Chapter#3 Ang Tulong

47 5 0
                                    

"S-sige ano ang dapat kong gawin?"

Iwasan ang lahat ng palaso... imortal... o kaya ay gamitin ang natatagong lakas...

"Anong ibig mong sabihin? Natatagong lakas?!" Hindi ko siya maintindihan. Ano bang pinagsasabi ng boses na to!!! Mamamatay na nga ako dito!!! Oh God!!!

Isang dugong imortal... mahika ay palabasin... upang ikay maligtas...

"M-mahika ay palabasin??? Hindi kita gets este hindi ko maintindihan." Napakamot nalang ako ng ulo sa mga sinabi niya, baliw na nga ata ako!!!!

Intindihin mo... imortal... intindihin mo...

Nag-isip ako ng nag-isip. Utak gumana ka!!! What?! What?! Magic?! Oh gosh, baliw na ako!!! Paano ako mag-kakamagic kung hindi yun totoo?!

Hindi ko nalang namalayan na naglalakad pala ako habang nag-iisip, Oh My God!!!!

Biglang nasiliparan ang mga palaso papalapit sa akin. Ano na ang gagawin ko?! Mamamatay na ba talaga ako dito?

Isang dugong imortal... mahika ay palabasin... upang ikay maligtas...

Naalala ko bigla ang pinagsasasabi ng boses kanina, parang huminto bigla ang oras ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko!!!

"Aray!!!" Natamaan ako ng isang palaso, naku ang dami nila. Palapit na sa akin. Hindi ko kayang iwasan to lahat!!!

Iwas dito, iwas dun ang ginawa ko, ang dami ko na ngang sugat. Buti nalang mas marami pa rin ang naiwasan ko, pero mukhang di na kakayanin ng mga binti kong gumalaw, hindi ko na kaya ito!!!

Bigla nalang akong natumba sa kinatatayuan ko, alam kong katapusan ko na, daan-daang palaso ang tatama sa kawawa kong katawan maya-maya lang.

"Goodbye mom and dad, I love you so much... sorry kung dito na ako mamamatay..." Sambit ko habang umiiyak, dapat hindi ko na sinundan ang boses na yun, dapat hindi na ako nakinig sa instinc ko!!!!

Intindihin mo... imortal... intindihin mo...

Pumasok nanaman sa utak ko ang sinabi ng boses, isang dipa nalang patay na ako kaya paano ko pa to maiiwasan?

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napakalakas ng tibok ng puso ko, ayaw ko pang mamatay, marami pa akong gagawin!!!

Ngayon kalahating dipa nalang!!!!

Bigla akong napa-angat ng kamay at iniharang sa mga palaso, hindi ko na alam!!! Bahala na si Batman!!!!!

5

4

3

2

1

Pagbibilang ko sa utak ko habang nakaharang parin ang mga kamay ko sa mga palaso... paalam na...

B-bakit wala pa? Dumilat nalang ako at laking gulat ko nang makita ko ang mga palaso na nakabagsak sa sahig at... sira-sira?! Paano nangyari yun? Baka naman may panibagong patibong na mas malala pa dito?! Naku naman oh!!!

Magaling... imortal... nagawa mo...

N-n-nagawa k-ko ang a-ano? Teka... wag mong sabihin na may magic ako? Paano mangyayari yun?! Panaginip lang siguro 'to at kailangan ko lang gumising para tumigil na!!

Kinurot ko ang pisngi ko at...

"Ouch!! Totoo nga!!!" Ang dami ko nang sugat, hindi na ako mabubuhay!!!! Mamamatay na ako ngayon!!!

Dragons Den-The Past Awakens-HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon