Chapter Ten

44 2 0
                                    

Maaga nanaman ang class ko ngayon.

6:00-4:00 pm ang schedule ko minsan mas late ang dismissal.

Itong mga kasama ko hindi ko alam kung anong mga schedule nito eh paano ba naman tulog pa.

Tumingin ako sa kama ni Daniel wala na siya. Baka maaga rin siya ngayon.

Dumiretso akong canteen para mag breakfast. Magagalit si mommy kapag 'di ako kumain ng umagahan bini-baby pa naman ako n'on tss.

Pagpunta kong canteen konti pa lang yung tao. Um-order na ko tapos naghanap ng bakanteng lamesa.

Habang kumakain ako narinig kong may bigla na lang nagsalita sa harap ko.

"H-hi!" Sabi niya.

Iniangat ko yung ulo ko tapos nakita ko yung babaeng binubully nung mga pabebe girls nakaraan lang.

"Hello, nagkita na tayo diba?"

"Ahm oo, sa may hallway sa locker area," sabi niya at ngumiti.

"Sabi na ikaw 'yon eh"

"Buti naalala mo pa ko hehe"

"Oo naman, aga mo ah?"

"Ah oo kasi may mga kailangan pa kong tapusin sa student council room eh"

"Student council ka?"

"Ah oo president ako"

Naks, president pala siya?

"Ay kaya pala"

"Btw, Kurt right?"

"Yah, ikaw ano pala pangalan mo?"

"I'm Annie Delos Santos"

"Nice name"

Pagkasabi ko n'on parang bigla siyang namula. Anong nangyari sa kanya?

"Okay ka lang?" Tanong ko

"Ha? Ah oo," sabi niya at yumuko.
"Sige Kurt bye see you around," sabi niya muli at ngumiti.

"Okay bye"

Since tapos na rin naman ako sa pagkain ko nagpunta na rin ako sa first subject ko.

Science ang first class ko ngayon tapos classmate ko si Jv at yung mga pabebe girls.

"Hi Kurt!"

Nagulat ako sa bumati sa'kin. Si Gina isa sa mga pabebe girls.

"Sisters, batiin niyo naman si Kurt!"

"Ay hi Kurt!" Sabay na sabi nung dalawa.

Okay. Guguluhin nanaman ba nila ako? Mga flirty girls tss.

"Hello!" Sabi ko na lang sa kanila.

Sus, mga pabebe na 'to. Paano kaya kapag nalaman nilang babae rin ako? Haha

Umupo na ko doon sa likod. 'Di ko trip umupo sa harap baka mapagbuntungan nanaman ako ng prof ko katulad nung nakaraan.

"Goodmorning class, so for today i will not discuss a lesson i just want to give your report for our daily lesson," pagpapaliwanag niya.

Buti naman. Eh paano kapag siya yung nagtuturo 'di ko feel na makinig eh.

Tapos 'yon ibinigay niya na sa amin bawat isa yung mga report namin then umalis na siya. Ganon lang.

"Bro!"

"Oh Jv, kanina lang tulog ka pa ah? Akalain mong classmate nga pala kita rito?"

"Haha eh ganon talaga mga pogi mabilis kumilos," sabi niya at nag-pogi sign pa.

"Kaya pala ang bilis ko kumilos," biro ko naman

"Asa pre mas pogi ako sa'yo"

Natapos ang buong subject ko sa pag-uusap namin ni Jv ng walang ka-kwenta kwenta haha

Hanggang sa last subject na 'to. Nagpunta na ko sa last class na papasukan ko at nakita ko si Ced na nandoon din.

"Classmate!" Sabi ko sa kanya

Tumingin lang siya sa'kin. Masungit pa rin ba siya?

"Kamusta?"

"Ayos lang bakit?" Sabi niya.

Hala! Galit ba siya? Nagtatanong lang naman ako ah?

"Ah okay," sabi ko na lang

Dunating na prof namin. Tapos nagpa-quiz lang tungkol dun sa ni-lesson namin kahapon. Basic lang. Joke nahirapan nga ako eh.

Nung nag-class dismiss na pumunta ako sa locker kasi nakalimutan ko yung libro ko sa science itinago ko pa naman 'yon d'on. Magrereview lang ako para sa report ko kahit matagal pa naman ako. Terror yung prof ko baka kainin ako ng buhay n'on.

Pagpunta ko d'on, binuksan ko agad yung locker ko at kinuha yung libro. Pagsara ko halos atakihin ako sa puso dahil sa bumungad sa'kin.

Jusko kanina pa ba 'to rito? Mabuti na lang at siya yung nanggulat sa'kin at walang tao rito sa locker kung hindi nabuko na ko rito. Napatili ba naman ako eh.

"K-kanina k-ka pa ba nand'yan?"

"What do you think?"

"H-hindi ko alam..."

"Tss."

"A-anong ginagawa mo rito?"

"'Wag ka ng magtanong, just follow me"

Follo him daw. Parang biglang nagkaroon ng sariling buhay yung mga paa ko at bigla-bigla ay sumunod kay Daniel.

"Faster woman!"

Napabilis naman ako d'on. Teka sunod ako ng sunod saan ba ako dadalhin nito?

---

-Ced-

Nakakainis. Tumawag nanaman sa'kin si dad at ipinagpipilitan nanaman sa'kin yung babeng 'yon sinabing ayoko d'on eh. 'Di ko na lang sinagot.

For his work sake he even sacrifice his son. 'Di pa ba siya kontento sa kung anong yaman meron siya? Kailangan dinadamay pa ko eh.

Class dismiss na namin, nakita ko si Kurt na mabilis na umalis ng room at parang may pupuntahan.

Umalis na rin akong room at nagtungo sa locker. Ilalagay ko 'tong libro ko at kukunin ko na rin yung binili ko para mabasa ko na.

Pagpunta ko d'on, nakita ko si Kurt na may nilalagay sa locker niya. Kami lang tao dito pero 'di niya yata ako napansin. Much better madaldal pa naman 'yang lalaking 'yan.

Pero i have weird feelings nang una pa lang siyang dumating sa dorm. I didn't know why.

Parang..parang may kakaiba sa kanya eh. Ayoko muna sabihin sa inyo kung ano yung nakukutuban ko sa kanya. Baka mali ako eh pero ayoko ng lumalapit siya sa'kin. Pakiramdam ko isa siyang....

Bigla akong nakarinig ng tili. Is that Kurt? Kami lang naman tao rito ah? Tinignan ko siya.

He's with Daniel. But why? Kailan pa sila naging close? Tama na ba ang hula ko?

Since kami lang ang tao rito naririnig ko yung usapan nila.

"K-kanina k-ka pa ba nand'yan?" Tanong ni Kurt kay Daniel.

"What do you think?" Sagot naman ni Daniel.

"H-hindi ko alam..."

Is he uttering?

"Tss."

"A-anong ginagawa mo rito?"

"'Wag ka ng magtanong just follow me"

Nakita ko namang sumunod si Kurt kay Daniel. Saan sila pupunta? Anong gagawin nila?

Gusto ko sana silang sundan pero naisip ko kailan pa ko naging ganito? Yung naging tsismoso? Argh pakshet na-curious talaga ako.

'Wag na nga makapunta na nga sa dorm.

Paalis na sana ako ng marinig ko ang sinabi ni Daniel kay Kurt.

"Faster woman!"

Woman? Dafq.

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Girl is One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon