SCENE 4 - Sandro

223 17 0
                                    

"Oh ba't nandito ka pa? Di ka pa nakabihis?" tanong ni Castro habang nakatingin kay Sandro na nasa likuran ko

"Hindi ako kasali, ba't ka nandito Rina?"

Parang bumaliktad ang sikmura ko sa tanong ni Sandro.

Mali ba pagkakarinig ko o talagang tinawag niya akong Rina?

"Ayan ka nanaman tol" ngumiti ng nakakaloko si Castro

Umatras ako para makaharap ko sila pareho

"Bakit?" naguguluhang tanong ni Sandro

"Rina"

"Ah. Sorry"

"Pagpasensyahan mo na yan si Sandro, may Rina syndrome yan. Siya pala yung pinsan na sinasabi ko sayo. Tol, si Zarah"

"Magkakilala na kami" kaswal na sabi ni Sandro kay Castro

"Ba't ka pala nandito? akala ko may gagawin ka?" - Castro

Pareho silang nakatingin sakin at para bang naghihintay ng magiging sagot ko

"manunuod"

"Ahh. may kasama ka ba? Kung wala, tayo nalang"

"sige, sama nalang ako sainyo"

***

Umupo kami kasama ng mga kaklase ni Sandro. Nakakailang nga dahil wala akong kilala sakanila pero yung iba kilala ako.Inaasar pa nila ako kay Sandro dahil akala nila girlfriend niya ako. Ang mas nakakailang pa niyan ay inaasar ni Castro si Sandro tungkol kay Rina.

"Kinausap ka na ba ni Rina?"

"Anong course ba niya?"

"Nahanap mo na o ayaw talagang magpakita sayo?

Sigurado akong hindi ako yung tinutukoy ni Castro dahil halata namang buhay yung tinutukoy niya.Pero hindi ko parin maiwasang mailang at kabahan.

Wala lang imik si Sandro. Mukha ngang wala siyang pake sa mga tanong ni Castro.

Nakucurious narin tuloy ako.Kapangalan ko pa kasi.

"Okay ka lang Zarah?" tanong ni Castro

napansin niya ata ang pagbuntong hininga ko.

Tumango lang ako.

"Kelan pa kayo magkakilala?" - Castro

"Nung Friday, sa bar"

Pagkasabi ko nun ay tiningnan ako ni Sandro at base sa ekspresyon ng mukha niya ay para bang may mali akong nasabi.

"Rina sorry may klase pa ako, tol kaw na bahala" umalis na si Castro tapos maya maya tumayo si Sandro

"San ka pupunta?"

"Aalis na"

"May klase ka na?, sabay na ako" tumayo narin ako at sumunod sakanya

Pagkalabas namin ng amphi, hinarap niya ako

"Wala akong klase, kita mo ng lahat ng kaklase ko nandito" halatang naiinis siya

"Sorry"

"Ayoko sa mga babaeng mahilig magsorry"

Kumunot noo ko sa sinabi niya.

Bakit ang sama pakinggan ng sinabi niya?

"Sinabi ko bang magustuhan mo ako?"

Di ko na maiwasang magmaldita dahil pakiramdam ko wala naman siya dapat ikainis.

Kung ibang tao, tatawanan lang yung pagkakamali ko.

"Sinabi mo ba kay Castro na magustuhan ka dahil halatang gusto ka ng pinsan ko"

"Ano bang pinopoint mo?" Kusa ng kumunot ang noo ko

"Kung wala kang gusto sa pinsan mo, sabihin mo agad. Hindi yung mag-ientertain ka dahil lang gusto mo ng atensyon"

"Ano bang basehan mo sa mga pinagsasabi mo?"

Ang dami ko pang gustong sabihin pero di ko na tinuloy dahil aware ako sa mga taong nasa paligid namin.

Nakatingin lang siya saakin.

"Kalimutan mo na mga sinabi ko" Pagkasabi niya nun ay naglakad na siya palayo

Ano bang problema ng lalaking 'yon?

Bakit parang ang laki ng galit niya saakin?

Habang tinitingnan ko siyang naglalakad palayo, naalala ko nanaman yung araw na umiiyak siya sa burol ko.

Sino ka ba talaga?

The guy who cried at my funeral (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon