Chapter 20: Preparing

27 1 0
                                    

Sofia's POV

Nganga rin yung mga kaklase kong engot eh. Akalain nyo yung booth raw namin is Wedding booth.

Hays. Bitter na nga mga tao ngayon, tapos ganun pa yung iniisip nila. Tsk.

Haggard na naman beauty ko today. Pano kasi bukas na yung Foundation day.

Pauso kasi mga School ngayon eh. May nalalaman pang ganyan. Buti sana kung iuunlad ng pilipinas, hindi naman. Hayyy.

Masundo na nga yung pinsan kong magaling. Hahaha. Kahapon si Tan-tan yung sumundo sa kanya. Tapos ngayon ayaw nyang magpasundo sa tao, actually tao rin naman po ako. Hahaha.

Naiilang daw sa kanya. Drama lang eh.

"Kuya tara na po. Susunduin pa po natin si Althea." Utos ko sa driver ko.

"Sige adyan na Sofia." Sagot naman nya.

Actually Sofia lang tawag nila sakin dito sa bahay, kasi hindi ko gustong tinatawag akong Ma'am/ madam/ senyorita/ or else. Nakakaewan kaya tawagin kang ganun. Bawas respeto sa mga tao yun. :)

"Kuya ipark mo na lang sa labas ng bahay nila." Sabi ko ng makita kong malapit na kami sa bahay nila.

"Ok." Sagot naman ni Kuya.

Ipinark na ni Kuya yung service ko sa Labas  ng bahay nila Althea.

"Kuya hintayin mo na lang ako dito hah." Pagpapaalam ko. Tumango naman sya.

Nagdoor bell muna ako at saktong si Althea yung bumukas. Himala aga nya ngayon hah. Hahahaha

"Tara na." Mabilis nyang hinila yung damit ko. Grabe sya hah.

"Wait ba't ka ba nagmamadali?" Tanong ko sa kanya ng makapasok na kami sa kotse.

"Kuya tara na po." Utos nya kay Kuya na driver ko. Wow hah, sya pa talaga yung nag-utos. Last check ko service ko to hah.

"Hoy ano bang problema mo?" Sigaw ko sa kanya.

"Wala. Gusto ko lang maaga tayong pumasok." Nakangiti nyang sabi.

Tsk. Ewan ko sa kanya. Hindi ko na lang sya pinansin hanggang sa makarating kami sa EHA.

"Thanks cousin. Mamaya ulit hah sabay tayong uuwi." Sasagot pa sana ako kaso bigla syang tumakbo.

Ewww! Ano ba naman nyan malalate akong uuwi mamaya eh. Tapos maglilinis pa ako mamaya sa pwesto namin sa field.

"Oh my goshhhh!" Napasigaw na lang ako sa inis. Mapapagod ako ngayon. Tapos bukas magbabantay pa kami sa booth namin.

Kung pwedeng ako na lang si Superman.

Troy's POV ( point of view )

"Bro adyan na sya." Sigaw ni Lawrence.

Napatingin ako sa paparating. Sya nga. :)

"Lapitan mo na bro." Pagkukulit pa ni Kurt.

"Tumigil nga kayong dalawa." Suway naman ni Wayne sa kanila.

Natatawa lang ako eh. Kapag si Wayne yung nagsalita. Natatameme sila, parang mga batang napagalitan. Hahaha.

"Good morning." Bati ko sa kanya ng makalapit na sya sa pwesto namin.

"Tabi nga." Pagtataray nya.

"Boooom." Kantyaw nila Kurt sakin. Langya napahiya na naman ako.

Tumabi na lang ako. Baka magsuper sayan pa ito. Delikado. Hahahaha. Jowk lang.

"Bro ba't palaging kumukulo yung dugo ni Althea sayo?" Tanong na naman ni Kurt. Loko to ah. Hindi naman palagi ah.

"Malay ko." Padabog akong pumasok sa class room namin. Bad trip. Tsk.

Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko, napatingin ako sa kanya. She's beautiful. Ang ganda nya. Ang amo ng mukha nya.

Naalala ko naman yung nangyari kahapon sa Libary.

Hinalikan ko sya. Sa hindi malamang dahilan. Basta ang alam ko sa panahon na yun nahulog na ako sa kanya.

Humiwalay ako sa paghalik ko sa kanya. Kitang kita ko sa mukaha nya ang pagkagulat.

Shit what im doing. Gago.

Napamura na lang ako sa sarili ko.

"Im sorry." Nakayuko kong sabi.

Pero walang taong sumagot. Inaangat ko ang ulo ko at nakita ko syang nakahawak sa labi nya at nakatingin sa akin ng diretso.

Nang akmang lalapit ako sa kanya, tumakbo na sya palayo sakin.

The end...

Masyadong bitin yung nangyari. Hahahaha.

Ay wala si Nathan. Yo! Solo ko sya ngayon.:)

"Class proceed to the field. Mag-aayos tayo for our booth." Announce ni Sir.

Nagsilabasan na lahat nang hayop. Ahh este tao. Hahahaha.

Syempre nag paiwan ako sa labas ng roon namin. Pinauna ko na sila Wayne dun. Hinihintay ko kasing lumabas si Althea.

Nang lumabas na sya agad ko syang inakbayan. Yun oh. Pogi points.

"Hey." Bati ko sa kanya.

Napatingin lang sya sa kamay kong nakaakbay sa balikat nya. Parang pinapatanggal nya.

"Hayaan mo na. Solo kita ngayon, wala si Nathan at tyaka pinauna mo na sila Rein at Megan." Nakangiti kong sabi.

Napa 'hay' na lang sya. Ayun oh. Pumayag. Hahahaha.

Nakaakbay lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa field at dumiretso kami sa pwesto namin.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pake ba nila. Inggit lang eh. Lalo na nung mga taong chismosa. F*ck them.

"Bro. Nice one."  -Kiefer

"Ayun naka score."  -Lawrence.

"Kaya pala nag paiwan."  -Wayne.

"Ano yan? Selos ako." Napatingin kami sa huling nagsalita. What the f*ck. Tinignan ko lang sya ng masama. Gago talaga tong Kurt na to eh.

"Jowk lang. Mga to di mabiro." Natatawang sabi nya. Good.

"Pakitanggal na. Pwede?" Naiinis nyang sabi.

Tinanggal ko naman agad. Baka maturn off.

Umalis na sya agad. Pumunta na kila Rein. Habang nag-aayos kami ng booth, hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya.

All along akala ko hindi na kita mahahanap. And now im f*cking inlove to you Althea.

Moving-on With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon