19: Break up

30 2 0
                                    

Chloe's Point of View

8 pm na at nandito na ako sa address na sinasabi ni Yohan sobrang dilim dito tama ba ang pinuntahan namin?

Aalis na sana ako dahil natatakot ako ng biglang nagliwanag ang paligid. At doon nakita si Yohan sa gitna na may hawak ng malaking teddy bear.

Pagkakita ko sa kanya tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Yohan." Banggit ko habang naiiyak ako. Napag isipan ko na ng mabuti ang gagawin ko ngayon. Sana mapatawad mo ko Yohan.

"Chloe. Huwag ka ngang umiyak. Papangit ka niyan sige ka." Sabi niya at pinahid ang mga luhang bumaba sa aking pisngi.

"Yohan sana mapatawad mo ako sa gagawin ko. Ayaw kong pati ikaw pahirapan niya kahit ako na lang basta sana maintindihan mo ako." Umiiyak pa din ako.

"Ano bang sinasabi mo? Sinong niya? Chloe kailangan ko pa lang bumalik ng States bukas dahil may nag back off ng shares kaya kailangan kong ayusin."

"Hindi niya na itutuloy ang pag back off nun. Gagawin ko ito para sa makakabuti sa lahat. I'm breaking up with you Yohan." Sabi ko at tumakbo na ako palayo sa kanya. Hindi ko na kaya. Mahal ko na nga talaga siya. Sorry Yohan. Sana mapatawad mo ko.

Tumakbo lang ako ng tumakbo ng may humawak sa kamay ko at hinila ako. Nagpahila na lang ako wala na din naman akong lakas magpumiglas.

"So nakipagbreak ka na pala. Good choice. So ano? Starting tomorrow tayo na?" Hindi ko pinansin yung sinabi niya. Pinagpapalo ko yung dibdib niya habang umiiyak ako.

"I hate you! Hiniwalayan ko siya dahil sa kabaliwan mo! I hate you so much!" Sigaw ko sa kanya at hinuli niya yung kamay ko at bigla na lang akong hinalikan.

*pak*

I slapped him. Matapos niyang gawing miserable ang buhay ko hahalikan niya ako? Wala siyang kwenta! Napangisi na lang siya sa ginawa ko.

Hindi na lang ako nagsalita iniwan ko siya. Naglakad ako pauwi. Wala namang mangyayaring masama sa akin.

Pag-uwi ko ng bahay naabutan kong nasa sala sina Kuya Chord at Kuya Chase.

"Oh andyan ka na pala Chloe. Hinatid ka ba ni Yohan? Bakit hindi mo muna pinapasok?" Tanong ni Kuya Chase pero hindi ko siya pinansin tuluy-tuloy lang ako papunta sa kwarto ko. Ayaw ko munang makipag-usap kahit kanino.

Pagpasok ko ng kwarto ko nilock ko agad yun dahil alam kong susundan ako nina Kuya.

*tok tok*

"Chloe papasukin mo muna kami alam naming may problema ka baka makatulong kami." Sabi ni Kuya Chord. Ayaw ko muna kayong kausapin mga Kuya.

Hindi ko na lang sila pinansin tsaka muna ako naligo sandali. Pagkatapos kong maligo nagulat na lang ako dahil nasa loob na sila ng kwarto ko.

"Chloe, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Chord.

"Kuya wala na kami." Sabi ko at nagsimula na namang tumulo yung mga pasaway kong luha.

"Bakit?" Tanong ni Kuya Chase.

"Nakipagbreak ako." Nakayuko kong sabi.

"Alam naming may malalim kang dahilan Chloe alam naming ayaw mong magsalita ukol dito. Hindi ka namin pipilitin hihintayin na lang namin kung kailan ka magiging handa." Sabi ni Kuya Chord tsaka ako tinapik sa balikat.

"Magpahinga ka na ha?" Sabi ni Kuya Chase tsaka ako hinalikan sa noo.

"Mga Kuya! Salamat tsaka sorry. Ginagawa ko lang lahat 'to kasi ayokong mahirapan kayo tsaka siya. Sana maintindihan niyo ako." Sabi ko at nginitian lang nila ako.

Ilang minuto pa ang lumipas nagriring yung phone ko.

Calling: Yohan..

Sasagutin ko ba? Pero wala na akong mukhang ihaharap pa. Nahihiya na ako sa kanya. Pero gusto kong marinig yung boses niya. Gusto kong malaman kung ayus lang ba siya. Malamang hindi! Tss.

("Hello?") Hindi ako nagsalita gusto ko lang malaman kung anong gusto niya bakit siya napatawag pero hindi ako magsasalita.

("Chloe please huwag kang makipag break aalis na pa naman ako bukas. Alam kong may dahilan ka may problema ka. Ayusin natin 'to please. Chloe mahal na mahal kita.") Sh*t huwag kang umiyak Yohan please. Mahal na din kita hintayin mo lang ako in 60 days Yohan makikipagbalikan ako sayo.

("Please Chloe. 2 months akong mawawala. Sana pagbalik ko maging ayos na tayo. Mag-iingat ka ha? Mahal... Na... Mahal... Kita...") At pinatay niya na. Marinig lang kita na umiiyak para na din akong pinapatay lalo na ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.

I'm sorry Yohan. I'm really really sorry.

*****

*tok tok*

"Chloe, anak?"

"Mom?"

"Hinahanap ka ni Cedric anak."

"Ayaw ko pa siyang makausap." Walang gana kong sabi.

"I already knew it. Sinabi niya na sa akin lahat. And I understand him."

"What?! Naiintindihan niyo siya?!" Halos pasigaw kong sabi. Nasa labas pa din ng kwarto ko si Mom. Ayaw kong magpakita kahit kanino kasi. I'm devastated. I'm wasted.

"Yes anak, I already knew about your past. And hindi niya pa pwedeng sabihin sa iyo dahil pwede mong ikamatay."

What?! Ano bang pinagsasabi ni Mommy? Hindi ko na siya maiintindihan. Hindi ko na sila maintindihan. Gulong gulo na ako sa mga nangyayari kahit ako naguguluhan sa sarili ko bakit ko ba ginagawa ang mga gusto niya? Bakit niya ba ako napapasunod?

"If you want to be alone for a while I'm letting you. But please eat your breakfast ha? You make us worried baby." Sabi ni Mom at narinig ko na yung mga footstep niya palayo sa kwarto ko.

It's all complicated. It's all became complicated because of me! Am I being selfish? I don't  know. I'm going crazy. I don't know what to do.

If I have this kind of problems. Yohan is alyways here to comfort me. But he is now who needing that comfort. I wish he could be happy with someone. He doesn't worth like me. I'm just a stupid don't know what to do.

I'm With Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon