Chapter 11❤Sick

20 1 0
                                    

Shane❤

Umaga na. Nagre-ready na ako para pumasok. Hays. Parang wala nga akong lakas eh. Nanghihina ako.

"Che-che, handa na ang almusal. Bumaba ka na." narinig kong sabi ni yaya mula sa pinto.

"Opo yaya. Bababa na ako." matamlay na sabi ko. Ewan ko ba.

Bumaba na ako at naabutan sila daddy at ate Kaye na kumakain. Dito na nakatira si Ate Kaye. Live-in partners sila ni daddy.

"Good morning daddy and ate kaye." sabi ko at humalik sa mga pisngi nila.

"Morning princess. Kumain ka na." umupo na ako at tiningnan ang mga pagkain sa mesa. Nag-pout ako. Waahhh! Bakit parang wala akong gana? T_T

"Are you okay Shane?" nag-angat ako ng tingin nang tanungin ako ni Ate Kaye.

"W-wala akong ganang kumain. Nanghihina ako." matamlay na sabi ko. Totoo naman eh.

"What-.." hindi natuloy ni daddy ang sinabi niya dahil bigla akong napatayo at dumiretso sa kitchen sink

Accckkkkk

Acckkkkk

Mygod?! Bakit ako nagsusuka?!

Acckkkk

Acckkkk

Nanghihina kong binuksan ang gripo at hinugasan ang bibig ko. Naramdaman ko naman ang paghagod ni Ate Kaye sa likod ko.

"Drink this." inabutan ako ni Ate Kaye ng tubig, ininom ko yun.

"THE FVCK SHANE?! ARE YOU FVCKING PREGNANT?!"

O_____O

Nagulat ako sa sinabi ni daddy. The heck?! Paano ako mabubuntis eh wala nga akong boyfriend?!

"Babe! Ano ka ba?! Where did you get that idea?!" sabi ni Ate Kaye.

"Tch. I'm just asking her." sabi naman ni daddy. Magsasalita pa sana si Ate Kaye pero inunahan ko na siya.

"Dad, I'm not pregnant for pete's sake! Paano ako mabubuntis kung wala akong boyfriend?!" sabi ko.

"Then bakit ka nagsusuka?"

"Daddy naman! Hindi porket nagsusuka ako eh buntis na ako." nakapoker face na sabi ko.

"Shane is right babe. Baka masama lang talaga ang pakiramdam niya o may nakain siyang hindi maganda. At tsaka parang may lagnat siya eh." sabi ni Ate Kaye. Lumapit naman sakin si Daddy at hinipo ako noo ko.

"May lagnat ka nga. Wag ka na pumasok. You should take a rest." sabi niya.

"Okay dad." may choice pa ba ako? Hays.

"Umakyat ka na sa kwarto mo." sabi ni dad. Tumango lang ako at umakyat na.

Huhubels naman. Siguradong mabo-bored nanaman ako dito sa bahay. Papasok kasi si daddy sa company tapos si Ate Kaye papasok pa siya sa boutique shop niya. May own boutique kasi siya.

Ite-text ko nga pala si Reiko na hindi ako makakapasok.

Nang mai-text ko na siya, natulog na ako.

💤

-

Kiel❤

Nandito na ako sa room. Wala pa ding prof. Tch. Palagi namang late yang mga prof na yan eh.

"Wala pa si Shane ah? Diba palaging maaga yun?" sabi ni Gale. Oo nga, wala pa siya. Nasaan na kaya yun?

This past few weeks, iniiwasan ko si Shane. Why? Kasi ayokong malaman niya na ako si Iel. Ayaw kong umasa siya na matutupad ko ang pangako ko sakanya kahit hindi naman. Ayoko na siyang saktan ulit kaya hanggat maari iniiwasan ko siya. Dahil wala nang pag-asa na magkatuluyan kami. Wala na.

"Nag-text sakin si Shane, hindi daw siya makakapasok. May sakit daw siya." sabi ni Reiko habang nakatingin sa cellphone niya.

Bigla akong nag-alala. Fvck. I hope she's alright.

"Jusko. Puntahan natin siya mamaya sa bahay nila." sabi naman ni Gale.

"Sama ako."

O_____O

Fvck. Anong sabi ko?!

"Sasama ka sa bahay nila Shane, Kiel? Bakit?" nakakunot noo na tanong ni Reiko.

I sighed. Eto na eh. Nasabi ko na yun. Kusang lumabas sa bibig ko kaya wala nang urungan.

"I just want to check on her. That's all." cool na sabi ko. I'm trying to be calm here para hindi nila mahalata na kinakabahan ako.

"O-ok. Mamayang uwian pupunta tayo sa bahay nila." sabi ni Gale. Tumango lang ako at sumandal sa upuan ko.

Naramdaman ko namang nakatingin sakin sila Jaxel at Lucio.

"What?" I said. Umiling lang si Jaxel at nilagay ang headset niya. Napatingin naman ako kay Lucio.

"I'm just warning you. Baka kapag lalo kang mapalapit kay Shane, lalo kang mahulog sakanya. Sinong mahihirapan? Hindi lang ikaw, pati din si Shane. Madali ngang ma-inlove, mahirap naman mag-let go. Just be careful. Dahil baka kapag lumalim ang nararamdaman mo para sakanya, yun na pala ang oras para pakawalan siya."

What Lucio said, hits me. Hard.

-

A/N: Matatagalan po ang Next UD ko ah? Busy eh. Pati na rin pala sa Loving My Bestfriend at The Operator's Girl. Thankies. Mwaaahhh!

-Gela❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon