"Badtrip," sabi ni JV pagpasok niya sa dorm namin.
"Oh bakit nanaman?" Tanong ni Mikee kay JV.
"Tinatanong pa ba 'yan? Malamang hinabol nanaman siya ng stalker niya hahaha," sabi ni James at nagsitawanan sila.
Tinignan ko lang sila at nakitawa na rin. Naalala ko kasi nung kahapon na pagdating ko rito badtrip rin siya at ang dahilan non ay yung stalker raw niya na patay na patay sa kanya.
Isang araw na rin pala ako rito sa university at good thing nakasundo ko agad sila. Nagiging classmate ko rin sila sa iba't ibang subjects.Tinignan ko ang buong paligid. Nakita ko si Ced na nagbabasa ng libro habang umiinom ng kape. Ganyan ba talaga siya?
Si Mikee at James naman tawa pa rin ng tawa. At si JV naman nakabusangot pa rin.
"Pwede ba guys konting tahimik naman? Nagbabasa ako oh!" Reklamo ni Ced pansin ko napaka- sungit nito. Siya na yata ang pinaka masungit rito.
"Oh 'wag ka daw maingay Mikee nagbabasa si Mr. Bookworm," sabi ni James kay Mikee
"Anong ako? Ikaw nga 'yon," segunda naman ni Mikee.
"Parehas lang kayo mga gago," sabi naman ni JV sa kanilang dalawa.
Ako eto nakatingin lang sa kanila.
Maya-maya may pumasok na lalaki. Ang gwapo.
Kaso lalaki na pala ako. Pero wala naman ang balak 'no! Napogian lang ako.
"Oh bro buhay ka papala?" Sabi ni James doon sa lalaking kapapasok lang.
"Oo nga. Akala namin tegi ka na eh," sabi naman ni Mikee
Hahaha nakakatawa talaga 'tong dalawang 'to. Kapag nagsasama sobrang ingay eh.
"Tss," tanging sambit ng lalaking dumating.
At nagtawanan nanaman yung dalawa.
"Pre si Kurt new co-rooms natin. Kahapon lang siya dumating," pagpapakilala sa'kin ni JV dun sa bagong dating.
"Kurt pare," sabi ko naman.
Pero katulad ni Ced tinanguan niya lang ako.
Sungit ah?"Siya si Daniel," sabi naman sa'kin ni James sabay turo niya dun sa lalaki.
"Ah," tanging nasabi ko lang.
"Niel bat pala wala ka kahapon?" Tanong ni Mikee kay Daniel.
"Wala. Pinapunta lang ako ni daddy sa company niya to cleared some case problem," sagot naman nito.
"Ahhh,"
Pumasok muna ako ng cr.
Pagtingin ko may nakasabit na boxer. Hays. Dapat masanay na ko rito. Lalaki na mga kasama ko.Tungkol naman dun sa sinabi ni ninong tama nga siya, kailangan mag-ingat ako. Baka mabuko ako rito.
---
Science subject ngayon. Patuloy lang sa pagdedemonstrate yung prof ko sa kung ano mang experiment na ginagawa niya.
Classmate ko rito sina JV at Ced. Pati yung pabebe girls.
Bigla na lang napadako yung tingin ko dun sa pabebe girls. Tapos sabay sabay na kumindat. Lol. Tapos inalis ko na ulit yung tingin ko sa kanila baka mamaya eh pagnasaan pa ko.
Napatingin ako sa may bandang bintana.
Maraming naglalaro sa may open field. May nagvo-volleyball, basketball, badminton at kung ano-ano pa.
Naalala ko noon. Nung tinuturuan ako ni Jules mag basketball. Hays.
Sana makita ko na siya rito. Kaya lang naman ako lumipat rito ay dahil nandito siya...
Flashback...
Buwan nang nakakalipas pero hindi pa rin ako maka move on sa paghihiwalay namin ni Jules. Iba ang epekto sa'kin grabe.
