Chapter#5 Magpaliwag ka!!

50 5 0
                                    

Lyra's POV

"Yes mom." Sabi ko na nga ba grounded ako eh. Hayyyyyy

Pumunta na ako sa taas dahil baka mapagalitan pa ako lalo. Nakakaiyak talaga, paano kaya kapag nalaman nila na may dragon dito?! Mapapatay talaga ako ni dad at mom!! Nung nasa kwarto na ako, humiga agad ako sa kama ko. Pagod na pagod na ako. Hindi ko dapat isipin ang mga yun kailangan mag-pahinga muna ako. Hindi ko namanalayan ang oras at naidlip na...

***

"Anak gising! Gumising ka bilis!" Naramdaman ko si mom na ginigising ako, ano ba yan istorbo.

"Inaantok pa ako mom..."

"Gising! May dragonnn!" Napatayo agad ako nung sinabi niyang dragon. Nagmadali akong bumaba, naku nakita na nila si Cave.

"Anak, dito ka lang sa likod ko. Ako nang bahala sa dragon." Dad

"P-pero dad..."

"Walang pero pero."

Rooooaaaaaaarrrrrrr! Bigla nalang lumabas si Cave galing sa garage!

"Humanda ka dragon! Hindi ko papayagang makalapit ka sa mga mahal ko!" Biglang naglabas ng malakas na enerhiya si dad. May lumabas na liwanag sa kamay niya at naging espada. "YAaaahhhhhh!" Tumakbo si dad at akmang pupugutan ng ulo si Cave. Pero bago pa niya yun magawa humarang na ako sa kaniya.

"Wag dad! Wag niyo siyang saktan!" Sigaw ko habang nakaharang ang mga kamay ko kay Cave.

"Tumabi ka Lyra, sasaktan ka nang dragon na iyan." Hinatak ako ni dad at tumalsik naman ako sa lamesa. Nagpatuloy siya sa gusto niyang gawin... ang patayin si Cave. Tumalon siya ng mataas at itinutok ang kaniyang espada sa ulo ni Cave. Tatama na sana ang espada ng umiwas si Cave at hinampas si dad ng kaniyang  buntot. Tumalsik si dad sa pader at mukhang galit na galit na siya, si Cave naman mukhang iniiwasan si dad dahil ayaw niya itong masaktan. Tatakbo na sana ako kay Cave ng hatakin ako ni mom.

"Hayaan mo na ang dad mo sa dragong yan. Wag ka ng makialam!" Saway sa akin ni mom. Hindi naman ako nagpapigil sa sinabi niya at dumeretso kay Cave.

"Ayos ka lang ba Cave?" Hinimas ko ang ulo niya para huminahon siya.

Ayos lang ako Lyra... hindi ko intensyon na saktan ang iyong ama... pasensya na...

"Alam kong hindi mo gustong makasakit." Kinuha ko ang ulo niya at idinikit sa noo ko. "Patawad kung nasakatan ka ni dad." Nakikita ko ang mga mata niya puno ng lungkot at takot.

"Wag ka diyan Lyra! Baka saktan ka ng dragon na iyan!" Dad

"Hindi niya ako sasaktan dad. Kaibigan ko siya."

"Nababaliw ka na ba?! Isa siyang dragon!" Mom

"Ano bang kasalanan ng mga dragon dati, kaya takot kayo kung ano ang kaya niyang gawin?" Tanong ko sa kanila.

"Makinig ka anak, mga mababangis na nilalang ang mga dragon, sobra." Paliwanag ni dad na mukhang alalang-alala sa akin.

"Huwag kayong mag-worry dad and mom. Kaibigan ko si Cave." Sabi ko sa kanila.

"CAVE?!" Sigaw nilang dalawa na mag kasabay pa. Anong problema kung Cave ang pangalangan niya?

"B-bakit po?" Lito na ako sa mga pinagsasasabi nila.

"Binigyan mo siya ng pangalan?!" Tanong ni dad sa akin. Bakit ba kasi? Anong problema nila dun?

"O-opo." Nanlaki ang mga mata nila dad at mom sa sinabi ko, ano bang masama kung bigyan ko ng pangalan ang isang dragon?!

"Haayyy, mag-usap tayo mamaya Lyra at ipapaliwanag ko sa iyo ang mga bagay. Aayusin ko muna itong bahay." Inalis na ni dad ang espada niya at tuluyan itong naglaho. T-teka bakit?

"Magpapaliwanag ka pa Lyra, dalhin mo na ang dragon mo sa garahe dahil baka may makakita sa kaniya." Ha?! Hindi ko gets, dragon ko? Lumapit nalang ako lay Cave.

"Halika na... buti hindi lumaki ang problema. Hindi ko sila maintindihan."

Pasensiya na talaga... Lyra...

"Ilang beses ka bang hihingi ng tawad? Ayos na ang lahat. Hindi ko nga alam kung bakit biglang tumigil si dad."

Ipapaliwanag nila sa iyo lahat... Lyra... kaya wag kang mag-isip ng mga bagay na hindi mo kayang sagutin...

"Tama ka jan. Halika na sa garahe."

***

Nasa garahe padin ako at nakikipag-usap kay Cave. Tungkol lang naman sa mga walang kwentang mga bagay.

"Lyra... pag-usapan natin kung paano mo nakilala yung dragon mo. Gusto kong marinig yung totoo." Seryosong sabi ni dad sabay upo sa isang upuan dito sa garahe.

"Lahat po ba???"

"Oo lahat, gusto naming malaman ang buong pangyayari. Mula sa simula hanggang sa dulo." Biglang sabat naman ni mom.

Natahimik naman ako sandali. Dapat ba talagang sabihin ko lahat? Pero baka magalit sila, ngayong alam ko pa na may magic ang mga magulang... baka ma-letchon nga ako dito.

"Nag-simula po doon sa kwarto ko... bigla nalang po akong nakarinig ng boses... nakakakilabot po, sobra. Bigla nalang pong bumukas yung pinto nung oras na iyon kaya napasigaw ako, mom natatandaan niyo pa ba yun?" Tumango naman si mom. "Nagulat ako dahil akala ko yung may ari ng boses ang nagbukas." Nakakakaba, pakiramdam ko nahot-seat na ako. "Sunod po nung nasa festival tayo... narinig ko ulit yung boses na yun kaya sinundan ko hanggang makarating ako sa kagubatan."

***
Kinuwento ko lahat sa kanila, ang mga ekspresyon nila hindi ko maipinta. Minsan parang nag-aalala, minsan mukhang proud, minsan naman mukhang galit!

"Ipapaliwanag ko sa iyo lahat anak." Tumango naman ako kay dad. "Hindi nakakausap ng mga tao ng basta basta ang mga dragon kahit ang mga katulad natin. Ang koneksyon na kailangan mo ay malaki, kailangan bukas ang puso mo sa mga bagay sa mundo. At ikaw... isa ka sa mga tinutukoy ko."

"Ibig-sabihin hindi lang po ako ang may kayang makarinig sa dragon?"

"Oo. Dati maraming nilalang sa mundong ito ang kayang makipag-usap sa mga dragon, ang tawag sa kanila ay mga 'kaibigan ng mga dragon'. Sila lang ang may kakayanan na makipag-usap sa mga dragon. At sila lang din ang may karapatang bigyan ng pangalan ang mga dragon..." napatingin sa akin si dad na parang may sinasabi.

Ibig sabihin nun ay... ikaw Lyra ang aking kaibigan... hindi pumapayag ang mga kagaya ko na bigyan sila ng pangalan ng kung sino-sino kahit ang aming mga magulang... tanging ang pinaka pinagkakatiwalaan lang namim...

Napatigil ako dahil nag-salita si Cave.

" Kung gayon, walang karapatan kahit mga magulang nila na bigyan sila ng pangalan... ako... ay... nag-mamay-ari ng i-isang dragon?"

"Tama anak, kaya nang malaman namin na binigyan mo siya ng pangalan ay pag-mamay-ari mo na siya, ikaw ay kaibigan niya, ikaw ang rider niya." Mom

"Pero bakit siya nalang po ang naiwan dito? Bakit wala ng ibang  dragon?"

"Dahil sa isang kasalanang ibinintang sa isang dragon." Dad

"Ano pong kasalanan?"

ABANGAN!!!
————————————————————————————————

Yaaaayyyy guys!!! Musta po ang chapter na ito?

Anyway guys, i need help po. Pwede po bang mag-suggest kayo ng mga names?

Ano nga kaya ang mga sekreto?

Paano makikilala ni Lyra yung mga makakasama niya?

Ano pa ba ang kayang gawin ni Cave?

STAY TUNE GUYS!!!#^_^#>o<

Dragons Den-The Past Awakens-HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon