Chapter#8 Mga Misteryosong Bisita

59 3 0
                                    

"Gising na anak, nandito na tayo." Pinilit kong idilat ang mata ko sa narinig at umupo ng maayos. Nasa bahay na nga kami... pumunta agad ako sa kariton at inalis ang telang nakabalot dito.

"Cave, nandito na tayo. Ito ang bahay namin." Nakangiti kong sabi kay Cave, tumayo na siya at kitang kita ko na ngayon ang malaki niyang katawan. Ang sabi ni dad maliit palang daw si Cave lalaki pa daw siya.

Magandang tahanan Lyra...

Lumakad siya ng kaunti na tila ba pinagmamasdan ang paligid. Ang bahay namin ay nakatayo sa isang bundok, kulay puti at nakatago ang ibang bahagi ng bahay sa mga punong nakaharang kaya mukhang maliit. Medyo luma na din dahil pinamana pa ito ng lolo ko kay dad. Kami lang ang may bahay sa gawing ito ng bundok dahil lupa namin ito. Ayaw din ni dad na maraming bahay ang katabi dahil maingay daw.

"Dalhin mo na si Cave sa kwadra ng mga kabayo. Siguraduhin mong hindi matatakot ang mga kabayo." Utos ni dad habang kinukuha ang mga gamit namin. Napansin kong wala yung mga katulong... pinaalis siguro ni dad.

"Halika Cave. Doon tayo sa likod ng bahay." Naglakad na ako at sumunod naman siya sa akin. Namiss ko talaga ang lugar na ito, kahit tatlong araw ko lang tong hindi nakita. Sariwa ang hangin, tahimik, madamo, mga ibong umaawit sa mga puno.

Konting lakad lang naman ay natanaw na namin ang kwadra ng mga kabayo. May lima kaming kabayo at ang isa ay kapapanganak lang. May isang kulay puti, dalawang kulay itim at dalawang kulay marron.

(Guys hindi po yun maroon. Marron po as in brown in english.)

Pumasok na kami ni Cave sa kwadra. Nagulat ako ng biglang nagwala si Sui, yung kabayo ko na kulay puti, yung usang kapapanganak lamg ay natutulog kaya di napanasin si Cave. Lumapit agad ako kay Sui at hinimas ito para kumalma. Yung apat naman wala dito sa kwadra mukhang nasa labas pa sila ah. Pero sino naman ang maglalabas sa kanila? Kami lang naman ang tao dito at wala nang iba.

"Cave dito ka muna tutuloy. Wag kang mag-iingay ah. Hintayin mo ako dito, kukuha lang ako ng makakain mo." Tumango lang siya sa akin at umupo sa mga dayami sa gawing likuran. Siguradong gutom na siya dahil hindi pa siya kumakain simula ng makita ko siya.

Naglakad na ako papuntang bahay. Ano kaya ang kinakain ng dragon? O baka naman wala silang kinakain. O kaya baka tao ang kinakain nila!!!! Hindi, hindi pala tao... baka hayop?! Bahala na nga. Tatanungin ko nalang si dad. Nagpatuloy akong maglakad at nakapasok na ako sa bahay. Nang makapasok na ako binuksan ko ang isa sa paborito kong lugar pangalawa sa kwarto ko. Nasa pinaka likod na bahagi ang meeting room, dito ginaganap ang mga plano ng pamilya kagaya ng pagkain sa labas. May kulay marron na pintura ang meeting room.

Maraming libro dito na tungkol sa kasaysayan mga non-fictions, literary, at syempre fantasy books na mukhang hindi naman talaga fantasy dahil totoo ang mga dragon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maraming libro dito na tungkol sa kasaysayan mga non-fictions, literary, at syempre fantasy books na mukhang hindi naman talaga fantasy dahil totoo ang mga dragon. Siguro totoo din yung mga fairy, o kaya yung mga werewolf!!! Sinarado ko na ang pinto at binukas ang nasa kaliwang pinto. Ang kitchen namin.

Dragons Den-The Past Awakens-HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon