Shane❤
I'm on my way to my classroom. 2 weeks na simula nung magbakasyon kami sa Tagaytay. Si Kiel, iniiwasan niya ako. Kapag sinusubukan kong lumapit sakanya, lumalayo siya.
Naguguluhan pa rin ako. Pero hindi ako susuko, gagawa ako ng paraan para makausap siya.
Habang naglalakad may nakita akong babae na parang masama ang tingin sa bulletin board.
I think high school na siya base on her uniform. Kapag elementary at high school dito sa PIU, may uniform. Ang college lang ang wala.
Nang makalapit ako sakanya, na-realize kong ang ganda niya pala.
Natatawa lang ako sa mukha niya dahil masama ang tingin niya sa bulletin board. Haha. She's cute.
Lumapit ako sakanya.
"Uhmm, excuse me?" agaw pansin ko sakanya. Nagulat naman siya at biglang napatingin sakin.
"B-bakit po?" tanong niya.
"Nakita kasi kitang masama ang tingin sa bulletin board. May problema ba?" sabi ko.
"Ay yun po ba? Hehe." sabi niya at napakamot sa ulo niya. "Hinahanap ko po kasi yung room na HS- A, tiningnan ko naman po dito sa map sa bulletin board pero hindi ko mahanap." sabi niya at alanganing ngumiti.
Ngumiti ako..
"Hindi mo talaga mahahanap yun kasi yang map na yan para lang yan dito sa college department. Dapat ang map na tiningnan mo ay map na para sa high school department." sabi ko.
"Ay. Ganun po ba? Ang tanga ko naman. Eh nasaan po ba yung high school department?" tanong nya.
"Gusto mo samahan kita?" tanong ko. Nagulat naman siya.
"P-po? Ay naku, wag na po! Nakakahiya eh. At tsaka baka po ma-late na kayo." sabi niya.
Umiling lang ako, "Nah, maaga pa naman eh. Ok lang. At tsaka para na rin hindi ka maligaw. Mukhang transferee ka eh."
"Ahehe, sigurado po kayo?" tanong niya. Tumango lang ako habang nakangiti.
"Ah sige po." ngumiti siya kaya ngumiti lang ako. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng loob ko sakanya.
Naglakad na kami. At first awkward, pero maya -maya, nag-kwentuhan na kami. Tawanan pa nga eh.
Nang makarating kami sa harap ng room niya..
BINABASA MO ANG
Hate At First Sight
Novela JuvenilAno ang gagawin mo kapag nalaman mo na ang taong kinaiinisan mo ay ang tao din palang dating minahal mo? [VERY VERY SLOW UD PO ITO. DON'T EXPECT NA MABILIS ANG UD]
