11: Cedric Hyun

38 2 0
                                    

Cedric's Point of View

"Please stay with me. It's just like...

We're connected to each other"

Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko? Kusa na lang gumagalaw mga kamay ko at kung ano-ano pa lumalabas sa bibig ko.

"What do you mean?"

Hindi ko siya sinagot dahil maski ako hindi ko din alam ang sagot sa aking katanungan. Pero parang gusto ko talagang nandito lang siya. Sa tabi ko. Ano bang nangyayari sa akin?

"Please." Pagmamakaawa ko. Ako nagmakaawa?! Hay hayaan na nga. Kahit ngayon lang bababaan ko lang ang pride ko.

"Tsk." Sabi niya sabay bawi ng kamay niya at hinila ko ulit.

"Please..."

"Wala ka bang balak paupuin ako? Ano ako estatwa? Hanggang mamaya nakatayo lang dyan sa tabi mo kung pwede namang umupo?" Tsk! Ang sungit niya talaga! Pero mas lalo akong ginanahan sa mga plano ko sa kanya. Hinayaan ko lang siya umupo nga siya sa may tapat ko.

Walang umiimik sa aming dalawa.

"Ahm Chloe?"

Hindi siya sumagot tinaasan lang ako ng kilay. Sungit talaga. Tsk!

"Kung liligawan ba kita papayag ka?" Kinakabahan kong tanong. Bakit ba ako kinakabahan? Diba dapat wala na lang sa akin 'to? Pero dahil siguro naiiba siya sa kanila.

"At bakit naman kita papayagan?" Tsk! Sungit niya talaga.

"Kasi gusto.... Kita?" Tsk!

"Asa kang payagan kita! I know you. You're Mr. Paasa." Nakasmirk niyang sabi pero alam kong inis siya. Balita ko kasi na inis siya sa mga paasa kaya siya ang next target ko. Pero parang may kung ano sa akin na nagsasabi huwag ko ng ituloy? Tsk! Weird.

"Bakit naman hindi? Hindi mo ba ako bibigyan ng chance na patunayan sayo ang sarili ko?"

"Hah! Patunayan ang sarili mo? Ang alin? Na ikaw ang nag iisang Paasa King? Hindi mo na kailangang ipamukha o patunayan sa akin. Naniniwala ako." Sabi niya at naglagay ng headset sa tenga niya. Parang nasaktan ako sa mga sinabi niya. Pero tama naman siya eh. Psh!

Magsasalita sana ako ng pumasok yung Yohan na yun. Tsk! Tsk!

"Tumawag na ako Chloe pinapauwi ka na ng mga Kuya mo." Seryosong sabi ni Yohan. Narinig kaya niya yung mga sinabi ko?

"Ok" sabi niya at akmang aalis ng hawakan ko yung kamay niya napatingin siya dun ganoon din si Yohan.

"Bitawan mo siya dude." Seryosong sabi ni Yohan pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay tiningnan ko lang si Chloe na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Fine! Pero hanggang dumating lang parents mo." Sabi niya at hinila ulit yung kamay niya at umupo ulit sa kinauupuan niya kanina. Sumunod na lang sa kanya si Yohan at halatang inis na inis. Magdusa ka!

Teka papunta pala parents ko dito? Ano ako bata? Parang nagka migraine lang pinapunta agad parents ko? Psh! As if pupunta mga yun puro business lang alam ng mga yun baka nga wala sila sa bansa ngayon eh at wala akong pakialam kung nasaan sila. Psh!

"Cedric?!" Teka? Pamilyar yung boses na yun ah?

Biglang bumukas yung pintuan. Tsk! Sabi na eh! Ano naman kaya ginagawa nito dito?

"Alis na kami." Walang ganang sabi ni Chloe at hinila na palabas si Yohan. Pipigilan ko sana sila pero nakalabas na sila.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang gana kong tanong sa kanya. Kailan pa naging concern sa akin 'to? 😑

"Duh! Pinuntahan kaya ako ng kapit bahay mo sa bahay at pinapatawag daw ako dito. Akala ko naman nakipagbugbugan ka kaya ka nandito sa clinic." Pailing-iling niyang sabi.

"Eh bakit ka nga nandito?" 😑

"Bakit ganyan ka na sa akin lil bro?"

"Kailan pa naging sagot ang isa pang tanong ate?" 😑😑😑

"Sorry na kasi! Syempre kapatid kita kaya nag-alala lang ako. Oo nga pala sino yung dalawa kanina na umalis? Kaibigan mo ba sila?"

"Shut up Ate."

"Sungit mo talaga lil bro. So bakit ka nga nandito?"

"Migraine." Tipid kong sagot. Kailan pa ba 'to nag alala sa akin? Tsk! Tsk!

"Ohh. Sandali lang kausapin ko muna yung doktor. Hintayin mo ko dyan." Sabi nito at dumeretso sa office nung doktor. Psh! Ang oa ng mga tao ngayon simpleng migraine lang. Tsk! Tsk!

Bahala siya dyan hindi ko siya hihintayin uuwi na lang ako!

***

Nasa harap na ako ng bahay ngayon pero nasa loob pa din ako ng kotse ng makita kong lumabas sa isang bahay sina Yohan at Chloe. Ano naman kaya ang ginawa nila doon? At kanino bahay yun? Paki ko naman ba?! Tsk! Tsk! Makapasok na nga lang sa loob ng bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Pero parang gusto kong buksan itong kurtina sa may window ko. Ayan maliwanag na! Pero? Kung sinuswerte ka nga naman katapat ko pala ng kwarto si Chloe? Nakatitig lang siya dun sa mga teddy bear. Alam mo Chloe maganda ka sana eh masungit nga lang at palagi mo kong sinasaktan physically kaya sasaktan din kita emotionally sisiguraduhin ko yan sayo.

Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto niya at pumasok ang mga kuya niya. Pinagmamasdan ko lang sila. Parang may naramdaman akong kakaiba? Yung pakiramdam na dapat kasama nila ako? Ugh!! Ang saya lang nilang tingnan parang nakaramdam ako ng inggit?! Inggit na naman?!! Tsk! Tsk!

Bakit ganun? May kakaiba akong nararamdaman!? Nakakainis?! Parang pakiramdam ko kalahati ng pagkatao ko ang hindi ko alam. Ano bang nangyayari sa akin? Sino ka ba talaga Chloe Yu?

I'm With Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon