Chapter 6❤Tagaytay

33 5 0
                                    


Shane❤

"Shane, bilisan mo!"narinig kong sigaw ni Reiko sa salas ng mansyon namin. Oo sumigaw siya dito sa mansyon namin. Feel at home ang bruha!




"Wait lang!"balik sigaw ko sakanya.

Nandito ako sa kwarto ko,nag-aayos ako ng mga gamit ko.


Sabado ngayon at nagpasya kaming mag-bonding na magka-kabarkada.So dun kami sa rest house nila James sa Tagaytay. Yung sasakyan na daw nila Lucio at James ang gagamitin. Kasya nanaman kami dun, hindi nman lahat sasama.



"Shane!"nagulat ako nang sumigaw ulit si Reiko. Letseng bruha 'to! Ang ingay. Psh.






"Oo na. Pababa na ako!"sigaw ko. Kinuha ko ang bag ko at bumaba na. 2 days and 1 night lang kami dun kaya konting gamit lang ang dinala ko.




Pagbaba ko yung kambal lang ang nakita ko. Mukhang nagtatalo pa.





"Ikaw talaga Reiko! Wag ka ngang sigaw nang sigaw. Nakakahiya. Di mo 'to bahay."pagsesermon ni Gale kay Reiko. Anlaki talaga ng pagkakaiba ng kambal na yan. Isang mataray at isang mabait.




"Oo na! Oo na! Psh."umirap pa si Reiko. Ang taray talaga ng bruha.








Diko namalayan na nakita na pala nila ako.





"Oh andyan ka na pala halika na. Naghihintay na sila sa labas"nagpaalam muna ako kay yaya bago lumabas. Wala si daddy dito, may date sila ni ate Kaye pero nakapag-paalam na nanaman ako sakanya.







Paglabas namin, nakita ko agad yung iba at yung dalawang sasakyan na gagamitin namin. Nandito sila Lucio, Jaxel, Lucas, LJ, Shawn, Kiel, Ako, Reiko, Gale, Kent, at James.







"Oh guys! Sakay na!"yaya ni James. Dun ako sumakay sa kotse ni Lucio. So sa unahan sila Lucio at Reiko habang nasa likod kami nila Jaxel, Gale, Ako, at LJ.






Nagsimula nang paandarin ni Lucio ang kotse, mas nauna na yung sasakyan ni James dahil hndi naman namin alam kung saan yung rest house nila.


Maaga akong nagising kanina kaya matutulog muna ako....



Zzzzzzz....

-

"Shane!"nagulat ako nang may sumigaw. Kingina yan, natutulog yung tao eh. Nakita ko agad si Reiko na nakapamewang. Panigurado, siya yung sumigaw. Sa ingay ba naman ng bruha na yan. Psh.




"Hoy Reiko! Pwede naman gisingin ng maayos yung tao, diba? Bakit mo sini-sigawan?"at syempre, as usual, palagi na lng syang sinesermunan ng kakambal niya.




Inirapan ni Reiko si Gale.



"Naku Reiko! Kung hindi lang kita kapatid, kanina ko pa dinukot yang mata mo."dinuro-duro pa ni Gale si Reiko. Syempre, hindi magpa-patalo yang si Reiko. Lumabas na ako ng sasakyan at hinayaan ang kambal na mag-away sa loob ng sasakyan.





Paglabas ko, namangha ako sa ganda ng paligid. Ang ganda...





"Ate Shane, where's Ate Reiko and Ate Gale?"tumingin ako kay LJ nang tinanong niya ako. Nandito na silang lahat...





"Nasa loob pa eh. Nag-aaway."sabi ko sakanya.





"Tch. Yung dalawang yun talaga, ang hilig mag-away"sabi ni Lucio at pumunta sa sasakyan niya. Aawatin ata yung dalawa.





"Guys, pasok na tayo. Hintayin na lang natin sila sa loob"yaya ni James at pumasok na kami sa rest house nila. Ang laki...





"Ate Shane,pwedeng magkasama tayo sa kwarto?"tanong ni LJ sakin. Napangiti ako. Ang ganda niya talaga.





"Sure."




"Yehey! Kuya James, magkasama kami ni Ate Shane."




"Sige."



Maya-maya pumasok na rin sila Lucio,Gale,at Reiko.



"Oy ikaw Shane ah. Basta-basta mo na lang kami iniwan"sabi ni Reiko sakin. Pustahan tayo, sasabat yang si Gale.




"Ang ingay mo kasi.."sabi ko sainyo eh.




"Hoy Gale!"sigaw ni Reiko.




"Tch. Bago pa magkaroon ng world war 3, James saan ang kwarto namin?"





"Sundan niyo ako.."sumunod kami kay James sa taas ng rest house nila.




Una niyang hinatid sila Reiko at Gale sa kwarto nila, sunod sila Kent at Lucas, Lucio at Jaxel, Shawn at Kiel, tapos kami ng dalawa ni LJ. Mag-isa lang si James. Sakanila naman to eh.





Pagpasok namin, nahiga agad si LJ sa kama.




"Ate Shane,matutulog muna ako ha?"tumango lang ako kay LJ at ngumiti then natulog na siya.



Kinuha ko ang Iphone ko at nahiga sa tabi ni LJ. Makapag-wattpad nga muna.

*

A/N:Dahil excited na ako sa next UD. Mamaya na ako maga-update. Basta sa next UD, may konting drama. Maghanda na kayo guys. Bwahaha. Vote and Comment. Labya!

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon