6: Courting?

55 3 0
                                    

Dedicated to: HisGirl1031

Chloe's Point of View

Time check. 11:11 pm. Kung yung iba lang 'to paniguradong nagwiwish na sila. Tsk. Tsk. Kainis hindi kasi ako makatulog eh. Paano ba naman hanggang ngayon naiisip ko yung mga nangyari kanina. Wala ng matinong ginawa ang dalawa kong kasama kung hindi ang magpasikat sa akin kaya eto ako ngayon napapaisip. Ganito kasi minsan sa mga nababasa ko eh. May gusto ba sila sa akin? Hindi naman ako manhid para hindi malaman yun eh. Pero malay ko bang trip lang nila ako no? Atyaka ayokong umasa.

Nakatingin lang ako sa taas ng biglang nagvibrate ang phone ko.

Yohan...

Still awake? Can't sleep? Try to write on your notebook. Goodnight Chloe. Thank you for this day.

Napangiti ako sa nabasa ko. Nireplyan ko na lang siya.

To: Yohan

Good night! See you tom.

Pagkasend nun ay pinikit ko na ang mga mata ko at nakatulog din naman kaagad.

*
Kinabukasan...

Pagising ko dumiretso agad ako sa banyo para maligo after that ay bumaba na ako para mag-almusal pero nagulat ako ng makita ko ang dalawang nagbebreakfast with my family.

"Yohan? Cedric?"

"Good morning!" Sabay nilang bati kaya nagkatinginan silang dalawa at nagpalitan ng sama ng tingin.

"Good morning niyo mukha niyo! Good morning Mom, Dad, Kuya Chase, Kuya Chord." Isa isa ko silang kiniss sa cheeks.

"Good morning sweetie!" Bati nila ng sabay-sabay. Well sanay na ako sa kanila.

"Anong ginagawa ng dalawang iyan at nakikikain pa? Wala ba kayong pagkain sa mga bahay niyo? Tsk!" Irita kong sabi kaya biglang natawa si Dad.

"Ang Princess namin dalaga na! Kauma-umaga mainit ang ulo." Naiiling na sabi nito.

"Dad naman eh! Ano bang ginagawa ng dalawang yan dito?" Naiirita kong tanong at tiningnan ko ng masama yung dalawa. Si Yohan nag piece sign lang siya. Si Cedric naman nakangisi lang.

"Before that let's pray. Lead the prayer princess.

"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, God thank you for this day with my family, thank you for the foods and blessings that we received from your loving arms, Amen. Let's eat!" Masigla kong sabi. Nagugutom na kasi talaga ako.

Habang kumakain ako biglang nagsalita yung dalawa.

"Sabay na tayong pumasok." Sabay na sabi nila kaya nagkatinginan sila.

"Sa akin ka sumabay." Sabay na naman nilang sabi.

"Ihahatid ako ni Kuya Chord." Sabi ko at nagpatuloy na lang sa pagkain. Napakamot na lang ng ulo si Yohan at si Cedric? Poker face.

I'm With Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon