After 10 years....
Shane❤
"Shane bilisan mo!"sigaw ng kaibigan kong si Reiko..
"Maghintay ka kasi!Para kang hinahabol ng zombie eh. Bagalan mo naman yang lakad
mo!"balik sigaw ko sakanya..Kaya binagalan niya na yung paglalakad niya at sumabay sakin sa paglakad.
"Bakit ka ba kasi nagmamadali?"
"Duh! First day mo ngayon dito sa PIU. Nakakahiya naman kung male-late ka at pag-na-late ka, madadamay ako"sabi niya sakin..
"Reiko hindi tayo male-late. We're 1 hour early!"
"Whatever Shane. Halika na nga!"at hinila niya na ako. Psh..
Maya-maya nakarating na rin kami sa classroom namin. It's my first day today pero sila 30th day na nila ngayon dito sa school.
Transferee kasi ako.Lumipat ako dito sa Palleras International University dahil ayaw ko yung mga ugali ng mga estudyante dun sa dating school ko.
Mga feeling magaganda at gwapo kasi. Mga mukhang kwago naman.
"Shane!"napatingin ako kay Reiko nang tawagin niya ako.Nakapasok na pala siya sa room.
Pumasok na ako. Lumapit ako sakanya.Nakatayo lang siya sa likod.
"Shane!"tumingin ako sa gilid ko nang may tumawag sakin. Si Gale pala, yung kakambal ni Reiko.Kababata ko silang dalawa. 9 yrs old kami nang nagkakilala kaming tatlo. Lumipat kasi sila dun sa village namin.
"Gale!"niyakap ko siya.
"Shane,may mga papakilala ako sayo"kinalas ko na ang pagkakayakap ko kay Gale at humarap kay Reiko.
May kasama siyang 5 lalaki.And I admit,ang gwapo nila.
Dalawang mukhang masungit at seryoso,isang mukhang friendly,isang mukhang walang pakialam sa mundo at tahimik lang,at isang mukhang mapang-asar..
"This is Lucio,my bestfriend,nakita mo na siya nung dumalaw siya samin,diba?"turo niya dun sa isang mukhang masungit at seryoso.
Oo nga.Nakita ko na siya nung pumunta ako sa bahay nila Reiko.Masungit nga yan at bihira pa ngumiti.
"Yah.I remember him."sabi ko kay Reiko at tumingin kay Lucio."Nice to see you again.You still remember me,right?"sabi ko sakanya..
"Yeah.Your Shane"sabi niya sakin.Ngumiti lang ako.
"Eto naman si Jaxel,manliligaw ni Gale"sabi niya at tinuro yung isang masungit.
So manliligaw pala yan ni Gale
"Hi.Nice to meet you, I'm Shane"sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Hate At First Sight
Teen FictionAno ang gagawin mo kapag nalaman mo na ang taong kinaiinisan mo ay ang tao din palang dating minahal mo? [VERY VERY SLOW UD PO ITO. DON'T EXPECT NA MABILIS ANG UD]