17: Is it a Yes?!

27 3 0
                                    

Chloe's Point of View

Matapos kong magconfess sa kanya ng nararamdaman ko. Tumakbo ako. Tumakbo ako palayo habang umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasaktan ako sa thought na ayaw niyang marinig ang sasabihin ko. Bakit ganon? Bakit niya ako niligawan kung ganon? Diba dapat masaya siya? Pero bakit?

Takbo lang ako ng takbo hindi man lang ako nagawang sundan ni Yohan? Ahh! Akala ko ba iba siya sa mga lalaki? Akala ko hindi niya ako paasahin?

*beeeep*

"Magpapakamatay ka ba?"

"Cedric?"

Then everything went black.

***

Cedric's Point of View

Nasaan na ba nagpunta yun? Sinundan ko sina Yohan at Chloe gusto ko lang malaman kung saan niya dadalhin si Chloe.

Hindi ko din alam kung bakit ko sila sinundan mula nung may narinig ako sa past ko gusto kong malaman lahat. Nacucurious ako sa sarili kong pagkatao.

Ayun siya!

*beeeep*

"Magpapakamatay ka ba?"

"Cedric?" At bigla siyang nahimatay. Arghhh! Ugh!! Ang sakit ng ulo ko! Paano na 'to? Ahhh!

"Chloe!" Si Yohan ba yun? Salamat naman.

"Chloe!" Ulit niya at binigay ko siya sa kanya.

Then everything went black.

***

Yohan's Point of View

Gusto niya ako?! Sh*t kinikilig ako! Gusto niya daw ako!! Pagkasabi niya bigla siyang tumakbo gusto ko siyang habulin pero hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Pero pinilit ko.

Paglabas ko ng tree house hindi ko na siya matanaw. Ang bilis niya naman. Saan ko siya hahanapin?

*beeeeep*

Sh*t! Si Chloe!

"Chloe!"

Tumakbo ako kung saan nanggaling yung ingay at doon nakita si Chloe akay na ni Cedric? Anong ginagawa niya dito? Sinundan niya ba kami?

"Chloe!"

At nilapitan ko na siya tsaka siya inakay at biglang natumba din si Cedric ano bang nangyari sa mga 'to?

Tinakbo ko na muna sa kotse si Chloe at dinala ko na yung kotse ko kung saan naiwan si Cedric at isinakay ko na at dineretso ko sila sa may malapit na hospital. Pagdating na pagdating namin ng hospital tinawagan ko na ang parents ni Chloe para makapunta din agad dito.

Nasa labas ako ngayon ng room nina Cedric at Chloe hindi ako mapakali. Hindi ko naman kasi kung anong nangyari eh kaya sobra na lang ako kung mag-alala.

"Yohan! How is she?" Nag-aalalang tanong ni Tita.

"Nasa loob pa po sila."

"Sila? Sino pa yung isa niyong kasama?" Takang tanong naman ni Chord.

"Si Cedric. Hindi ko alam kung bakit sila magkasama. Basta bigla na lang akong tinakbuhan ni Chloe tapos nakita ko na lang na akay na siya ni Cedric na walang malay, kalaunan nawalan din ng malay si Cedric kaya dinala ko na agad sila dito." Paliwanag ko at napatango na lang sila.

Ilang minuto lang ang lumipas lumabas na din agad yung doctor na tumingin sa kanila.

"Doc how's my daughter? How are they?" Nag-aalalang tanong ni Tita.

"They're stable now. Nothing to worry Mrs. you may now go inside. Let me excuse myself."

"Thank you doc!" Sabi ni Tita at tinanguan na lang siya ni Doc.

Pagpasok namin siya namang pagdilat ng mata ni Chloe. Mabuti na lang at ayus na siya sobra akong nag-alala para sa kanya.

"Anak, are you ok na ba? May masakit ba sayo?" Alalang tanong ni Tita. Kasalanan ko lahat 'to eh. Kung sanang hindi ko sinabi sa kanya na ayaw ko marinig yung sasabihin niya hindi naman niya ako tatakbuhan palayo hindi sana mangyayari 'to. Natakot lang kasi ako ulit na he choose him over me. Akala ko wala na akong chance sa kanya. Pero ito gusto niya daw ako. Nagwawala na naman yung puso ko.

"I'm ok Mom. Don't worry." Sabi ni Chloe ng nakangiti. Yang ngiti na iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit nakuha niya ang loob ko. The assurance smile.

"Ano bang nangyari Chloe?" Tanong ni Kuya Chase.

"Ahmmm. Ano. Wala. Naghabul-habulan lang kami tas ano. Ahmm yun nahimatay ako dahil siguro sa ano. Ahmm pagod. Tama yun nga!" You're not a good liar Chloe. Kahit mga kuya at parents niya hindi naniniwala sa kanya. Nakayuko lang kasi siya pilit naming hinuhuli yung mga mata niya na tumingin kahit isa lang sa mga mata namin pero hindi niya nagawa.

"Tss. You're not a good liar Chloe." Seryosong sabi ni Chord.

"Sorry... Yung totoong nangyari."

Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin saglit kaya nginitian ko siya. Medyo nagulat siya sa pagngiti ko pero nakabawi din naman kaagad kaya ipinagpatuloy niya na ang pagsasalita.

"Kanina nung papunta kami sa lugar ni pupuntahan namin ni Yohan tinanong niya ako kung may pag-asa ba siya sa akin." Sandali siyang tumingin sa akin then I mouthed the word 'sorry' then she smiled.

"Hindi ko siya dineretsa nung nasa byahe pa kami pero ayaw niya daw marinig ang sasabihin ko. Akala niya siguro wala siyang pag asa sa akin. Akala niya may gusto akong iba." Napapangiti na lang ako habang nagkukwento siya. Ang tanga ko lang kasi hindi ko man lang napansin na gusto na niya pala ako.

"Pagdating dun sa tree house inamin ko na yung tunay kong nararamdaman na gusto ko na siya. After that tumakbo ako at hindi ko namalayan yung parating na sasakyan then Cedric saved me tapos nawalan ako ng malay. Pati din pala siya nawalan ng malay." Pagkatapos niya magkwento niyakap ko siya. Nagulat sila sa ginawa ko.

"Sorry kung sinabi kong ayaw kong marinig ang sasabihin mo tama ka akala ko kasi siya na eh. Natakot lang ako. Kaya sana mapatawad mo ako. Please give me a chance." Sabi ko. Naiiyak na ako it's so gay right? Pero wala malakas tama ko sa babaeng kayakap ko ngayon.

"Yohan. Hindi mo pa man sinabi ginawa ko na. Hindi ka pa nakakahingi ng chance binigyan na kita. At hindi na kita papahirapan pa. 99.9% Yohan."

"So tayo na?" Excited kong tanong. Hindi man romantic yung place kung saan ko matatanggap ang matamis niyang oo ang astig naman at romantic na ito para sa akin dahil kasama ko ang pamilya ng taong mahal ko.

"Wait lang nagloloading pa. Kulang pa ng .01" sabi niya kaya natawa lahat sila. Kinakabahan na ako dito eh.

"Chloe?"

"Yes my boyfie?"

"Boyfie? So tayo na nga?"

"Ofcourse! Tayo ng umuwi. Hahaha!" Napasimangot na lang ako sa sinabi niya.

"Yohan!" Then she nodded and gave her sweetest smile.

"Is it a yes?"

"Yes!"

I'm With Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon