Chapter 10

29 3 0
                                    

                   Cass POV

Nagising ako ng maaga dahil gusto ko munang maglibot-libot sa school para makalanghap naman ako ng sariwang hangin at hindi na ako magpasama sa kanila nakakahiya naman.  Nagayos muna ako at naglakad dala ang favorite book ko.

Habang naglalakad ako ay naalala ko yung fountain na nadaanan ko nung unang pasok palang ako dito.Kaya pinuntahan ko agad.

Nang nakarating na ako sa fountain ay pinagmasdan ko itong mabuti at nakikita ko ang sarili ko. Hanggang sa nagiba na ito at nakita ko ang sarili ko na may korona nung bata palang ako na may kasama akong dalawang magasawa.

Flashback
Halatang masayang-masaya sila nung panahon na yun hanggang sa dumating na ang pinakabangungot sa kanilang lahat.

Nagsimula na nga ang digmaan at lahat sila ay abala sa paki-kipaglaban, halatang binibigay nila ng buong makakaya nila para sa bayan.Ang dalawang magasawa ay nagaalala sa mangyayari sa kanilang anak at sa mga nasasakupan nila.

Makalipas ang ilang oras, maraming namatay at nasugatan na hindi na kayang pagaling ng mga healers dahil sa marami na silang nagamot.Nanghina ang magasawa dahil sa kanilang nakikita, na talagang nakakalungkot ang kinahihinatnan.

Hanggang sa nagsalita ang hari.

"Mahal kong asawa kailangan ko nang lumaban para matapos na ito.Ikaw na ang bahala sa ating anak."sabi ng hari.

"Sige mahal kong hari dadalhin ko sya sa mundo ng mga mortal para sa kanyang kaligtasan.O sige susunod na lang ako."sabi ng reyna at umalis na para dalhin ang kanyang anak.

"Sige papayagan kitang dalhin sya doon para sa kaligtasan nya. Kahit na malayo siya sa atin ay kakayanin ko para sa kaniyang kaligtasan."sabi ng hari at tuluyan ng umalis ito.

Ang reyna naman ay pumasok na sa portal ng mga tao. Pagkapasok nya ay agad ng naghanap ng magandang lugar na ligtas. Alam naman kasi nya na may pupulot ditong mabuting magic user. Hanggang sa natapos na ito.

-Reality-
Hay yun pala ang totoong nangyari. Ganun pala ka-tragic ang buhay ko dati.

"Hey!! Ano ginagawa mo jan? Nag-eemo ang peg?" Nakakagulat naman yung babeng yun, kinabahan ako.

"Wala naman... may naalala lang." Sagot ko. Nakakalungkot lang isipin na namatay ang mga magulang mo sa pagliligtas sayo.

"Hoy!!!!! Tulaley ka teh!!!! Malelate na tayo!!!!" Napatalon ako sa sigaw ni Micha kaya nahulog ko yung hawak Kong libro.

"Hayyyy!!! Naku yung libro!! Jusko, no!!!!" Kinuha ko yung libro sa fountain, basang-basa na yung libro!!! Siguro curious kayo kung anong book yun ano? Ang title ng book na yun ay "The Lord of Elphindale" isang book na tungkol sa isang dalagang half fairy. Bwisit naman oh, si Micha kasi eh ang hilig manggulat!!!

"Anong meron sa LIBRONG yan?!" In-emphasize pa niya yung salitang 'libro'.

"Gusto mo talagang malaman?! Paboritong libro ko yan!!!!!" Sigaw ko sa kaniya. Nag-aapoy na ang ulo ko sa galit kaya napaatras si Micha at pumunta sa likod ko.

"Ah-eh, haha. Sabi ko nga favorite mo yun eh. Papalitan ko na lang. Hehe. Chill girl." May patapik-tapik pa sa balikat ko tong lalakeng to ah.

"Ayoko!!!! Gusto ko yung akin talaga!!!! Patuyuin mo yan!!!!! Bwisit kasi eh!!!" Nagpadyak padyak pa ako sa sahig dahil sa sobrang inis.

"Hindi ko yun kaya... hindi ako time user hindi kasi ako ano- hindi ako nakakapag b-balik ng dati..." Yumuko siya at mukhang iiyak na.

"Kapag di yan nabalik sa dati ma-leletchon ka." Parang naging bad girl na ako ah. Pero paborito ka yun kaya tama lang ang inasal ko hindi naman yun sobra. Umalis na ako sa kinatatayuan ko at pumunta na sa room ko. Baka mapatay ko si Micha pag nanatili pa ako dito.

________________________________________________________________________

Sumasabog na si Cass. Haha. Tnx pala sa tulong mo @secret_fantasy18 para sa idea.

Guys subaybayan nio pa po sana!!!

White User AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon