Chapter 25: STUCK

9 0 0
                                    

Althea's Pov

Bago pa man ang pretending wedding namin ni Nathan, alam ko ng aalis sya. Sinabi sakin ni Neill yung kapatid nya.

Nakachat ko sya kahapon, and she told me about sa pag-alis nila. Pero hindi ko inaasahang sa paraang ganun magpapaalam si Nathan.

Aaminin ko kinilig ako, na may halong lungkot at hiya.

Crush ko si Nathan, pero hanggang dun lang yun. Hanggang crush lang, kasi parang may kulang kay Nathan, pero almost perfect naman sya. Di ko alam e, kung ano yung hinahanap ko pa sa kanya e nasa kanya na naman lahat?

Beep-beep-beep

1 sms

Kanino naman galing 'to? Kinuha ko agad yung phone ko, at binuksan yung text.

From: Unknown number

Unknown? Kanino namang number 'to? Siguro si Neill 'to, baka napaaga yung flight nila, e baka naman hindi kasi sabi ni Nathan 4:00 pm raw flight nila. Tsk. Mabuksan nga.

[Althea Mendoza, meet me at Reyes's Hotel and Restaurant. Ngayon na.]

What the? Inuutusan ako? Sino ba 'to? At bakit sa Reyes's Hotel and Restaurant pa? E kila Troy yun. Argghhh.

To unknown number: [Sino 'to?]

Masyado akong tanga kung pupunta na lang ako dun.

From unknown number:  [Althea, it's me! Ate beatrix. I need to talk to you because i miss you. Please don't ever tell this to your kuya.]

Wooh! Si ate beatrix? I miss her very much. Gusto ko na syang makita at makausap tungkol sa pag-alis nya na hindi nag paalam kay kuya.

Siguro naguguluhan kayo? Si ate beatrix po Gf dati ni Kuya clark, kaso biglang umalis si Ate beatrix, hindi namin alam kung bakit at saan. Sa madaling salita wala silang permanent na break-up pero bigla na lang pinakilala ni Kuya Clark si Ate Jian samin na Gf nya na bestfriend ni Ate beatrix.

Madaming conflict, di ba? Yan kasaklap yang story ng Kuya ko kaya masyado syang over protective sakin about sa pagboboyfriend.

Masyado nang madami ang nakwento ko. Hahaha. Makaalis na nga baka naghihintay na sakin si Ate Beatrix.

Pagbaba ko sa sala, nakita ako ni Kuya. Lagot baka di nya ako payagan.

"San ka pupunta?" Seryoso nyang tanong.

"Ahmmm."

"Saan nga?"

"Magkikita kami ni Ate beatrix." Ay lagot.

"Hah?" Gulat nyang tanong. Oh gesh! Tong bunganga ko kasi.

"Wala kuya. Sabi ko pupunta ako sa bahay nila Rein. Oo sa bahay nila Rein." Pagpapalusot ko.

"Ah. Sige bilisan mo." Paalala nya at umakyat na sa taas. Ayun naniwala.

Agad akong lumabas sa bahay at binigyan ko ng signal si Kuya Driver na may pupuntahan kami, at agad nya naman akong pinagdrive sa meeting place namin ni Ate beatrix, malapit lang naman sa village namin yung Reyes's Hotel And Restaurant e, 30 minutes na byahe lang.

Pagkarating ko sa Reyes's Hotel and Restaurant, agad akong pumasok dun, napanganga nga ako e. Anlaki kasi nito, anyaman talaga nila Troy. Correction guys hah, hindi ako maghohotel, hahaha.

Dumeretso na ako sa resto nang hotel na 'to,na kung saan nakapwesto sa may second floor nang building. Medyo madaming tao, kaya di ko mahagilap si Ate beatrix, asan na ba sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moving-on With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon