9: It's just like

44 3 0
                                    

Cedric's Point of View

Paglabas na paglabas nung Principal ay lumabas na din ako at dumiretso sa may garden para doon matulog. Nababadtrip ako kabanas! Hindi ko alam kung bakit! Sh*t hindi kaya? No, it can't be! Matutulog na nga lang ako.

Kabanas talaga! Hindi ako makatulog! Bahala na nga pipikit na lang ako hanggang sa makatulog.

(Hello?)

"Yes Ate?"

(Huwag na kayong tumuloy dito puntahan niyo na lang ako sa bahay mamaya may biglaan din akong meeting! Bye!)

Boses yun ni Chloe ah? Binuksan ko ng kaunti ang isa kong kamay. Sabi na eh! Tsk! Istorbo naman! At kasama niya pala yung mokong! Tsk! Hays. Malamang nanliligaw yung tao! Tsk! Hindi naman sila bagay.

(Ayie! Selos ka naman? So mas bagay kayo ganon?)

Ang galing mo Ms. Author! I mean! Hindi no! Hindi ako nagseselos ah! Tsaka hindi kami bagay sa gwapo kong 'to? Manahimik ka nga Ms. Author!

(Huwag kang ganyan! Hawak ko ang kapalaran mo! 😜)

Tsk!

Teka saan pupunta yung dalawang yun?

Bago ko namalayan sinusundan ko na pala sila. Teka?! Ano?!! Bakit ko naman sila sinusundan? Nagkataon lang na parehas lang kami ng ng dinadaanan no! Teka bakit parang nawala sila sa paningin ko?

Bahala nga sila! Tama dito na lang ako pupunta! Matutulog ako dito! HAHAHA!

Pagpasok ko umupo agad ako dito sa may dulo at akmang pipikit na ng may narinig akong kanta.

Pagdilat ko may sumasayaw sa gitna? Si Chloe ba yun? Kita mo nga naman! Magaling pa lang sumayaw yung babaeng yan! Hindi ko na ikakaila alam ko naman ang magaling sa hindi eh. Nice song ha! Magaling talaga siya. Siya lang ba ang mag isa dito? Malapitan nga.

Nasa may bandang gitna na ako ng pababa siya ng stage at biglang tumayo yung isang lalaki? Yung mokong pala. Magtatago na muna ako dito baka sabihin ng mga yun sa sobrang galing nila hindi ko na napigilan ang panoorin sila. Aba baka lumaki pa ulo nila.

Pinagmamasdan ko lang sila.
Mahahalata mo sa mga mukha nila na nageenjoy talaga sila. Masaya silang tingnan lalo na si Chloe. Ang ganda niya pala talaga? Teka?! Ano!! Hindi hindi siya maganda! Nadadala lang ako dahil magaling lang siyang sumayaw. Tama yun lang!

Habang pinapanood ko sila hindi ko na ikaiila parang may kung anong naramdaman ako. Parang inggit? Hindi ko din alam kung bakit? Bakit naman ako maiingit sa dalawang iyan? Teka lang? Hay ewan ko.

Tumingin tingin sa paligid si Yohan parang napansin na may nanonood sa kanila pero mukhang hindi niya na lang ito pinansin at tiningnan si Chloe na masayang masaya na sumasayaw kasama siya. Teka parang biglang may tumusok sa may dibdib ko? Ugh! Nevermind! Hindi ko naisip na magiging stalker ako ng dalawang ito. Tsk! Teka hindi ko naman ginusto na sundan sila dito eh. Nagkataon lang diba?

"Nothin',gonna stop us!"

"Nothing!"

Ugh! Bakit ganito?! Bakit parang ang sakit ng ulo ko. Parang konektado sa akin ang mga salitang iyon! Ano bang nangyayari sa akin? Tiningnan ko sila magkayakap sila. Sh*t hindi ko na kaya! Sobrang sakit na talaga ng ulo ko! Ano bang nangyayari sa akin! Parang may...

It's just like...

Chloe's Point of View

Ang saya ko talaga! Ang sarap sa pakiramdam sumayaw. Yung pakiramdam na wala kang iniisip kasi parang malaya ka lang. Ang pakiramdam ko ngayon para akong ibon na malayang lumilipad kasama ang bestfriend ko na mahal ako. Kung dumating man ang panahon na mahalin ko din siya hindi ko yun pagsisisihan dahil alam kong mahal na mahal niya ako.

Naaalala ko pa nung mga bata kami. Ganito din kami masaya lang!

"Nothin' gonna stop us!"

"Nothing!"

Sandali kaming nagkatinginan at sabay na humalaklak. Hahahaha! 
Then we hugged each other.

I love my bestfriend! I really do!

Nang matapos na yung kanta parang may iba. Parang may mali. Umupo kami sa stage ni Yohan at nagpapakiramdaman nagkatinginan kami at sabay na nagsalita.

"Ewan?"

"Ahhh!"

Sabi na eh!

Sabay kaming nagkatinginan at sabay din kaming napatakbo dun sa pinanggalingan nung ingay.

"Cedric?!"

Anong ginagawa niya dito?!

"Ahhhh!"

"Yohan dalhin natin siya sa clinic!" Mahinahon kong sabi at inalalayan naming maglakad si Cedric hanggang Clinic. Ang bigat niya😒.

Nandito pa din kami ngayon sa clinic at pinapanood yung doctor.

"Classmate niya kayo diba? May contacts ba kayo ng parents niya? Pwedeng pakitawagan. Salamat!" Sabi ng doktor at parang may sinusulat siya.

"Yohan pakitawagan na lang si Kuya tas pakisabi na lang sa parents niya." Sabi ko kaya sinunod niya naman.

"Dok ano pong nangyari sa kanya? Is he ok?" Tanong ko.

"Ahmm. Iha. Nagkamigraine kasi siya I think nagka amnesia siya and there's something na parang nababother siya sa nararamdaman niya at mukhang napressure siya. Kaya kailangan kong makausap ang parents niya." Sabi ni dok at nginitian ako at dumeretso sa office niya.

Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Kaya ba ganun ang ugali niya? Kaya ba siya si Mr. Paasa? Oo alam ko ang tungkol sa kanya kaya umiiwas ako sa kanya. Remember? I hate those kind of guys.

At pati nararamdaman ko ngayon hindi ko na din maintindihan? Bakit ba apektado ako?

Palabas na sana ako ng clinic pero tiningnan ko muna ang natutulog na si  Cedric.

Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Please stay with me. It's just like...

We're connected to each other"

I'm With Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon