Avy's note: Please play Gotta find you by Jonas Brothers.
Countdown sa pag-alis ni Nathan. :)--------------------------------------
Nathan's POV
Akala ko na hindi na papayag si Sofia, sa favor ko. Taena. Ngayon lang naman 'to. At tyaka wala na ako bukas, kaya kahit ngayon lang, ngayong araw na 'to maging masaya ako.
Kahapon ok na sana, kaso biglang sinira ni Troy araw ko. Kami na sana ni Zeia yung magkasama sa Entrance, kaso umepal eh.
Hindi pa ako nagpaalam sa kanya. Pano na ba 'to.
Sofia's POV
Ang hirap iproseso sa utak yung favor ni Nathan. Grabe lakas tama sa pinsan ko.
Flashback
"What?" Nanlaki mata ko sa narinig ko.
"Huwag kang maingay." Tinakpan ng kamay niya yung bunganga kong maganda.
Tinanggal ko naman agad. "Hoy! Ano bang pinagsasabi mo?"
"Sofia, gawin mo na lang yung hiling ko. Pleaseeee." Pagmamakaawa nya ulit.
Tinaasan ko lang sya ng kilay. "Ngayon lang naman 'to. At tyaka last day ko na bukas." Nanlukot yung boses nya sa sinabi nyang last day .
"Anong pinagsasabi mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Tatapusin ko na lang tong Foundation day natin, then aalis na ako."
"San ka pupunta? Alam na ba 'to ni Althea or should i say Zeia?"
"Hindi pa. Yun yung rason kaya ako lumpit sayo Sofia. Tulungan mo akong magpaalam."
"Sa tingin mo sa pamamagitan ng booth namin matutulungan kita." Nagtataka kong tanong.
"Hindi ko alam. Pero yun na lang yung naisip kong paraan. Kung sa booth naman namin, hindi kami nag-uusap dun. Nasa Entrance kami ni Megan, samantalang sya kasama sila Troy."
Nag-init yung ulo ko ng marinig ko yung pangalan na yun. Kahit kailan panira talaga sya ng buhay ng may buhay.
"Don't worry tutulungan kita. " Nakangiti kong sagot.
Kaibigan na ang turing ko kay Nathan, at matagal ko ng napapansin na may gusto sya sa pinsan ko. Bagay naman sila, gwapo si Nathan at maganda naman si Althea/Zeia.
"Talaga?" Gulat nyang tanong. Tumago lang ako. "Salamat Sofia."
"No problem. Basta treat mo ako bukas hah."
"Yep! Ikaw pa."
"Sige na mauna na ako." Papaalis na sana ako nang mag salita ulit sya.
"Sofia, hindi mo lang alam malaking tulong 'to para sakin."
End of Flashbask
Ayoko namang maging unfair kay Nathan at Althea/Zeia, kaya ako pumayag.
Naplano ko na naman lahat, tinulungan ako ni Sasha kung pano kumbinsihin si Althea.
"Hey cousin. Musta booth nyo?"
Ay palakang nahulog sa tubig na bumagsak sa langit. Bwaaaaaahhhh! Nakakagulat naman kasi ey.
"Nakakagulat ka." Reklamo ko.
"Pasensya na." Natatawang sagot nya. Napatingin ako sa suot nya, hindi sya naka horror costume.
"Ba't hindi ka nakacostume?" Tanong ko.
"Kahapon kami yung nasa loob, ngayon kami naman yung magbabantay sa labas, kaso tumakas ako. Hinahanap ko nga sila Tan-tan eh."
So ito na ang umpisa ng plano.:)
"Ahh." Ganda nya ngayon. Nakawhite t-shirt sya na v-cut sa my leeg tyaka naka pantalon sya yung feet sa kanya.
"Oo. Tara kain tayo." Sasagot na sana ako sa alok nya nang biglang nag vibrate yung phone ko.
"Wait lang ah." Pagpapaalam ko. Lumayo ako kaunti sa kanya.
1 unread message.
Binuksan ko yung text. From: Nathan
Sofia kasama ko ngayon sila Rein and Megan. Sinabi ko na sa kanila tungkol sa wedding booth at sa pag-alis ko. Nandito na kami ngayon sa booth nyo. Asan ka na? Asan na si Zeia?Lagot! Nandun na sila. Pano ko ba 'to kukumbinsihin. Ah yung paalala ni Sasha "kailangan mo munang aliwin."
