya yung bestfriend ko"
"Seriously? sino? Akala ko baog yun, I mean walang interes sa babae " - Lean
"Ibig sabihin iisa lang yung Rina na bestfriend mo at Rina ni Glenn?" sabat ni Cams
"Sinong Glenn? makasabat to, iba naman topic mo girl" - Lean
"Si Sandro, Cassandro Glenn Castro ang full name niya, remember?"
"As if alam ko, di naman kami close. Teka ba't kilala mo si Sandro? Stalker ka ba?"
"Stalker ka dyan, partner kami sa cosplay no" dinuro ni Cams si Lean sa noo
"Gosh. nagcocosplay 'yon?! katurn-off ah. Okay, inyo na si Sandro, di ko na siya type" - Lean
"type mo si Sandro?" - Cams
Gusto ko sumabat sa usapan nila ngunit di ko alam kung anong dapat kong sabihin.
"Hindi ko na nga type. Ayoko sa mga isip bata"
"Grabe ka! kaya siguro di ka pumunta nung event. Ban ka na talaga. I hate you"
"Eh kasi nga di ako makarelate sa mga ganyan, naweweirduhan ako"
Wala akong nakuhang impormasyon kay Lean dahil kelan lang din niya nakilala si Sandro.
Nakakainis lang na wala siyang instagram, twitter o kahit facebook man lang.
Ang naiisip ko nalang na pagtanungan ay si Castro. Kaso ang awkward naman magtanong kay Castro dahil panigurado iisipin niya agad na may gusto ako sa pinsan niya, kahit naman ilang beses ko na binusted yung tao ay hindi naman ako ganun kawalanghiya.
"Masakit ulo mo?" tanong saakin ni Cams
Kanina ko pa kasi hinihilot ulo ko dahil nagcoconcentrate ako na wag na isipin yung isyu kay Sandro ngunit mas lalo ko siyang naiisip. Ilang araw ko narin kinukumbinsi sarili ko na isang weirdo si Sandro na may one sided love.
'Siya lang may alam na may relasyon kayo dahil isa siyang weirdo .'
Weirdo
Weirdo
Weirdo
Ugh. Bakit ba kasi hindi siya mukhang weirdo?
Impossible rin na may one sided love siya saakin.
"Huy" kinublit ako ni Cams
"may iniisip lang ako"
"Nakakatulong ba ang paghilot hilot ng noo para makaisip? Teka itry ko din, di ako nag-aral para sa long exam mamaya" ginaya ako ni Cams, hindi ko nga mawari kung pinagtitripan niya lang ba ako dahil napakaseryoso ng mukha niya
"para kang sira, wala tayong exam mamaya" pinalo ko kamay niya para tumigil
"Teh ikaw wala, ako meron, kaya wag ka nga" bumalik siya sa paghihilot
Hinayaan ko nalang siya dahil baka masisi pa ako.
Agad akong kumuha ng notebook at nagkunwaring nagbabasa nang makita ko si Sean na papalapit sa direksyon namin
"Uy musta?" bati niya saakin
Buti nalang at dalawahan lang 'tong mesa na inuupuan namin.
"Okay lang" matipid akong ngumiti
Pasimpleng sumulyap si Cams kay Sean
"Teh byebye na, may exam pa'ko. Katakot pa naman malate dun"
Kamuntik na akong sumigaw para pigilan si Cams ngunit hanggang pagbuka ng bibig lang ang nagawa ko.
Umupo si Sean kaya face to face na kami. Ano ba yan, walang manners. Dapat tinanong muna niya ako kung pwedeng siya umupo dahil sa totoo lang ay ayoko siyang makita.
Sa mga nakalipas na araw kasi ay naging makulit siya, idagdag mo pa ang pagiging madrama niya. Tinalo niya pa ang babae magdrama, mahuli lang ako ng reply sa text ay magti-text na siya na kesho sabihin ko lang daw kung ayaw ko siya kausap. Kung hindi lang siya kapatid ni Lean ay baka prinangka ko na siya. Nakakairita na kasi.Hindi siya marunong tumanggap ng pagkabusted. Yan ang hirap sa mga lalaking may itsura, akala nila may karapatan sila maging makulit dahil sa may itsura sila.
"Nasabi sakin ni Sandro na bestfriend mo yung ex-girlfriend niya"
"oo"
"ahh, pakilala mo naman ako sa bestfriend mo, nacucurious kasi kami sa ex niya"
Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko sa sinabi niya.
Di ba sinabi ni Sandro na patay na yung ex-girlfriend "kuno" niya?
"Sean, yung shake mo" napalingon ako nang marinig ko boses ni Sandro
"Kaw nalang kumuha bro" sagot naman ni Sean
Agad akong nag-iwas ng tingin nang napansin ni Sandro na nakatingin ako sakanya
Mananalangin sana ako na kusang maglakad yung shake para wag ng pumunta sa mesa namin si Sandro kaso huli na ang lahat. Inilapag na niya ang shake sa mesa at naramdaman ko na titig niya saakin.
Panigurado iniisip nanaman nitong Sandro na to na pinapaasa ko 'tong kaibigan niya tulad ng akala niya na ginawa ko sa pinsan niya.