"Sabay na tayo" kinublit ako ni Ate Sara. Papunta ako ngayon ng cr.
Hindi kasi ako mapakali, pakiramdam ko ay nakatingin saakin si Jerloc
"Uy pasensya ka na kay Jerloc ah. Wag mo masyado isipin 'yon. Pangatlo ka na yata sa mga napagkamalan niya. Siya lang ng bestfriend ko nakakakilala sa malanding babae na nang-akit sa ex ng bestfriend ko kaya di ko alam kung may katotohanan ba pinagsasabi niya, pero sigurado naman ako na hindi ikaw 'yon" sa pagngiti niya ay ang pagsikit din ng kanyang mga mata
"Okay lang po 'yon"
***
Nauna na ako kay ate Sara dahil tatae pa raw siya, akala ko nung una nagbibiro lang siya pero habang nagreretouch ako nangamoy nga yung cr, nagreklamo nga yung katabi ko.
Dinaanan ko muna yung mga booth, ayoko pang bumalik sa upuan. Siguro kapag nagsimula na.
"Ikaw iyon di ba?" bigla akong kinabahan nang makitang nasa tabi ko na si Jerloc
"Hindi po, baka kamukha ko lang"
"No, I'm sure"
Naikuyom ko nalang kamay ko
"Balak mo rin ba silang pagsabayin?"
"I'm trying to understand you since sabi ni ate Sara na this is your third time, but your words still offend me"
"She lied to ease your mind. Why do you deny it and act as if you're the victim? It doesn't suit you"
"Wala akong alam sa pinagsasabi mo" mahina ngunit mariin kong sabi tsaka na ako naglakad palayo
Totoong wala akong alam sa sinasabi niya pero hindi ko parin mapigilan na hindi magalit.
Tinext ko si Sean na uuwi na ako. Sinabi ko nalang na may emergency sa bahay dahil baka isipin niya na may isyu saamin ni Sandro.
***
Pag-uwi ko ng bahay sinearch ko agad si Jerloc sa internet. Inisa-isa ko finafollow ni Cams dahil nabanggit niya na finofollow niya ito.
Nakaprivate account niya sa Instagram pati facebook kaya tanging impormasyon sa mga blog ang nakita ko.Nakakagulat na marami nga siyang fans.
Pero kahit anong search ko wala akong makitang koneksyon niya kay Rina.
***
Sa sumunod na araw pinilit kong kalimutan mga pinagsasabi ni Jerloc dahil bumibigat lang loob ko.
Bakit ba ako naiinis ng ganito kung alam ko naman na hindi totoo?
<1 new message from Ruh>
'Ate punta ka Casa Restaurant mamayang 6pm, birthday ko.hihi'
Buti nalang at hanggang 3:30pm lang klase ko kaya may time pa ako para bumili ng regalo
Simula ng tinulungan ko si Ruh sa poster ay medyo naging close na kami, madalas din kaming nagkakasalubong kaya nakakapag-usap kami kahit saglit.Madalas niya rin akong inaasar kay Sandro.
Bumili ako ng light blue na blouse at bracelet bilang regalo. Nilagay ko nalang sa paperbag para hindi hassle sa pagdala
***
Pagdating ko ng restau, nandoon na si Ruh at ibang club members maliban kay Sandro
"Happy Birthday" sabi ko kay Ruh
nagtawanan yung mga kasama namin
"Hala, adik to si Ruh"
"Happy Birthday Ruh. Hahaha"
"Baliw talaga to si Ruh, si Sandro may birthday Zarah, hindi siya" sabi nung isang member, hindi ko tanda pangalan niya
"Uy hindi ah, jinoke ko lang si ate, akala ko alam nya na"
"Iready nyo na yung banner, malapit na daw si fafa Sandro"
"Kaloka, igogo talaga yang banner? daming tao ah" - club member
"Arte arte nito, di ka na nga tumulong sa paggawa, umuwi ka na nga.Kj nito. Hindi ka helpfull, uy Zarah ikaw na bahala sa pag-video ah"
"Kaloka kayo, ako nagbayad ng pagkain ah! Ayan naaaaa"
Tumayo silang lahat kaya sumabay narin ako
"Happy Birthday Sandro!"
"Happy Birthday Kuya!"
Itinaas nila yung banner na may mga picture pa ni Sandro
Abot tenga ngiti ni Sandro, nakahawak siya sa batok niya at tila ba nahihiya
"Ito pala yung sinabi sakin na surprise" bahagya pa siyang tumawa
"what? Sino nagsabi!? tumayo na traydor satin" sabi ni Ate Klein, siya Vice President ng club
Nagtawanan sila, pati ako napatawa narin.
"Salamat sa surprise"
"Oh nasurprise naman si kuya! okay lang yan" sabi ni Ruh
"Si Ruh siguro ang traydor" - Klein
Kinantahan namin siya tapos nung uupo na ay tumabi siya saakin since yung sa tabi ko nalang ang vacant
"Buti nakapunta ka" sabi ni Sandro sabay ngiti
"Ininvite ako ni Ruh" sabi ko naman
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, lalo pa't magkadikit ang siko namin
Nag-usap usap sila, minsan sinasama naman nila ako sa usapan, hindi lang talaga ako makasabay
Ngayon ko lang sila nakasama ng matagal kaya ngayon ko lang nalaman na close pala silang lahat. Makikita mo talaga yung care at respect nila para kay Sandro
***
Nasa labas kami ng restau at hinihintay nalang namin yung iba dahil nagcr pa ata
"sabay na tayo" sabi ni Sandro
heto nanaman yung puso ko
ba't ba ganito kalakas epekto mo saakin Sandro?
"magkaiba naman sasakyan natin"
"okay lang, hatid lang kita"
"bakit?"
"gabi na e, birthday ko naman kaya pumayag ka nalang" ngumiti siya, yung ngiting, kukurba rin sa labi mo
"ikaw bahala" nagkunwari akong tumitingin sa jeep at humikab din ako para maitago ang ngiti ko