Chapter#4 Ang Dahilan

43 7 0
                                    

Dahil...

Huminto siya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nanatili namang matigas ang katawan ko dahil sobrang nakakatakot.

Dahil... ikaw ay espesyal... imortal... ikaw lamang ang nakarinig sa aking tinig... ikaw lang...

"A-ako? Bakit naman ako lang?"

Hindi bukas ang puso nila sa mga nasa paligid nila... ikaw ay bukas... imortal... ang lakas mo ay nakabukas ngunit hindi mo kayang gamitin... ikaw lang ang may bukas na puso ang pumunta rito...

"G-ganon ba. Ako nga pala si... Lyra." Tama ba na magpakilala ako sa kaniya? Hayyy. Hayaan mo na nga!! "Hindi Kasi ako sanay na ganun ang... alam mo na. Yung tanong ko nga pala kanina."

Imortal... hindi mo alam ang dahilan... hindi ako ang dapat na magsabi sa iyo...

"Kung gayon sino?"

Ang mga mahal mong magulang... imortal... Lyra...

"Hindi ko alam kung paano ako makakalabas dito..." Napayuko ako sa sinabi ko sa kaniya. Kung alam man niya ang daan, hindi rin kami makakalabas sa laki niyang yan.

Pumikit ka... Lyra... pikit...

Pumikit ako kagaya ng instruction niya. Hindi ko alam ang mangyayari pero siguro naman maganda diba?

Naramdaman ko agad ang malamig na hangin... malamig na hangin?! Dumilat ako bigla at nakita ang labas ng kweba. Nakalabas na ako!!!

"Uugh!" Bigla ko ring naramdaman yung mga sugat ko, nakalimutan kong may ganito ako.

Tulungan mo ako... Lyra... kaibigan...

"P-paano? Hindi ka pwedeng makita ng mga magulang ko. Lalo na yung ganitong itsura ko!! Ang dumi ko at naliligo ako sa dugo."

Lumapit ka... Lyra... lumapit ka...

Sinunod ko siya. Lumapit ako sa kaniya at bigla niyang idinikit ang noo niya sa noo ko. Kitang kita ko na ang mga mata niya. Magagandang kulay pulang mga mata.

Pumikit ka... Lyra... pikit...

Kagaya ng sinabi niya, pumikit ako. Nakaramdam ako ng kung ano sa katawan ko nung ginawa ko yun. Parang nawala ang sakit ng katawan ko. Hindi ko maintindihan pero nakakarelax lang. Nung nawala na ang kaaibang naramdaman ko idinilat ko na ang mga mata ko. Bumungad agad sa akin ang dragon. P-parang nanghihina siya. A-at wala na akong sugat. Ano bang ginawa niya?

"A-anong ginawa m-mo? Ayos ka lang ba?" Hinimas ko ang leeg niya na parang alaga ko siya. Hindi ko akalaing magiging malapit ako sa kaniya at mawawala agad ang takot ko sa kaniya.

Wala naman... ang pagpapagaling sa iyong mga sugat ay maliit na bagay lamang...

Nakaka-touch naman ang mga sinabi niya.

Mahabang panahon na akong narito at naghihintay...

"Bakit ka nandito?"

Hindi ko rin alam... ngayon ko lang nakita ang mundo... at iyon ay dahil sa iyo...

"Kawawa ka naman. Pati ba mga magulang mo ay hindi mo nakita?"

Ilan daang taon na mula ng mabuo ang aking pag-iisip. Wala akong alam kung bakit wala na ang aking mga kalahi. Natuto akong mag-salita subalit walang nakaririnig.

"May pangalan ka ba?"

Hindi ko alam... hindi ko alam...

"Ayos lang ba sa iyo kung bigyan kita ng pangalan?"

Dragons Den-The Past Awakens-HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon