Chapter 9: Meet my Cousin

20 0 0
                                    


Nagulat si Rhia sa pagdating ni Sofia. Pati rin ako nagulat. May pagkawar freak pala minsan tong pinsan ko. Hahaha

"Get off me." Pagpupumiglas nya pa.

"Eh kung ayaw ko." Nakangisi nyang sabi.

"Bitawan mo ako."

"Magsorry ka muna."

"Ayoko. Kaya bitawan mo ako." Pagpupumiglas nya pa. Malakas pala tong pinsan ko.

Kung warfreak lang sana ako katulad nya. Malamang pinatulan ko na sya. Kaso hindi ako pumapatol sa mga taong walang magawa sa mga buhay nila. Pero magaling rin naman akong makipagprangkahan.

"Edi hindi kita bibitawan. Ganun lang kasimple yun." Nakangisi nyang sabi. Minsan talaga baliw rin sya.

"Bitawan mo na sya." Sabi ko kay Sofia.

Naaawa na kasi ako eh. Masyado ng Madaming nangyari sa araw nya ngayon. Hahaha

"Sabi mo eh." Nakangiting sagot nya. May binabalak na naman ito.

Binitawan nya si Rhia, at tyaka tinulak. Napaupo sya sa Sahig. Nagula silang lahat sa ginawa nya, pati na rin ako.

"What did i miss?" Tanong ni Rein. Tumingin sya sa pwesto ni Rhia at napaoh sya sa nakita nya.

"Sorry." Natatawang sabi ni Sofia.

Tumayo agad si Rhia. At padabog na umalis. Sinundan naman sya agad nila Sabrina at ng alipores nila.

Tumingin sakin si Sofia na nakangiti. Proud pa sya sa ginawa nya hah.

"What was that for?" Tanong ko sa kanya.

"Im just helping you, my dearest cousin." Nakangiti nyang sagot.

"What?" Gulat na tanong ni Rein at Megan. Oo nga pala hindi ko pa binanggit si Sofia sa kanila.

"Guys, pinsan ko." Sagot ko. Parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"Im Sofia Park." Introduce ni sofia sa sarili nya.

"Im Megan Alonzo." Introduce rin ni megan. Sabay shake hands.

"Im also Megan ah este Rein Estrada." Nakangiting sabi ni Rein. Sabay shake hands rin.

"Oh tara kain na tayo." Yaya ko. Gutom na kasi ako.

Habang kumakain kami. Nagkwekwentuhan sila. Pero ako kumakain lang. Gutom talaga ako grabe.

"Alam nyo hindi lumalaban si Althea sa mga taong nananakit sa kanya, pero ang galing nyang maki pag prangkahan." Pagkwekwento nya. Talagang nadamay pa ako hah.

"Guys excuse lang ah." Pagpapaalam ko. May call of nature kasi ako. Alam nyo na naiihi.

"Yan kasi ang takaw mo." Pagsesermon pa sakin ni Sofia.

Hindi ko na lang sya pinansin. Dumeretso ako agad sa rest room. Naiihi na talaga ako.

Agad akong pumasok sa isang cubicle. At parang nabunutan ako ng tinik. Nang makaihi na ako.

Nagwash muna ako ng hand ko. At nag-ayos ako sandali. Paglabas ko ---

Blaggggg

"Aray!" Sigaw ko.

"Tsk. Kasalanan mo yan di mo tinitignan dinadaanan mo." Inis na sabi nya.

"Heh! Panget." Sigaw ko at tumakbo ako paalis sa bw*sit na lugar na yun at sa bw*sit na Troy na yun.

Nakakainis, kanina close kami. Tapos ngayon hindi na. Grabe sya may red days ata.

"Hi althea."

Moving-on With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon