Althea's POV
Medyo OK na rin yung pakiramdam ko ngayon. Kinomfort kasi ako ni Tan-tan.
Hindi sya umalis kahapon sa tabi ko, hangga't hindi ako naging OK. Hindi pa alam nila mom and dad yung nangyari sakin sa kadahilanan na nasa Tagaytay sila ngayon. Si kuya naman hindi pa rin nya alam. Dahil hindi sya umuwi kagabi dito. Natulog raw sya sa condo unit nya sabi ni Yaya Linda.
Hindi na nga rin pumasok si Tan-tan kahapon ng hapon eh. Binantayan nya ako maghapon. Ang sweet nya nga. He didn't change.
"Zeia andyan na si Tan-tan." Sigaw ni Yaya Linda.
Actually kinuwento ko na kay Yaya Linda na si Tan-tan yung kaibigan ko dati. Kilala na nya naman si Tan-tan eh. Matagal na rin sa Yaya Linda na nag tratrabaho dito samin.
Agad akong bumaba. Potek nga eh. Muntik na akong mahulog sa hagdan.
"Sige po Yaya alis na ako." Sigaw ko at agad akong tumungo sa may pintuan. Akmang bubuksan ko na sana ito ng biglang magsalita si Yaya Linda.
"Kumain ka muna. Ikaw bata kang talaga." -Yaya Linda.
"Busog pa po ako." Pag dadahilan ko. Langya gutom pa naman ako. Hindi ako nag dinner kagabi eh.
Narinig ko pa yung pagbuntung hininga ni Yaya Linda. Hehehe. Ngayon lang naman to. At tyaka mahal ako ni Yaya Linda.
Ihahatid sana ako ng driver namin, pero sinabi kong hindi. May sundo na naman ako.
"Good morning Zeia." Bati nya sakin. Wooh OMO.
May artista ba sa harapan ko? Gosh. Ang gwapo nya.
"Ahmm Go-good morning too Tan-tan." Bati ko naman. Tsk nauutal ako. Hahaha
"Halika na nga. Baka malate pa tayo. Mag meeting pa tayo for our booth next week." Pagpapaalala nya sakin.
Oh no. I forgetten about that.
"Ahh oo pala. Muntik ko ng makalimutan. Tara na." Sagot ko naman. Honest ako. Hehehe.
Obviously. Gentleman move na naman. Pinagbuksan nya ako. Then inilagay pa yung seat belt ko. Hihihi.
Marami rin kaming napag-usapan ni Tan-tan. Tungkol sa isusuggest namin mamaya para sa booth namin.
Nothing less, nothing more.
Pagkarating namin sa EHA, ginawa nya na naman yung routine nya.
Pagkadating namin sa class room. Ayun nagbubulungan na naman sila. Tsk. Mga bruha.
"Look whose here." Mataray na sabi ni Rhia.
"Talunan." Dugtong naman ni Sabrina.
Hindi ko na lang sila pinansin.
"Hayaan mo na lang sila." Nakangiting sabi ni Tan-tan. Buti na lang nandito sya sa tabi ko ngayon.
Dumeretso na kami sa likod, andun na kasi sila Megan at si
Rein. Hayy buti na lang wala pa Yung mga limang ugok na yun.Tahimik lang kaming umupo.
"Ok ka na Sister?" Bungad na tanong sakin ni Rein.
"Im fine. Don't worry." Nakangiti kong sagot.
"Ayos ka lang talaga?" Sabay na tanong ni Megan at Rein.
Nagkatinginan pa sila. Hahaha. Ang cute nila tignan.
"Yes. Im su--"
Blaggg
Napahinto ako sa pagsasalita dahil may biglang pumasok sa room namin. Obviously alam nyo na kung sino.
Napatingin ako sa kanila, and expect it. Nakatingin sakin si Troy. So what now?
Ano ba tong nararamdaman ko. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Wala lang to. Wala talaga ito.
Matagal rin kaming nagkatinginan ni Troy. Pero umiwas rin ako. Nakakailang nga eh.
Umupo na sila sa upuan nila. Si Megan naman umupo na sa upuan nya.
Eksakto namang dumating si Sir.
Wala kaming pinag-usapan kundi about sa booth lang para sa contribute namin for foundation day.
"Zeia, ok ka ba sa booth natin?" Tanong sakin ni Tan-tan.
Actually tapos na yung class namin. Papunta na nga kami sa canteen for break eh.
"Ok naman yung sinuggest nila." Malamya kong sagot.
Tsk. Gutom na kasi ako. Hindi kaya ako nag break fast.
"Ok kaya yung booth natin. Isang horror booth." Natatawang sabi ni Rein.
Opo. Horror booth yung plano nila. Katatapos nga ng Halloween eh. May hang over ata sila. Hahaha.
Nang makarating na kami sa Canteen. Dumertso kami agad sa may malapit sa Pintuan na Table.
Nakakailang nga eh. Andaming tao yung nakatingin samin. Tsk. Sikat na ata ako.
Hanggang dito sa table namin. Tanaw mo yung table nila Troy, na apparantly nakatingin na naman sakin. Matutunaw na ata ako sa titig nya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling ko yung tingin ko sa pagkain ko. Nakaorder na kasi sila Megan at Rein.
Kain lang ako ng kain. Gutom ako eh.
"Kumain ka ba ng break fast kanina Zeia?" Natatawang tanong ni Tan-tan.
Ngumiti lang ako. Pinagtawanan tuloy ako nila Megan at Rein. Buti na lang hindi namin kasama ngayon yung Pinsan kong magaling. Hahaha. May meeting raw kasi sila about sa booth rin nila.
Habang nasasarapan na akong kumain may biglang dumating.
"Althea pumunta ka raw sa Library at hanapin mo raw yung librong ito. " may binigay sya sakin na isang pirasong papel.
Napa nganga ako sa sinabi nung lalake. Bigla kasi syang umalis.
Tsk. Ba't ako pa? Sayang pa naman tong pagkain.
"Samahan na kita." Alok sakin ni Tan-tan.
Umiling lang ako.
"Pakipot." Nakangiting sabi ni Rein.
Akala nya ata hindi ko narinig hah.
"May sinasabi ka?" Tanong ko.
"Wala. Di ba Megan wala?" Pagdadahilan nya pa. Dinamay pa talaga si Megan. Hahaha.
"Malay ko sayo." Sagot naman ni Megan. Busy rin pala sya sa pagkain. Hahaha.
"Alis na nga ako. Hintayin nyo na lang ako sa next subject natin." Pagpapaalam ko.
Nag thumbs up pa sila. Hahaha.
Dumeretso na agad ako sa Library. Habang naglalakad ako papuntang pintuan ng library, may naramdaman akong sumusunod sakin.
May stalker ata ako. Lah. Huwag naman. Pumasok na ako agad sa Library.
Dumeretso na agad ako sa mga row ng books.
Nang biglang....
BINABASA MO ANG
Moving-on With A Gangster
Teen Fiction"Move-on. Isang salitang madaling sabihin pero mahirap gawin." Meet Cazeia Althea Mendoza. Isang dakilang babae. Magaling sa prangkahan. Pero hindi nakikipag-away. Magaling sya sa Acdemic, Maganda sya, Palakaibigan, at Malambing. She is one of a kin...