Walang araw na 'di ako umiiyak. Palagi rin akong puyat.
Kinocomfort naman ako palagi ni mommy. Simula kasi nung malaman niya yung nangyari sa'min ni Jules sobra niyang kinagalitan 'to.
Hanggang sa lumipas pa ang sumunod na buwan. Napabayaan ko na ang sarili ko. Ginawa ko rin ang usually na ginagawa ng isang taong nasaktan.
Binago ko ang sarili ko. Nagpagupit ako ng sobrang ikli, nagbihis lalaki ako at 'di kalaunan nagpanggap akong lalaki.
Dahil pa rin sa kanya.
Sinundan ko siya sa university na pinag-aaralan niya. Nagresearch ako nung bago mag-graduation. Niresearch ko yung university na pag-aaralan niya.
Nagalit sa'kin nun si mommy pero umiyak ako ng umiyak nun para payagan niya lang ako kasi sobrang desperada na ko.
Kung ano-anong masasakit na bagay ang ang sinabi sa'kin ni mommy pero 'di ako nagpatinag.
Sabi niya marami naman daw diyang iba yung mas deserve ang love ko pero sabi ko kahit ilang lalaki pa umaligid sa'kin si Jules pa rin, dahil sa kanya lang ako sasaya.
Walang nagawa si mommy kundi hayaan ako. Kahit pa labag sa kalooban niya.
Alam ko rin naman na isang pagkakamali ang sundan ko siya. Pero pilit na sinasabi ng utak ko na baka may pag-asa pa dahil dito sa puso ko siya pa rin talaga. At ang hirap baguhin 'yon.
Sobrang minahal ko siya to the point na kaya kong gawin 'to.
Hanggang sa ipinakilala ako ni mommy sa mga kaibigan niya maging sa ka-business niya na twin brother ni Kaye Valdez which is ako talaga 'yon. Gumawa ako ng fake birth certificate at pinalitan ko ang Kaye as KURT.
Nung nalaman naman ni daddy 'yon sobrang nagalit rin siya but then again napapayag ko rin siya.
Ganito kasi ako magmahal eh, desperada.
Ini-stalk ko si Jules sa mga account na meron siya. Noong araw na nakipag-break siya sa'kin halos gusto ko nang magpakamatay. Para akong nalulunod at hindi makahinga. Hindi ko kasi matanggap na parang ganon-ganon na lang sa kanya kung i-end up ang relasyon namin. Kaya gagawin ko ang lahat mabalik lang siya sa'kin.
Tanga na kung tanga. Pero kasi sa kanya lang talaga ako sasaya eh. Pinilit ko namang magmove on pero sobrang hirap. Kaya umisip ako nang paraan.
At nang makapag-enroll na ako sa HESS university, pinili kong manatili sa dorm para na rin masilayan ko siya roon. At dahil nagpapanggap ako lalaki, kailangan ko rin makihalubilo sa kalalakihan para na rin malaman ko ang kilos at galaw nila upang 'di ako mabuko ni Jules.
Ngayong buo na ang plano ko, next thing na gagawin ko ay ang kaibiganin siya at i'll promise na bago ako umamin sa kanya na nagpanggap ako, na sa'kin na siya.
End of flashback...
"MR. VALDEZ," Nawala ako sa pagpapantasya ng marinig ko ang boses ng prof namin na kasalukuyang tumatawag sa'kin.
"P-po?"
"Kanina ka pa nakatingin diyan sa bintana, do want to get out?"
"A-ah hindi po miss,"
"Next time you do this again, palalabasin kita. You're a tranfer student pero ang tigas na ng ulo mo."
Oh-oh, ano naman kaya ang problema nito sa'kin? Grabeng galit ah?
Well bahala siya magalit diyan magkwento lang naman ako sa inyo diba? Ay basta hahanapin ko si Jules hays.
----