I Don't Understand Myself
Hindi ako makatulog.
Hanggang ngayon, gulong-gulo ang utak ko. Di ko na alam ano ang dapat unahin at paano ko bibigyang solusyon ang lahat.
Tumingala na lamang ako, at nagpagulong-gulong sa kama.
I feel so broken. Lost. Everything. Everything seems to fall apart. Bigo ako lagi. Bawat kilos ko'y laging palpak. So I end up blaming myself hanggang ngayon.
Sobrang tahimik ng paligid. Tanging tahol ng mga aso ang naririnig ko. Di ko naalintana ang madilim na gabi, ang lamig ng hangin na dumarampi sa aking pisngi.
Patuloy ko pa ring inaalala ang mga pangyayaring tumatak sa puso ko. Mga pangyayaring naging dahilan kung bakit ako hindi makatulog.
Di ako nabagabag sa ideyang kailangan na maaga ako bukas para mag-enroll sa paaralan.
"Bakit ganun?" Kinakausap ko ang ceiling. Hinihintay kong sagutin niya ako.
Di ko na napigilan. Napaiyak na ako, di ko namalayan na nabasa na pala ang unan ko dahilan para mas lalong sumikip ang dibdib ko.
Iniisip ko si Lola na maysakit, ang mga kaibigan kong bumigo saakin, at ang lalakeng nakadagdag sa sakit na patuloy na nananalaytay sa buong ugat ko.
Pinigilan ko ang sarili ko. At mas lalong sumikip ang dibdib ko. Nakatulog na ako na lumuluha.
"Teteng! Di ka pa ba babangon jan? Gusto mo bang buhusan pa kita ng tubig para kumilos ka na?" Bigla akong naalimpungatan sa mala-alarm clock na pambungad ni Mama.
Sanay na ako sa ganitong eksena araw-araw. Napabuntong hininga na lamang ako. Oo, madami pala akong dapat gawin. Dapat maging productive ang araw na ito. Kailangan may mga bagong bagay akong ma-accomplish.
"Ano Teteng? Di ka talaga babangon?!!" Sigaw ulit ni Mama.
Nabigla ako. "Ma, eto na po. Babangon na ako." Magalang kong sagot ke Mama.
Dali-dali kong kinuha ang towel ko at agad na nagtungo sa banyo.
Iba dito sa probinsya. Talagang mapipilitan kang mag-igib ng tubig at maligo gamit ang timba at tabo. Masyadong malamig ang tubig kaya mas lalong nawala ang pagkaantok ko. Mas nagmadali ako para di ko ito masyadong maramdaman.
Pagkatapos kong maligo ay dali-dali akong nagbihis. Wala pang sampung minuto ay dali-dali na akong nagtungo sa kusina upang kumain ng almusal.
Nagkaroon ako ng sigla nang makita kong adobong manok ang ulam namin na inihain ni Mama. Sa tabi nito ay isang mug ng chocolate drink. Di ako mahilig sa gatas dahil masyadong ito matamis kahit di naman nilalagyan ng asukal. Siguro ayoko lang talaga.
Pagkatapos kong makapag-sipilyo ay nagsuklay na ako at inayos ang mga gamit ko. Nagmano ako kay Mama at agad na umalis.
"Bye Ma!" Pasigaw kong sabi habang palabas ng gate.
"Bye nak. Text mo ako pag nasa school ka na ha." Sagot ni Mama.
Di ko na siya pinasin at naghanap ng masasakyan. Matindi ang sikat ni haring araw. Senyales ito na kailangan ko nang magmadali dahil baka mahirapan ako dahil magtatanghali na. Paniguradong mahaba ang pila.
Oo, mag-eenroll na ako sa bago kong paaralan. Di ko na inabala pa si Mama. Alam ko kaseng mapapagod lang siya at mahihirapan. Hirap kase siya sa paglakad dahil inaarthritis na, siguro ganun talaga pag tumatanda ka na. Sobrang hilig kase nun sa softdrinks at babad laki sa paglalaba at iba pang gawaing bahay.
"San po tayo Miss?" Sabi nung driver.
"Sa San Pablo College po " Sagot ko naman.
Nakarating na ako sa paaralan at inabot ko na ang bayad ko.
"Salamat Manong" at nginitian ko ang driver at bigla na lang itong namula, at agad namang umalis.
Mula sa gate, ay natatanaw ko ang mga estudyanteng mukhang kanina pa nagpapalibot-libot at naiirita sa mahabang pila at mainiti na sikat ng araw gayong wala silang masisilungan roon dahil magkakalayo ang pagitan ng mga puno.
Baguhan pa ako dito sa probinsya. Sinasanay ko pa ang sarili ko na mamuhay dito ng tahimik at payapa. Mas pinili ko na magkolehiyo dito, siguro para at the same time, makalimutan ko na ang mga taong nagbigay saakin ng labis na pagkabigo noong sa siyudad pa kame naniniharahan.
Ibang-iba dito. Malalanghap mo ang napakasariwang ihip ng hangin na tila mapapa "My Heart Will Go On" ka ala-Rose. Bawat taong makasalubong mo ay nakangiti, kita buong gilagid. Pakiramdam ko'y napakagaan. Idagdag mo pa ang mga halakhak ng mga ale na tila mangiyak-ngiyak sa kakatawa dahil sa pagbibiruan.
"Peeeeeeeepppp!!" Malakas na busina ng isang motor na kulay pink ang narinig ko na nakapukaw sa atensyon ko. Bigla akong napatalon at agad namang tumabi.
"Sorry."
"Okay lang yun, sa susunod ha. Hmm. Ang lalim naman kase ng iniisip mo" sagot niya at nginitian ako tsaka agad na umalis.
Gumaan ang loob ko. Napakafriendly ng mga tao sa probinsyang ito.
Paglingon ko sa kanan ay natanaw ko agad ang karatulang "Bulletin Board of Announcements for Enrollees".
Madaming tao dito. Siksikan. Bigla ako nakaamoy ng amoy ng isang napakabangong bulaklak, nakakainlab, talagang mapapalingon ka. Paglingon ko'y, isang babae na mala-diyosa ang nakangiti saakin.
Teka, pamilyar to ah?
"Uh? Teka, ikaw ba yung.." pa-utal pa akong nagtanong.
"Yes. Ako yun kanina na nakausap mo. I'm Aycel Viniel Perez" sabay ngiti. "Nice to meet you."
Tch, nakakatomboy talaga ang ganda niya. Napakasimple at talagang patunay na isa siyang dalagang pilipina. Sa kanyang kayumangging kutis ay talagang matutulala ka gayong maganda rin itong manamit at marunong magdala.
"Uy? Ayos ka lang?" Tanong niya ulit.
"Ah. Hello. Uhm.. Hi, I'm Bea, Bea Alonzo, ay ests Hish! Beatrice Kayzie Cruzvella" sagot ko naman. "Nice to meet you din" dagdag kong sagot.
"Sge mauna na ako ah?" Paalam niya.
Natulala pa rin ako habang paalis na siya. Nakalugay lang ang kanyang buhok. Wahhh, di ako tomboy. Naappreciate ko lang ang ganda niya.
"Ano Miss? Chikahan na lang? Chika minute tayo? Kung gusto niyo, wag dito sa siksikan. Dun kayo sa park!" Sambit ng lalakeng nasa harap ko na nilingon pa ako. "Ang ingay tsk. Polusyon!" Pahabol nito.
Wow kuya, nakakahiya naman sayo. Gusto ko siyang sigawan pero dapat magpakabuti muna gayong baguhan pa.
Nakarating ako sa bahay ng payapa. Umakyat ako ng kwarto at napahiga na lang ako bigla. Sobrang nakakapagod. Atleast I survived this day!
BINABASA MO ANG
Paano Na Kaya?
Ficção AdolescenteBeatrice Kayzie Cruzvella. She's a failure. Yun ang tumatak sa isip niya. Di niya kayang mahalin ang sarili. Dahil lagi na lang siyang bigo at sawi. Paano na kaya haharapin ng isang Beatrice Cruzvella bawat pagsubok na bubuo ng kanyang pagkatao? Han...