Chapter 3❤Bitch and Demon

52 10 4
                                        

Shane❤

Kakauwi ko lang dito sa mansyon namin. Dito pa rin kami nakatira. Ayaw kong umalis dito dahil maraming alala dito na nagpapa-alala kay lola..

Yes. She died.. 4 years ago. Why? Di na siya nagising. Sabi ng doctor huminto daw ang pagtibok ng puso niya habang natutulog siya.

Ang sakit lang. Di namin alam na matutulog siya ng gabing yun pero hindi na pala siya magigising kinabukasan.

Hays...

Dumiretso ako sa kitchen dahil may narinig akong ingay dun. Baka si yaya yun ,nagluluto na ata siya ng lunch...

Yes, she's still here. Wala naman siyang pamilya. Di na siya nakapag-asawa dahil simula nung bata pa lang ako, nandito na siya.

Pagdating ko sa kusina, napangiti na lang ako nang makita ko si yaya na nagluluto. Matanda na si yaya yet hindi niya pa rin ako iniiwan.

"Yaya.."tawag ko sakanya. Napahinto naman siya sa ginagawa niya at tumingin sakin.

"Oh Che-che, andito ka na pala. Half day lang kayo ngayon?"tanong niya sakin..

Napangiti nanaman ako, Che-che pa rin ang tawag niya sakin. Nakuha niya yun from my first name, Chelsea..

"Opo yaya"sabi ko sakanya at kumuha ng pitsel ng tubig sa ref at nagsalin ako ng tubig sa baso tsaka umupo.

"Tumawag na ba si daddy, yaya?"

"Oo. Tumawag na siya. Bukas na daw ang uwi niya"

Bigla akong na-excite dahil sa sinabi ni yaya. Miss ko na si daddy, 2 weeks ko na siyang hindi nakikita. May business tour kasi siya sa Macau.

Sino yun? Si daddy Andrew.Kapatid siya ni mommy. Mas matanda nga lang si mommy. He's 28 years old. Bata pa siya noh? Wala pa yung asawa pero girlfriend meron. Simula nung namatay si lola, siya na ang nag-alaga sakin, siya na rin ang namamahala ng kumpanya na iniwan ni lola.

Noong una, tito ang tawag ko sakanya pero sabi niya daddy na lang daw ang itawag ko sakanya. Ewan ko ba kung bakit.

Pumayag na ako dahil gusto ko rin nman maranasan magkaroon ng daddy...ulit.

"Tulala ka na dyan. Kain na tayo"sabi ni yaya at nilapag ang niluto niyang pagkain sa lamesa.

Nginitian ko lang siya at nagsimula na kaming kumain

-----

Kinabukasan....

Another day. Kahit ayaw kong pumasok dahil alam kong makikita ko nanaman ang letseng Kiel na yun, pumasok pa rin ako.

Nagda-drive ako papuntang school. May sarili na akong sasakyan, pumayag nanaman si daddy eh.

Pinark ko ang sasakyan ko sa parking lot ng PIU. Pagbaba ko, nag-init agad ang ulo ko nang makita ko agad si Kiel.

Kainis!

"Good Morning Shane"bati niya sakin pero hindi ko siya pinansin. Aalis na sana ako pero hinarangan niya ako.

Ano nanamang pakulo ng lalaki na 'to?!!

"Umalis ka sa dinadaanan ko!"sigaw ko sakanya..

Mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero nabawi niya agad iyon.

"Ang sungit mo naman Shane. Nagu-goodmorning lang ako eh"sabi niya sabay pout..

He's cute pero hindi ako magpapadala sa ka-cute-an ng lalaki na 'to!

"Paano ako hindi magsu-sungit kung isang demonyo agad ang makikita ko?! At yung goodmorning mo, balewala din dahil nung nakita kita, my morning just became the worst morning in my entire life"


Nakipagtagisan ako ng tingin sakanya. Maya-maya, ngumisi siya.

"Really? Well this is just the start, bitch. There's more"sabi niya at nag-walk-out.

This is just the start pa lang daw,well I'm not afraid.


And bitch? Totoo naman eh. Toto rin naman na demon siya.


Hmm...

Bitch and Demon..



-

"Letse kang babae ka! Bigla ka na lang umalis kahapon, di ka man lang nagpaalam. Kung sabagay, nakakainis naman yung sinabi ni Kiel. Pero letse ka pa rin talaga!"


Di ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa sinabi ni Reiko. Sinermunan agad ako pagpasok ko ng room..

"Sorry, Reiko. Na-bwisit kasi ako sa isang DEMONYO diyan"diniinan ko talaga ang pagsabi ng demonyo at tumingin kay Kiel na nasa likod ko.



Naka-ngisi lang siya. Inirapan ko siya at umupo na sa upuan ko.



Nagulat ako nang ilapit nila Gale at Reiko ang mga mukha nila sakin.



Nahihilo ako, promise. Ikaw ba naman, may dalawang mukha na malapit sayo pero parehas lang naman ang itsura.


"What's with you and Kiel?"tanong ni Gale sakin.


Pinagsasabi nito?!!



"What?!"medyo napalakas ang boses ko kaya tumingin sakin yung iba kong mga kaklase.




"Ingay mo, bitch"lumingon ako kay Kiel nang magsalita siya.


Sinamaan ko siya ng tingin.



"Shut up, demon"sabi ko at tumingin na sa harap.



Umub-ob ako sa desk ko.


"Naks! Bitch and Demon"

"Nice.."

Narinig ko pang usapan nila Reiko at Gale.


Hmp! Bahala silang mag-daldalan dyan.



Ugghh!!





Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon