4: Start

60 4 1
                                    

Chloe's Point of View

Nandito na ako ngayon sa school at hinatid ako ni Kuya Chord. Si Kuya Chord ang tagahatid at si Kuya Chase naman ang tagasundo ko. Si Mom and Dad nasa Korea for business matters.

Naglalakad ako ngayon, mag-isa na naman. What's new?

Habang naglalakad ako biglang may humarang sa dinadaanan ko. What the heck!

"Anong kailangan-" hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ng bigla nitong kinuha ang kamay ko at nilagay doon ang isang piraso ng rosas. Tinaasan ko siya ng kilay at bigla na lang itong umalis sa harap ko.

"Achu!" Tsk tinapon ko lang anv rosas na binigay niya sa akin. Allegic ako sa mga bulaklak lalong lalo na sa rose. Tsk

Napatigil na naman ako ng may tumigil sa harap ko at nasa likod niya ang kanyang mga kamay.

"Achu! Pwede ba lumayo ka sa akin lalo na kung may hawak kang bulaklak!" Inis na sabi ko at kinuha ang phone ko at nagsalamin. Namumula na ang ilong ko.

"Pero miss." Hinabol niya pala ako. Hindi ba ito nakakaintindi?

"Sabi ko lumayo ka sa akin pag may hawak kang bulaklak! Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog?!" Inis na sabi ko kaya nagpatuloy na lang ako paglakad mukha naman siyang natakot.

May tumigil na naman sa harap ko at may hawak siyang rose.

"Achu! Achu! Achu! Layo mo nga sa akin yan!",sigaw ko mukha din siyang natakot. Ano bang meron? Tsk.

Pagdating ko sa classroom maraming balloons na kulay red? Anong meron? Tsk tsk. I hate color red.

Pagpasok ko ng room may nakatalikod na lalaki at may hawak siyang bouquet of flowers.

"Achu!!" Bago pa lumala ang allergies ko ay lumabas na ako ng room. Hindi ko na kaya makaamoy ng bulaklak at ayaw ko din makakita ng bagay na puro kulay pula. Tsk.

Nagulat ako ng may humawak sa braso ko.

"Achu! Achu! Achu! Ilayo mo yan! Achu!" Sabi ko. Kainis naman itong Cedric na ito! Lumapit ba naman sa akin ng may hawak ng maraming roses. Sh*t hindi ako makahinga.

"Sabi ng ilayo mo sa akin yan! Achu!" Sigaw ko kaya itinapon niya ito buti na lang malakas pagkahagis niya at medyo malayo din pero bigla akong natawa.

"Hahahahaha!" Paano ba naman kasi nang ihagis ni Cedric ang bulaklak tumama ito sa mukha nung mortal kong kaaway. Hahaha!

"Niloloko mo ba ako?" Seryoso nitong sabi.

"Pinagsasasabi mo?" Nakataas kong kilay na sabi.

"Binili ko yung mga bulaklak na yun para sa'yo tas ipapatapon mo lang at ngayon tumatawa ka?" Seryoso pa din siya? Or seryoso ba siya?

"Well maganda naman yung rose kaso hate ko yun eh. May allergy ako sa flower at hate ko ang color red." Sabi ko at umalis na lang muna sa room. Naaalala ko pa din yung naging reaksyon nung bruhilda! Whahaha! Whoo! Kung nakita niyo lang siya panigurado matatawa kayo kaso hindi eh. Hahaha!

Pupunta na nga lang muna ako ng garden maaga pa naman. Tahimik dun sariwa ang hangin pero sandali may mga bulaklak pala doon. Ahh! Sa likod na lang ng building mapuno doon. Tama doon na lang muna ako. Pagkadating ko doon pumili ako ng magandang punong masasandalan ng may maalala ako. Sa pagkakaalam ko sabi sa akin ni Daddy sa dulo ng building may tree house daw na pwedeng tambayan dito pero may passcode daw ito. Mapuntahan nga pagdating ko doon may nakalagay na "C. Yu's tree house" naalala ko pang sabi ni Daddy iswipe ko lang daw ang card na? Tama yung binigay niya sakin! Pagka swipe ko bumukas bigla ang pinto. Ang astig. Pumasok ako at sinara ang pinto may 30 minutes pa naman bago magstart ang class.

Inilibot ko ang sarili ko sa tree house ng may nakita akong isa pang pinto pagbukas ko isang kwarto walang electic fan or aircon man lang dahil sa fresh air na pumapasok mula sa bintana? Huh? Pwede ba yun kahit nakasara? Astig.

Humiga ako sa kama at sandali ay nakatulog ako.

"Achu!" Bigla akong napaupo dahil nabahing ako. May bulaklak ba dito.

Nagulat ako ng may isang lalaki ang nakaupo sa gilid ko at may hawak itong rosas.

"Hahahaha! Sabi na magigising ka sa amoy nito eh." Natatawa niyang sabi at itinapon naman kaagad sa labas ang rosas.

"Sino ka ba ha?!" Inis na sabi ko.

"Aww. Nakalimutan na niya ako." Sabi nito at umarte pang nasaktan.

"Y-Yohan?" Hindi ako makapaniwala si Yohan ba talaga ito? Bakit ang gwapo niya? 😍 At natatawa itong tumango.

"Yohan Lee!" Ang saya ko! Sa sobrang saya ko niyakap ko na siya. Isa sa siya sa mga kababata ko bago niya ako iwan nagpaalam siya at nangakong babalik hindi tulad ni. Hays.

"Anong ginagawa mo dito?!" Hindi pa din ako makapaniwala eh. Namiss ko ang bestfriend ko.

"Dito na ako mag-aaral. Hindi mo ba alam kung anong oras na? Late na tayo ng 5 minutes." Sabi nito ng natatawa. Shocks! Late na ako?!

"Oh bat natahimik ka?" Bigla niyang tanong.

"Eh kasi scholar lang ako sa academy Yohan kaya patay ako nito." Sabi ko at hinila na siya tsaka na kami tumakbo sa classroom.

Pagdating namin sa room nakatingin sila sa amin.

"Ms. Yu late ka?! Aba naman! Scholar ka lang ng school." Sabi ni Mrs. Santos kaya napayuko na lang ako.

"Ma'am." Biglang nagsalita ang katabi ko.

"You are Yohan Lee? Transferee?" Nakataas kilay na tanong ni Mrs. Santos.

"Yes, Ma'am. Pero po pinagtataka ko lang po Ma'am. Paano po naging scholar si Chloe ng sarili niyang school." Nanlaki ang mata ni Mrs. Santos at pati mga kaklase ko nagulat.

Yeah, kami ang may-ari ng school na 'to. Wala sana akong balak na ipaalam sa kanila dahil ayaw ko ng special treatment at makipagplastikan pero dahil alam na nila paninindigan ko na lang.

"Yeah. Chloe Yu. The one and only daughter of C. Yu's Group of Companies owner." Nakangiti kong sabi. Kaya pumasok na kami sa loob at sobrang tahimik nila.

"So, you are the daughter of the Yu's family. Our family rival. And this day will be the start."

I'm With Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon