CHAPTER 3

175 10 0
                                    

ERIS' POV:

Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa pinto ng office niya. I don't know if I will knock or aalis na lang ba.

Bigla akong napaisip sa maaring mangyari sa loob. Ano kayang sasabihin ko sa kanila? Ano kayang sasabihin nila sakin?

Napabuntong hininga nanaman ako tapos inayos yung salamin ko. Kumatok na ako bago pa magbago yung isipan ko.

Nakarinig ako na parang nagkagulo sa loob kaya pumasok na lang ako agad which is pagpasok ko, tinignan agad nila ako.

I saw Chanelle holding a crumpled paper na parang ibabato na nito sa kausap niya and the guy with her--- which is the president--- is crossing his arms in front of his face na parang hinaharangan yung pagbato niya.

How sweet.

Napabulong na lang ako sa sarili ko.

"Oh, I think I disturbed the both of you. Nahiya naman ako sa father-daughter bonding niyo eh."

Isasarado ko na sana yung pinto but Chanelle stopped me.

"Wait sis! Jelly naman to. Hahaha! Don't be. Hali ka na nga." Lumapit siya sakin tapos hinila pa ako habang tatawa tawa pa.

Napairap na lang ako sa kanya. Nakakainis talaga ang babaeng to kahit kailan. I don't even know kung kanino to nagmana.

Napatingin naman ako sa president and owner of this school na ngayon ay nakasandal na sa swivel chair niya habang nakangiti. Alam ko na ata san nagmana si Chanelle.

"Aren't you going to hug your daddy, princess?" He said while nakabukas yung dalawang arms niya.

Tinignan ko lang siya with my super bored look habang naka cross arms pa. Na gets niya naman ata na ayaw kong patulan yang mga inside jokes niya kaya nagclear throats na lang siya sabay tayo.

Lumapit naman siya sakin at seryosong ngumiti sakin.

"Welcome to the university Miss Perez. Alam ko namang di mo matitiis ang offer ko sayo, diba?"

"Alam mo naman kung ano talaga ang pinunta ko sa university na ito Mr. Fuksheet."

I saw pain cross on his face but winala niya agad yun with his serious look.

"Talaga bang sinusundan mo ang yapak ng ina mo Eris?"

"Well, I love what I'm doing Mr. Fuksheet."

"But you're too young for that! Kung sana ginaya mo na lang din ang kapatid mo at di na sumunod sa yapak niya. And can you please call me dad just for this moment?"

Tinignan ko lang siya sa mata gamit ang seryoso kong mga mata habang siya naman ay nakahawak na sa magkabila kong braso. Tinignan ko din naman si Chanelle na ngayon ay nakayuko na.

"Hindi sumunod ah?" I smirked bago ko binalik ang tingin sa kanya, "I am not young anymore dad. Bakit, di mo din ba gawaing pumatay ng tao?"

Napatigil siya sa mga sinabi ko at binitawan niya na ang pagkakahawak sakin. Bumalik siya sa pagkakaupo niya sa swivel chair niya habang nakahawak sa ulo niya.

"Is this all about to the parents of that guy again Eris?"

Nakapikit pa ang mga mata niya habang sinasabi sa akin yun na para bang nawawalan na siya ng pag asang ipaintindi sa akin yun.

Hindi ako umimik sa tanong niya kaya napadilat siya ng mata sabay tingin sakin.

"You don't understand this Eris. We are not the one who killed them."

ERIS: The Gangster Nerd [S L O W U P D A T E] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon