Chapter#6 Kwento ng Nakaraan

63 5 2
                                    

"Ano pong kasalanan?"

"Dahil sa pagkamatay ng isang tao." Seryosong sagot ni dad.

"Pagkamatay ng tao? Lahat ba ng dragon pinatay yung tao na yun?"

"Hindi." Sabat naman ni mom.

"Eh bakit po wala ng ibang dragon? Imposible naman na lahat ng dragon ay may kagagawan nito hindi ba?"

"Tama ang mga sinabi mo, pero... ang pagbabago ng ugali ng mga dragon ang naging una sa kanila." Dad

"Nagbabagong ugali? Kagaya po ng ano?"

"Naging mailap ang mga dragon, naging mas mabangis. Sa tuwing makakita sila ng mga tao... bigla nalang nila itong tinatakot."

"Nataranta ang hari dahil dito. Kaya naging desperado siya at pinatawag ang mga pinuno ng bawat nilalang. Iminungkahi niyang patayin ang mga dragon."Mom

"Hindi manlang ba tumulong ang mga 'kaibigan ng mga dragon'? Sila lang ang may kayang makipag-usap sa mga dragon, kaya dapat alam nila ang mga nang-yayari. Dapat pinagtanggol nila ang mga dragon." Bakit ba hindi manlang sila tumulong?! Para saan pat nabuhay sila?!

"Dahil pinatay ng hukbo ng hari ang lahat ng may kayang makipag-usap sa mga dragon... lahat gagawin ng isang desperadong tao, walang makakapigil sa kaniya." Mom

"Ganun na ba siya ka desperado!!! Nababaliw na yata siya eh!!!"

"Kung ako ang nasa katayuan niya baka gawin ko din yun." Nagulat naman ako sa sinabi ni dad. Seryoso ba siya? Kaya din niyang gawin ang kabaliwang yon?

"A-ano po dad? Kaya niyong gawin yun?! Mga baliw na tao lang ang gagawa nun!!" Sigaw ko naman at humarap kay dad.

"Hindi naman isang simpleng tao ang namatay... ang kaniyang anak ang pinatay. Kung ako ang nasa lugar ng hari gagawin ko din yun. Ang pagbabago ng ugali ng mga dragon ay nakakapagduda, na para bang nawawala na sila sa pag-iisip." Sobrang seryoso ni dad, mukhang malaki nga talaga ang mga nangyari sa nakaraan. "Pero may problema pa din. Kung sakaling gawin ko yun... hindi ko isasama ang mga itlog palang." Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang sinabi. Pati mga itlog!!!

"Pati mga itlog na walang malay??!!"

"Oo... naging malupit ang hari. Walang magagawa ang ibang leader dahil siya ay mas nakatataas. Mukha na nga siyang baliw... hindi niya naisip ang balanse." Napabuntong hininga nalang si mom pagkatapos niyang mag-salita.

"A-anong ibig-sabihin nun? Na baliw ang hari?" Nakakapag-taka... lalo akong nagiging interesado sa usapang ito. Napansin ko naman si Cave na parang sobrang nadisappoint sa mga narinig niya. Kung ako ang nasa sitwasyon ni Cave baka nagwala na ako at pinatay ang lahat ng nandito, buti kaya niyang pigilan ang nararamdaman niya.

"Bakit hindi nila pinigilan ang hari?! Sabi niyo tao ang prinsesa kaya bakit ang hari hindi nila nagawang pigilan?! Nag-iisip ba sila?!" Napasigaw tuloy ako, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

"Dahil hindi nila kaya, anak." Napatingin ako kay mom na ngayon ay sobrang seryoso... isang malaking bagay nga talaga ang bagay na ito.

"Bakit hindi nila kaya?! Diba mga leader sila?! Ibig sabihin malalakas sila!!!"

"Hindi naman basta basta ang hari." Depensa ni dad at napabuntong hininga. "Isa din siyang imortal, isang salamangkero. Napaka lakas niya kaya siya ang naging hari. Isang pitik lang niya patay na ang mga leader, sobrang lakas niya."

"Pero sabi niyo mortal ang prinsesa?" Napakamot pa ako sa ulo ko, naguguluhan ako.

"Hindi naman kasi nakuha ng prinsesa ang lakas ng kaniyang ama, nagmana siya sa kaniyang ina na isang tao..." Mom

"Hindi makatarungan. Nakuha ko na... kaya kayo natatakot dahil baka naghihiganti ang dragong nasa harap niyo. Akala niyo galit siya sa mga kagaya natin. Kaya gusto niyo siyang patayin. Tama po ba?"

