I Don't Know How To React
Nagising ako bandang ala-una ng madaling araw. Kumain muna ako. Pagkatapos kong kumain ay di ako agad makatulog.
Di ko alam kung bakit. Kung epekto ba to ng kilig ko kay Aycel o ang mukha ng lalakeng nagalit kanina?
Nag facebook muna ako gayong malakas naman ang data kapag madaling araw.
Pagbukas ko'y
20 friend requests
10 messages
77 notificationsInuna kong tignan ang friend requests. Gaya noon, mga arabo ang patuloy na nag-aadd saakin. Mga taga India o Dubai. Meron ding mga ewan ko anong mga pangalan na naka Chinese style pa. Anubayan. Dinelete ko ang lahat ng iyon sa sobrang inis.
Sinunod kong buksan ang notifications. Walang pinagbago. Puro "added you to the group" ang nakikita ko. Meron din namang "liked your photo" or "commented on the photo you're tagged in". Kaya, dinedma ko na lang.
Pang huli ay sa messages. Nakita ko ang mga usapan ng mga kaklase ko noon at mga kaibigan sa groupchat namin. Di ko na binasa iyon dahil umabot na sa 1k messages ang di ko nabasa. Kaya sineen ko na lang at nag scroll sa iba pang nag-message.
Andun na naman ang mga arabong di nakapagpigil na nag-message ng "Hi Sweaty, how r u?" Hays, kunwari concern. Kaya sineen ko na lang.
Bigla na lang nag notification ang cellphone ko na may nagmessage saakin at "active now" pa ito. Sino kaya to? Napaisip ko.
Bigla akong napangiti na si Rence pala na kaibigan at classmate ko ang nag-message saakin. Kinumusta niya lang ako at sa pang huli, bigla akong kinabahan dahil sinabi niya na pupunta siya dito sa probinsya ng San Pablo.
"Huh, anong sabi mo? Tsk. Sigurado ka Reng?" Agad kong reply.
"Oo Teteng. Sigurado ako." Aba, nagreply siya agad.
"Sige, chat lang kung ano man. Matulog na ako. Good Night!" Pagpapaalam ko.
I don't know how to react. Bakit kailangan pang pumunta? Baka bibisita lang. Pero napaaga yata? Hays, di bale na nga lang.
"Teng! Kaninang ala-sais ng umaga, pumunta dito si Rence " ani ni Mama.
"Totoo ka Ma?" Sagot ko, nakakabigla naman.
"Oo ba. Umalis lang kase nag check-in na lang siya sa hotel. Nakakahiya naman kung dito siya sa barung-barong natin matulog. Malamig, baka di niya kayanin" mahabang pagpapaliwanag ni Mama.
"Okay po Ma. Akyat po muna ako. May gagawin lang" at umalis na ako papuntang kwarto.
Tumunog ang cellphone ko habang nagdradrawing ako.
"Hello Teng, san ka?" Tanong niya sa kalmadong boses.
"Reng, sa bahay lang. Andito ka sa probinsya?" Pabalik kong tanong.
"Oo kanina lang. Pupunta ako sainyo ngayon na. Mamasyal tayo. Magpaalam kana kay Mama mo." Bilin niya.
"Sige na. Bye."
Mga ilang minuto ang nakalipas at dumating na si Rence. Dala niya pala yung Chevrolet na kotse niya. Nagpaalam na ako kay Mama at kinawayan lang si Rence.
"Auntie, alis na po kame. Ihahatid ko lang si Bea pauwi." Sabi niya ke Mama at nagmano ito sakanya.
Alam ko namang payag lang si Mama ganong kilalang-kilala niya si Rence. Simula bata pa. Magkababata kase kame dahil malapit din sa isa't-isa ang aming mga magulang.
"Reng, bat biglaan?" Tinanong ko siya para mabasag ang nakakabinging katahimikan.
"Wala lang, gusto lang kitang makasama" Sagot niya.
Binaling ko na lang ang tingin ko sa kalsada. Di ko alam san kame pupunta, basta alam kong ligtas ako pag si Rence ang kasama ko.
"Dito na tayo." Masayang sabi ni Rence saakin.
"Ah. Anong gagawin natin dito?" Pagtatanong ko.
"Wala lang. Gusto kitang makausap." Humarap siya saakin. Seryoso. May nais ipahiwatig ang kanyang titig saakin mula sa aking mata, patungo sa ilong at huminto sa labi ko.
"Ah, tungkol saan?" Tinanong ko siya ulit at nag-iba ng direksyon ang aking paningin.
"Tungkol sa nararamdaman ko Bey" sagot niya at tinitigan niya ako sa mata.
Sheez! Ano ba 'tong nararamdaman ko, I can feel the heat. Nanghihina ang tuhod ko. Lalo na nung nilapit niya ang mukha niya saakin. Napaatras ako.
"Huh? Ba-bakit?" Di ko siya ginantihan ng tingin.
"Bey" Hinaplos niya ang mukha ko at inipit sa aking tainga ang mga hibla ng aking buhok."
Di ako makapaniwala. Hinalikan ako ng kaibigan ko. Hinalikan niya ako ng dahan-dahan, parang may nais ipahiwatig.
Pumiglas ako. Pero lumapit pa rin siya. Di ko na kinaya. Tumakbo na ako paloob sa kotse. Di pa ako nakapasok agad at hinabol niya ako at niyakap mula sa likod. Ramdam ko ang init ng kaniyang bisig, ang kanyang nakakaadik na amoy, ang kaniyang hininga at mas lalo akong kinakabahan.
"Ano ba ako sayo Bey?" Seryoso niyang tanong.
Di ako makapagsalita. "Uhm. Ano-- ah."
"Para saakin, mahal na kita Bey. Mahal na mahal. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para dumiskarte sayo noon pa pero ngayon nagkaroon na ako ng lakas na umamin sayo dahil di na puro diskarte ang ipapakita ko, papatunayan ko na sayong Mahal kita."
Natulala ako. Nabigla. Kaibigan ang turing ko sakanya pero bakit ganito ang sakit na nararamdaman ko.
Sariwa pa rin saakin ang mga alaalang iniwan saakin ni Troy. Ang mga alalang tumatak saaking puso't isipan.
BINABASA MO ANG
Paano Na Kaya?
Teen FictionBeatrice Kayzie Cruzvella. She's a failure. Yun ang tumatak sa isip niya. Di niya kayang mahalin ang sarili. Dahil lagi na lang siyang bigo at sawi. Paano na kaya haharapin ng isang Beatrice Cruzvella bawat pagsubok na bubuo ng kanyang pagkatao? Han...