Hindi ko na muna nireplyan si Nathan, kundi lumapit na ako agad kay Althea/Zeia.
"Sino yun?" Bungad nya agad sakin.
"Wala. Tara may pupuntahan tayo." Yaya ko.
Tatanggi sana sya, kaso pumayag rin. Hahaha.
"San tayo pupunta?" Tanong nya.
"Basta." Matipid kong sagot.
Naglakad kami papunta sa likod ng katabi naming booth.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong nya na naman.
"Huwag ka ng tanong ng tanong. Dito ka lang hah." Pagpapaalala ko. Wala syang ginawa kundi tumunganga.
Agad naman akong tumakbo sa booth namin.
"Asan na sya?" Bungad agad sakin ni Nathan.
"Wait lang. Malapit na ang bride mo natrapik lang." Natatawa kong sagot.
Nilagpasan ko muna sya, kinuha ko yung bulaklak at tyaka yung flowers na hugis bilog, na maiilagay sa ulo nya. Yun kasi yung ginamit namin sa booth namin, imbes na yung kulay puti, ito na lang daw para mas maganda.
Pagkakuha ko sa mga gamit, agad akong bumalik kay Althea/Zeia kasama mo si Sasha. Hindi ko muna pinansin sila Nathan dun, basta sinabi ko lang sa kanila na maghanda na sila.
Itinago ko muna yung mga gamit sa likod ko. Pinauna ko na si Sasha. Tatakpak nya pa kasi ng panyo yung mata ni Althea/Zeia.
Nagulat sya sa ginawa ni Sasha, pero wala naman syang nagawa.
Nang matakpan na ni Sasha yung mata nya, dun na ako lumapit para ayusan sya.
"Sofia!" Sigaw nya.
"Cousin, don't worry matutuwa ka dito." Natatawa kong sagot.
"Ano ba tong ginagawa nyo sakin?"
"Wala. Basta makikita mo mamaya." Sabay naming sagot ni Sasha.
Hindi na sya nagsalita ulit. Inayos ko yung buhok nya, yung one line lang yung tali nya. Tapos inilagay ko yung flowers na hugis bilog sa ulo nya. Pinagmasdan namin sya ni Sasha, napanganga kami sa itsura nya, ang ganda nya para syang Anghel na bumaba sa langit.
"Tara na!" Excited na sabi ni Sasha. Pati rin naman ako. Hihihihi.
Inalalayan namin si Althea/Zeia sa booth namin, ipinuwesto namin sya sa pwesto ng bride.
"Cousin babalik ako mamaya. Hawakan mo na 'to oh." Ibinigay ko sa kanya yung bulaklak nya. Kinikilig pa ako ey.
"Ano 'to?" Tanong nya. Ay nakatakip pala mata nya. Hahaha.
"Basta. Sige dyan ka lang. Babalik ako." Pagpapaalam ko.
Dumeretso agad ako sa harap kung saan nandun na yung pretending to be a Priest at si Groom. Hahaha. Infairness pinaghandaan ni Nathan. Ampogi nya ey. Nakapans sya, tapos na ka shirt ng 3-4.
"Hoy pwesto ka na." Sigaw ko sa kanya.
Nakangiti syang tumango. Sign na masaya sya.
Bumalik ako agad kay Althea/Zeia. "Ready ka na?" Tanong ko.
"FYI. Sakit na mata ko." Pagmamaktol nya.
Tumawa na lang ako, at tinanggal ko yung panyo sa mata nya. Ilang segundo rin syang nakayuko. Pag-angat ng ulo nya, nagulat sya sa nakita nya.
May namumuong luha na sa mga mata nya. Mas lalong nagulat sya ng makita nya kung sino yung nasa harapan nya.
BINABASA MO ANG
Moving-on With A Gangster
Novela Juvenil"Move-on. Isang salitang madaling sabihin pero mahirap gawin." Meet Cazeia Althea Mendoza. Isang dakilang babae. Magaling sa prangkahan. Pero hindi nakikipag-away. Magaling sya sa Acdemic, Maganda sya, Palakaibigan, at Malambing. She is one of a kin...