"Tama at mali. Tama, takot kami dahil baka nag-hihiganti siya at sasaktan niya tayo, mali dahil hindi namin siya papatayin." Dad

"Muntik niyo na po siyang patayin dad. Naka akma ang espada niyo sa ulo niya..." Depensa ko.

"Hindi namin siya pwedeng patayin. Patutulugin ko lang siya kanina, Lyra. Hindi pwedeng mamatay ang dragon nayan." Dad

"Haayyy. Ano po ba ang dahilan, bakit hindi siya pwedeng patayin?" Ako

"Dahil magiging malala ang lahat. Nakasalalay sa kaniya ang mundo. Kaya bukas na bukas uuwi na tayo at isasama mo yang dragon. Marami pa tayong pag-uusapan." Dad

"Opo."

***

"Paano po pala natin maisasama si Cave kung masyado siyang malaki. Matatakot po ang mga tao kapag nakita siya." Tanong ko kay dad habang kumakain kami ng breakfast.

"Ako nang bahala dun kaya wag mo ng problemahin yun." Sagot ni dad sa tanong ko. Sa palagay ko may mga bagay na hindi ko pa nalalaman, sobrang dami.

"Eh... paano po yung ano... yung ano... uhhmmm—" Pinutol agad ni mom ang sasabihin ko, nabasa na niya ang nasa utak ko.

"Ako na ang bahalang magturo sa iyo. Siguradong magiging delikado kapag si Lowkey ang nagturo sa iyo." Natawa naman ako sa sinabi ni mom. Haha. Wala yata siyang tiwala kay dad ah.

"Hindi. Ako ang magtuturo kay Lyra, mas makabubuti kung ako ang magtuturo sa kaniya." Naku... nakaka-amoy ako ng away ngayon ah. Dapat pala hindi ko na tinanong.

"At bakit?! Mas magaling akong magturo kesa sa iyo!!" Mom

"Halata naman kung sino mas magaling diba? Kaya ako ang mag-tuturo sa kaniya." Dad

"Ako!!!! AKO. LANG. ANG. MAGTUTURO. SA. KANIYA." Mom

"Sige, diba mas magaling ka... ikaw ang mag-turo sa dragon ni Lyra'ng lumipad." Napatahimik si mom nun, hahaha. Hindi talaga mag-papatalo si dad!!! Nakakatawa silang tingnan ngayon.

"ANO!!!!!!!!!" Lagot na... mag-aaway pa ata sa harapan ko. Tumayo na nga si mom at pumunta sa harap ni dad, naka pamewang pa.

"Totoo naman, sabi mo ikaw ang mas magaling... kaya ikaw na sa mas mahirap na gawain." Tumayo na rin si dad at humarap kay mom. Hindi maganda ito!!! Sasabog na tong mga ito, konti nalang.

"Haayy!!! Nakakainis ka talaga Lowkey!!! Bakit ba pinakasalan kita?!" Seryosong away na ata to.

"Ang alam ko kasi, sobra mo akong mahal kaya mo ako pinakasalan." Naku, bakit yun yung sagot mo dad? Nababaliw ka na ba? Lalo mo lang ginagalit si mom eh. Kinikilabutan na tuloy ako!!!

"A-anong sa—" pinutol ni dad ang sasabihin ni mom at hinalikan ito!!! Waaaahhhh!!!!

3 seconds ang tinagal ng halik na yun. Si mom naman nakatulala lang sa kinatatayuan niya. Habang si dad naman ang laki ng ngiti, para-paraan lang ah.

"Talo talaga mom mo pagdating sa akin." Natatawang sabi sa akin ni dad sabay kindat. Sira talaga yun ah, feeling bagets. Natawa nalang din ako sa sinapit ni mom, tulaley pa rin eh. Hahahaha. Kawawa naman.*^O^*

***

Nasa garahe na kami ngayon, gagawan pa daw ng paraan ni dad si Cave. Hindi kasi siya pwedeng makita ng mga nandito.
"Mom!! Parang... namumula po kayo ah. May lagnat po ba kayo? Kanina pa yan eh."

"A-ah w-wala ito, anak. Wag mo nalang pansinin." Wahahahaha, nagba-blush si mom!!!😘

ABANGAN!!!
————————————————————————————————

Hahaha, guys sana nagustuhan niyo po ang chapter na ito. Nilagyan ko ng konting funny moments para hindi boring.

Abangan niyo pa po ang mga susunod na mangyayari!!!

STAY TUNE GUYS!!!#^_^#

Dragons Den-The Past Awakens-HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon