Kiel❤
"Brad, ok ka lang ba? Kanina ka pa hindi nagsasalita eh"tiningnan ko si Shawn at ngumiti.
"I'm ok"sabi ko na lang.
"Sigurado ka ha? Maliligo muna ako. Maligo ka na din pagkatapos ko. Uuwi na tayo eh"
Tumango lang ako at pumasok na si Shawn sa cr.
Di ko pa rin nalilimutan ang nangyari kagabi. I just can't control my fvcking feelings!
Maya-maya natapos na rin maligo si Shawn kaya sumunod na ako. Uuwi kami ngayon sa Manila. Dapat pala hindi na lang ako sumama, hindi ko sana magagawa yung kagabi.
Bumaba na kami at nakita namin silang lahat sa salas. Kumpleto na. Even her..
Tahimik lang silang lahat. Alam kong naguguluhan din silang lahat dahil sa inakto ko kagabi. Except kay Lucio. Alam niya na kasi ang totoo..
"Tara na guys, mag-breakfast muna tayo"sabi ni James. Sumunod lang kami sakanya papunta sa kitchen.
Nang makarating kami sa kitchen, nakahain na ang pagkain sa lamesa, ang dami nga eh. Umupo na kami at nagulat pa ako nang nasa harapan ko si Shane.
Nagsimula na kaming kumakain, syempre hindi mawawala ang kulitan pero ako tahimik lang. Ayaw ko munang magsalita. Baka kung ano nanaman ang magawa at masabi ko.
Natapos na kaming kumain, lumabas na kami dahil aalis na kami.
Sa sasakyan ni James ako sasakay, nandun kasi siya sa sasakyan ni Lucio. Papasok na sana ako nang....
"Kiel.." I froze...
Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Shane...
Umiling lang ako at pumasok na sa sasakyan. Ayaw kong makita ang mga mata niya na naguguluhan sa mga ginagawa ko. Ayaw ko.
Pinaandar na ni James ang sasakyan. Nahihirapan na ako. Naguguluhan na si Shane, ang babaeng nakilala ko 10 years ago...
*Flashback*
10 years ago...
"Kiel, I have a surprise for you.." I looked at my dad..
"Really dad? What is it?"
"C'mon I'll show you" inakay ako ni daddy at nakarating kami sa ma-puno na lugar. May nakita akong mini house na gawa sa kahoy. Wow..
"This will be your secret place. I made this for you."
"Thank you dad!"niyakap ko si daddy.
Pumasok kami sa loob at naglaro.
-
Pumunta ako sa secret place ko pero nagulat ako nang may makita akong isang batang babae na umiiyak. Nakaupo siya sa bench..
BINABASA MO ANG
Hate At First Sight
Ficção AdolescenteAno ang gagawin mo kapag nalaman mo na ang taong kinaiinisan mo ay ang tao din palang dating minahal mo? [VERY VERY SLOW UD PO ITO. DON'T EXPECT NA MABILIS ANG UD]
