Kurt's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala na si Althea ay si Zeia. Ang hirap paniwalaan.
Tsk. Kuro-kuro lang yun ni Troy. Idadamay pa kami. Langya, dami kasing nainom kagabi.
Tapos dinamay pa ako sa pagsuntok kay Nathan. Good boy na nga yung tao, dinamay pa. Hehehe.
Flashback at Canteen----
"Troy. Huminahon ka lang. Baka wala syang alam dito." Pag-aawat ni brainy guy. Hahaha. Kilala nyo kung sino? Ay hindi nila kilala. Belat.
Sya lang naman po si Mr. Kieferiano Johno Gibbs. Hahaaha. Jowk lang. Si Kiefer lang po. Hehehe
"Bw*sit. Mapapatay ko sya." Sigaw na naman ni Troy.
Nakakailang mura na sya. Grabe. Kaya yumayaman sila kasi palaging nag sasalita ng bad words. Hahha.
Buti na lang minsanan lang ako magsalita. Sabi kasi sakin ng mommy ko, nakakabawas raw ng Kagwapuhan yung pagsasalita ng bad words.
"Hoy ikaw Kurtinatong. Tulungan mo nga kami dito." Sigaw sakin ni Waynelitong. Hahaha
Ang ganda nung binigay sakin ni Mommy and Daddy na name ko, tapos ginaganun lang nila. Sabay pout ko. Hahaha. Gwapo ko talaga.
"Ayoko nga. Mamaya ako pa masuntok dyan ni Troy." Pag-aangal ko. Alam nyo na mahirap na dude.
"Talagang malilintikan ka. Kasi ako ang susuntok sayo ng fist bomb kaliwa't kanan." Sigaw sakin ni Kiefer. Mga to hindi mabiro.
Lumipat na lang ako ng pwesto. Baka madungisan pagmumukha ko kung katabi ko sila Kiefer at Wayne.
Lumipat ako sa tabi ni Lawrence. Alam ko namang magkavibes kami nito. Hehe.
"Sup, Lawrence." Sabay tapik ko sa balikat nya.
"Utang na loob lumayo ka sakin Kurtinatong. Distance pre. Baka mapatay ako nila Kiefer at Wayne dyan kapag nakitang lumapit ka sakin. Mahal ko pa buhay ko." Pagmamaktol nya. Sus bakla to.
"Hindi yan. At tyaka tatabi lang naman ako sayo no. Baka kasi mapano tong pagmumuk----"
Blagggggg
Lagot dyan. Nandito na pala kami sa canteen. What the fudge!
"Ayun!" Turo ni Troy sa pwesto nila Nathan. Kasama sila Althea at Sofia. Pero tumayo si Althea magrerestroom ata.
"Troy. Tumigil ka na." Pag-aawat na naman nila Wayne at Kiefer kay Troy.
Kami naman ni Lawrnce nasa likod lang nila. Hehehe. Dapat kasi ang mga gwapo supportive lang sa mga basagulero. Hahaha.
Pinagtitinginanal na pala kami ng mga tao dito. Tsk. Sanay na kami. Sa gwapo ba naming ito? Hindi ba sila titingin? Hah?
"Tumulong nga kayo dito. Huwag lang kayong tumunganga dyan." Sigaw na naman ni Kiefer sakin, ay este samin ni Lawrence buti na lang may kasama akong nasisigawan. Hahaha.
Lumapit na kami kila Troy, na malapit ng makarating sa pwesto nila Nathan.
Ang bilis ng pangyayari. Paglapit namin dun ni Lawrence nakahiga na si Tan-tan sa semento.
"Putang*na mo." Pagmumura na naman ni Troy.
"Tsk. Problema mo?" Tanong ni Nathan ng makatayo na sya.
Andami na agad taong nakapaligid samin. Now showing na pala kami. Hahaha.
Si Sofia naman ayun nagulat sa mga pangyayari. Kitang-kita naman sa expression ng mukha nya eh.
"Ikaw gago." Sagot ni Troy. At akmang susuntukin na naman nya si Nathan pero nakailag si Nathan. Wow galing hah. Nakailag. Hahaaha
"Troy. Tama na." Pag-aawat na naman ni Kiefer.
Ayaw kasing magpaawat ni Troy. Antigas ng ulo. Tsk.
"Gago ka rin." Sigaw naman ni Nathan at sinuntok nya si Troy. Ayun napahiga ang loko. Ayaw kasing magpaawat.
Tumayo agad si Troy. At pinunasan yung dugo sa gilid ng labi nya.
"Sabihin mo yung totoo Gago." Sigaw na naman ni Troy.
Langya. Word of the day gago .hahahaha.
Kami naman ni Lawrence na nonood lang. Ayaw kasi namin ng gulo. Hahaha.
Si Kiefer naman at Wayne. Ayun inaawat ang pinakamamahal nilang Troy Reyes.
"Tama na." Biglang sigaw ni Sofia. Pero hindi nila ito pinakinggan.
Sinuntok parin ni Troy si Nathan. Pero ang galing umiwas ni Nathan. Pero at the point. Ayun na sapul ni Troy si Nathan. Napahiga na naman si Nathan. Grabe dumudugo na naman yung labi nya.
And then biglang dumating si Althea.
End of Flashback------
Alam nyo na yung nangyari dun. Medyo mahaba na kasi POV ko. Hahaha. Maiinggit na naman sila Lawrence dito. Hahaha.
Alam ko hindi nyo alam yung reason kung ba't sumugod si Troy kay Nathan. Ganito kasi yun. May narinig raw kasi si Troy na si Althea at Zeia ay iisa, at ang nakakaalam lang raw dito ay si Nathan.
Tsk. Alam nyo namang mahal ni Troy si Zeia or should i say Althea.
BINABASA MO ANG
Moving-on With A Gangster
Teen Fiction"Move-on. Isang salitang madaling sabihin pero mahirap gawin." Meet Cazeia Althea Mendoza. Isang dakilang babae. Magaling sa prangkahan. Pero hindi nakikipag-away. Magaling sya sa Acdemic, Maganda sya, Palakaibigan, at Malambing. She is one of a kin...