Chapter 4❤ Meet Shawn

39 9 0
                                    

Shane❤

"Shane, mauuna na kami sa tambayan ah. Sumunod ka na lang"

"Ok.."

Lumabas na ng room sila Reiko kaya ako na lang ang natira dito sa room. Break time na pero nagpa-iwan muna ako kasi may pinapa-kopya pa sakin yung prof namin.

Hays. Ang haba pa naman neto. Gutom na pati ako.

Napatingin ako sa pinto nang may pumasok, si Kiel.

Di ko na lang siya pinansin kasi gusto ko na agad matapos yung pinapakopya ni Ma'am.

Pumunta siya sa likod, specifically sa upuan niya.

Narinig kong parang may kinakalikot siya.

"Ugghh!"napakunot ang noo ko nang bigla siyang sumigaw kaya tumingin ako sakanya.

"Problema mo?"tanong ko sakanya.

"A-ah, hinahanap ko kasi yung earphones ko, baka naiwan ko dito. Pero wala naman"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Diba na kay Lucas?"

"H-ha?"

"Diba pinatago mo kay Lucas. Nasa harap ko pa kayo nun"sabi ko sakanya.

Mukha naman siyang nagulat.

"A-ah your right. Sige una na ako"sasagot pa sana ako pero may biglang pumasok ng room.Si Lucas.

Lumapit siya samin, hawak-hawak niya yung earphones ni Kiel.

"Pre, naha-"di na natuloy ni Lucas yung sinasabi niya kasi hinila na siya Kiel palabas ng room.

Ang weird ng dalawa na yun..

Oh well, itutuloy ko na lang tong ginagawa ko.

Maya-maya may pumasok nanaman ng room. Kumunot nanaman ang noo ko. Si Shawn.

Di naman to ang room niya eh. Sa kabila siya.

"S-shawn?"

"Yes, Shane. This is Shawn"sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Bakit ka nandito?"tanong ko sakanya.

"Sabi nila Reiko, naiwan ka daw dito sa room. Eh mag-isa kaya sinamahan kita"

"O-ok"

Still nawi-weirduhan parin ako. Tinuloy ko na yung ginagawa ko habang si Shawn nagse-cellphone lang sa tabi ko.

"Done!"sigaw ko nang matapos na ako.

"Your done?"tanong sakin ni Shawn. Tumango lang ako.

"Let's go. We still have 30 minutes for breaktime"sabi ni Shawn.

Inayos ko na yung mga gamit ko at lumabas na kami ng room.

"Shawn, ibibigay ko lang 'to sa dean"sabi ko habang hawak-hawak yung pinasulat sakin ni Ma'am, sabi niya kasi ideretso ko daw sa dean's office.

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon