16: Percentage

28 3 0
                                    

Chloe's Point of View

Isang buwan na ang nakalipas mula nung Anniversary nina Mom and Dad. At isang buwan na din akong kinukulit ni Yohan kung bakit daw iniwan ko siya sa Mall.

"Uyy bakit nga? May ginawa ba ako na hindi mo nagustuhan?"

"Yohan! Pwede ba? One month ago na yun ah araw-araw mo na lang akong tinatanong. Kalimutan mo na nga yun."

"Pero kasi.."

"Kakalimutan mo yun o kakalimutan ko na lang na kasama kita ngayon?"

"Oo na sorry sa pangungulit." Hay ayan na naman siya nakakaramdam na naman ako ng guilt. Pero hayaan ko na lang. Ang totoo niyan nahihiya ako. Akalain niyo yun nakilala niyo ako na walang paki sa iba pero ngayon nakakaramdam na ng guilt. Yung nakilala niyong bato ngayon sponge na. Hahaha! Bakit? Wala lang yun lang naisip ko. Hahaha!

"Uyy ang aga-aga naman atang tampuhan iyan!" -Kuya Chase

Nakaupo kasi kami sa may sofa sa sala namin at napadaan siya.

"Hindi ah!"

"Oo nga pala yung isa mong manliligaw nasa labas ng bahay."

"Manliligaw?"

"Si Cedric? Diba manliligaw mo din yun?"

"Paano ko siya naging manliligaw eh hindi nga siya nagparamdam ng one month. Ang I have to thank him dahil tumahimik buhay ko. At hihingi na din ako ng pabor sa kanya."

"Pabor?"

"Oo. Maiwan muna kita diyan Yohan kakausapin ko lang siya."

"Pero-"

"Just wait for me." Sabi ko at nginitian siya mukha namang naguguluhan siya pero ngiti din ang iginanti niya sa akin. That smile.

"Chloe."

"What are you doing here?"

"Flowers for you!"

"Thank you, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Anong ginagawa mo dito?"

"Diba sabi ko sayo manliligaw ako? Kaya ayan."

"Huwag ka ng mag-abala."

"Bakit? Sasagutin mo na ako?"

Natawa ako sa sinabi niya.

"So, it's a yes?"

"Asa! Huwag ka ng mag-abala kasi sooner or later magkakaboyfriend na ako."

"What?! Mahal mo na ba siya?"

"Wala ka na dun kaya shut up ka na lang."

"I'm sorry but I'll get what I want and mine is always mine."

"Kailan mo pa ako naging iyo ha? Pwede ba? Umalis ka na! Eto sayo na bulaklak mo. At gusto ko pa lang magpasalamat. Thank you sa one month na hindi mo pagpaparamdam dahil naging tahimik at masaya ang buhay ko at may pabor pala ako sayo. Sana huwag mo na ako guluhin. Huwag mo na kaming guluhin." Sabi ko at iniwan siyang tulala sa labas. Tinitigan ko siya. Parang nakaramdam ako ng ugh nevermind! Pero nakikita ko sa kanya si John. Tsk! Tsk!

"Chloe."

"Yohan? Kanina ka pa ba diyan?"

"Hindi nainip kasi ako ang tagal mo kaya nag alala ako sayo."

"Ikaw naman ni hindi nga ako lumabas ng gate eh. "

"Ganoon ba? May gusto lang akong itanong sayo."

"Ano yun? Huwag masyadong mahirap ah alam mo namang hindi ako masyadong matalino. Hahaha!" Pero wala pa din seryoso pa din siya.

"Ahmmm.. Ano."

"Ano nga?"

"Ahh mamaya na nga ako magtatanong. Magbihis ka aalis tayo." Sabi ni Yohan. Aalis kami?

"Saan naman tayo pupunta?"

"Basta."

"Sige sandali lang." At dali-dali naman akong umakyat pataas para makapagbihis. Ano naman kayang meron? Anong trip nun? Biglang nagyayayang umalis. Di kaya magpoprosose na siya aa akin?😱 baliw talaga ako. Hindi pa man nga kami. Propose agad? Ok assuming na naman ako. 😑

Pagbaba ko nakangiti siya ng malapad. Ang gwapo niya talaga😍

"Tara na?" Then I nodded.

Tahimik lang kami sa buong byahe ng bigla siyang magsalita.

"Ahmmm Chloe?"

"Bakit? May problema ba Yohan?"

"Ahh wala wala! Gusto ko lang sanang magtanong."

Kinakabahan naman ako sa tinatanong niya ngayon ko lang siya nakitang seryosong seryoso.

"May pag-asa ba talaga ako sayo?" Tanong niya halos hindi ko na mabasa ang iniisip niya and it's unusual kadalasan kasi lagi kong nahuhulaan ang nasa isip niya dahil nga lagi ko siyang nakakasama noon.

"Bakit mo naman natanong?"

"Gusto ko lang sanang malaman kung meron ba talaga o wala."

"Yohan..."

"Dahil ba sa kanya?"

"Sinong sa kanya?"

"Sino pa ba?"

"Anong sino pa ba? Si Cedric Hyun ba? Oo sige aamin na ako pagdating natin sa pupuntahan natin delikado nagdadrive ka." Sabi ko at binigyan siya ng pilit na ngiti at ng makita niya yung pilit kong ngiti agad siyang napaiwas ng tingin at parang may kumislap pababa sa mga pisngi niya?

"Umiiyak ka?" Nag-aalala kong tanong.

"Parang ayaw ko atang marinig yung sasabihin mo." Malungkot niyang sabi.

"Ayaw mong marinig? Pero dapat malaman mo na sigurado akong matutuwa ka para sa akin." Pangconvince ko sa kanya pero parang lalo siyang nalungkot? Pero tumango na lang siya at pilit na ngumiti.

Nakokonsensya tuloy ako pero wala namang dapat ikakonsensya eh.

Bigla siyang tumigil sa may tabi ng puno. Tree house ba 'to? Wow ang cute! 😍

"Tara sa loob." Aya niya at nauna siyang umakyat kaya sinundan ko na lang siya. Pagdating sa taas umupo siya pero ako nakatayo pa din.

"Yohan..."

"Ayoko ng marinig ang sasabihin mo." Sabi niya kaya literal na bumuhos ang luha ko na ikinagulat niya. Nakakainis ka Yohan! Sobra na akong naiinis sayo!

"Huwag kang umiyak please." Sabi niya at nag-iwas ng tingin.

"Naaasar ako sayo! Nakakainis ka! Bakit ayaw mong marinig at malaman ang sasabihin ko sayo?"

"Chloe..."

"Masaya ako kapag kasama kita kahit araw-araw kitang nakakasama hindi ako nagsasawa parang nung mga bata pa lamang tayo. Lagi tayong magkasundo sa lahat ng bagay. Aaminin ko nalulungkot ako sa thoughts na pumapasok sa utak ko ang hindi ka makasama o makausap man lang."

"Please huwag mo ng ituloy..."

"Bakit ko ba sinasabi sayo ng lahat ng ito? Kasi konting konti na lang mapapasagot mo na ako eh pero..."

"Siguro konting time pa 90% na ang chance mo na mapasagot ako kasi...

GUSTO KITA!"

I'm With Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon