20: Day One?

66 0 0
                                    

Chloe's Point of View

Gumising ako na basa ang mga pisngi ko at ang bigat ng mga mata ko. Malamang umiyak ata ako kagabe eh.

Monday ngayon. May pasok pero wala akong ganang pumasok ng school ngayon.

*ring... ring...

Unknown number? Tss. Aaksayahin ko lang ang oras ko kung sasagutin ko yan. Kamusta na kaya si Yohan. Ok lang kaya siya? Malamang hindi! Ikaw ba naman ibreak ng taong mahal mo sinong magiging ok? Hay! Mababaliw na ako kakaisip sa kanya. Sana mapatawad niya ako. Pagkatapos ng dalawang buwan pagbalik niya ipapaliwanag ko lahat sa kanya alam kong maiintindihan niya ako kung bakit ko yun nagawa.

Pero napakawalang-kwenta ko! Sinaktan ko lang naman yung nagmamahal sa akin ng tunay para sa isang taong walang paki sa akin at trip lang ako.

*ring... ring ...

Kanina pa 'to tumatawag. Nakakairita na!

"HELLO?!"

("Gandang pambungad ha? Gusto ko lang ipaalala sayo. Girlfriend na kita mula ngayong araw na 'to.") Sabi niya at binaba din agad.

I hate him so much! Siya ang pinaka walang kwentang tao na nakilala ko.

***

@school

"Good Morning babe!" Pagbaba na pagbaba ko ng sasakyan siya agad ang bumungad sa akin.

"Babe mo mukha mo." Sabi ko at nilagpasan siya.

"Hay nako pabebe talaga girlfriend ko." Sabi niya at inakbayan ako tiningnan ko siya ng masama.

"What?!" Takang tanong niya pero imbis na sumagot tinaasan ko siya ng kilay.

"Pwede ba girlfriend mo lang ako in title pero hindi totohanan so please back your hands off or else..."

"Or else what babe?"

"I will super duper ultra mega punch your ugly duckling face, understand?" Mataray kong sabi. Hindi porket girlfriend niya ako chachansing na siya. Baka madala ko siya sa Baklaran kawawa siya. Psh.

"Ang harsh naman ng babe ko. Pero ang cute!" Then he pinched my little nose. Nagulat siya ng pinalo ko yung kamay niya.

"Ang laki ng kamay mo maawa ka naman sa little nose ko." Nakapout kong sabi habang hinahawakan ang cute kong ilong.

"Huwag ka nga magpout hindi ka cute!" Biglang sigaw sa akin ni Cedric at napaiwas ng tingin.

"Hala? Namumula ka? May sakit ka?" Tanong ko at hinawakan ang noo niya hindi naman mainit.

"Huwag mo nga akong hawakan!" Sabay tulak sa akin atsaka siya umalis. Pero bago pa man siya makalayo.

"Alam mo bang napakawalang kwenta mong tao?! Pasalamat ka concern pa ako sayo eh! Tse!" Sabi ko at pumunta ng garden.

Nakakainis siya! Huwag daw ako magpout hindi daw ako cute pero bago niya pisilin ilong ko sabi niya ang cute ko daw. Hirap niya talaga basahin. Makakasurvive kaya ako sa relationship namin? First day pa lang pinapahirapan niya na ako eh.

"Hoy!" Psh! Cedric Hyun na walang kwenta na naman ba ito?

"Oh? Problema mo?" Cold kong tanong malamigan ka sana malamigan ka.

"Parang biglang lumamig?" What?! Effective ganern? Yay! Magpapaparty na ako! Tugs tugs tugs! 🎉🎉🎉

"Kase hindi mainit?" Natatawa kong tanong. Common sense naman kuya! Hindi ka ba nausuhan nun?

"Tss! By the way this is our relationship's rule." Sabay bigay sa akin ng isang papel.

"Relationship's Rule? Ano na naman ba 'tong pauso mo ha? Dami mong chena chena." Reklamo ko tsaka tiningnan yung papel.

"Don't talk to other boys? Nasisiraan ka ba? Edi hindi ko kakausapin mga Kuya ko pati Daddy ko? Tsaka si Manong Guard?! Paano kung kinakausap nila ako? Snob ganun?!" Mabilis kong sabi na parang nagrarap na ako.

"Tss! Pwede mo silang kausapin. Ang pwede mo lang kausapin na lalaki ay ako, at ang family mo." Sabi niya. Psh!

"Dami mong alam! As if mag kinakausap akong iba. Lalo na sa mga schoolmates natin."🙍

"Daming reklamo basahin mo na lang." Inip niyang sabi tsaka niya sinandal yung ulo niya sa balikat ko.

"Hoy hindi ako pinanganak para pagpatungan lang ng ulo mo ang ----"

"Just 5 minutes please." Sincere niyang sabi. First time ko siyang makitang ganito hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa nakapikit niyang mata ang haba pala ng pilik mata niya tapos ang tangos ng ilong hindi katulad ng maliit kong ilong. Kahit na lalaki siya ang pula ng lips niya. Omg!😱 Don't tell me naglilipstick siya?!😱😱

"Oyy! Hindi ako naglilipstick no!" Sabi niya at binuksan niya ang isa niyang mata. Omg! Mind reader siya?!

"At mas lalong hindi ako mind reader." Nakangisi niyang sabi.

"Ehh?"

"Ang cute mo talaga pag hindi makapaniwala." Sabi niya at ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata.

Parang nagslow mo ang paligid ng isara niya ang mata niya o sadyang OA lang ako. Hay buhay parang life! 😑

Teka! Teka! Ngayon ko lang naramdaman ang bigat pala ng ulo niya!

"Aww! Sh*t!"

"Bakit mo ko tinulak?!" Naku po magtatatransform na po ba siya sa pagiging dragon?

"Ang bigat kaya ng ulo mo!" Reklamo ko habang iniikot ikot ang braso ko. Ang sakit! Namamanhid na. Ano daw? Ang sakit? Pero namamanhid? Hay baliw na talaga ako.

"Tss! Ewan ko sayo. Maiwan ka na nga dyan!" Sigaw niya at umalis na nga.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na lapitan mo ko?!" Pahabol ko bago siya makalayo kaya napatigil siya at tinitigan ako. Oh-oh! Wrong move ata?!

Waah! Palapit siya ng palapit!

"Sinong nagsabi sa akin? Ito!" Turo niya sa dibdib niya at tiningnan ako sa mata. Yung mga mata na dati hindi mo makita yung emosyon dahil madalas niya itong itago pero ngayon kita mo sa mga mata niya yung sincerity gusto ko na sanang maniwala sa kanya kaso bumabalik sa akin yung eksena na pang babablackmail niya sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya baka hindi ko maiwasang hindi tumulo ang mga luha ko. Pasaway sila eh hindi marunong sumunod sa sinasabi ng utak ko. Masyado silang sumusunod sa puso ko.

"Ahmm. Pag-uwi ko na lang babasahin yung ginawa mong rules. Tara na sa room magsisimula na ang klase." Sabi ko at nauna ng maglakad.

Habang naglalakad ako nagulat ako ng inagaw niya ang bag ko.

"Ako na ang magdadala." Sabi niya.

"Hindi na! Ako na kaya ko naman eh! Hindi naman mabigat eh! Kung tutuusin kaya kong bitbitin pati bag mo." Sabi ko at pilit na inaagaw yung bag ko.

"Oh really?!" Sabi niya at tinapon sa akin yung bag ko at bag niya. Sh*t! Ang bigat pala ng bag niya. May ginto ba ito sa loob?

Tss! Akala ko gentleman siya! Akala ko lang pala! Tss....


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm With Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon