Dumating na ba sa point ng buhay mo na halos unti-unti nang gumuguho ang lahat?
Na parang nag-iisa ka? Walang kakampi.
Na parang galit sayo ang mundo.
Na dahilan kaya nangyari sayo ang mga bagay na di mo inaasahang mangyayari sayo?
At ang sakit na yun ay nagmula pa sa taong mahal mo?
Pakiramdam mo na sana lamunin na lang ako ng lupa para makawala na ako sa mga pinagdadaanan ko.
I'm a failure. Wala akong silbi.
Gayunpaman, di mo alam kung saan lalapit. Kung kanino ba lalapit at dapat lapitan, naguguluhan ka kung sino ba ang dapat pakisamahan. Dahil parang uso na ang pakikipagplastikan at pagpapanggap na, "okay lang" kahit hindi naman.
Natatakot kang iwan uli sa ere na paasahin ka sa wala, sa matatamis na salita. Sa una, para kang prinsesa. Dahil sa mga da moves niya na mapapangiti ka bigla. Di mo lang alam kung totoo ba 'to o pinaglalaruan ka lang niya. Kung sincere ba siya, kung may care ba talaga siya. O pampalipas oras ka lang niya. Masakit pero yun ang totoo.
Di ko alam ang bawat sagot sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan. Di ko alam pano harapin ang lahat ng ito at bigyang solusyon.
Paano na kaya? Di ko alam. Di ko pa rin alam.
BINABASA MO ANG
Paano Na Kaya?
Teen FictionBeatrice Kayzie Cruzvella. She's a failure. Yun ang tumatak sa isip niya. Di niya kayang mahalin ang sarili. Dahil lagi na lang siyang bigo at sawi. Paano na kaya haharapin ng isang Beatrice Cruzvella bawat pagsubok na bubuo ng kanyang pagkatao? Han...